Kabanata 213

7.5K 384 550
                                    

Kabanata 213:
Times Up

May mga lalaki na humawak sa braso ko. Agad akong napalingon sa kanila. Akma ko na sanang babalyahin ang mga hawak nila nang maalala ko ang dalawang lalaki pa sa likod ko na nakatutok pa rin ang baril sa akin.

"Don't touch her!" sigaw ni Xerox. His scream echoed in the whole arena.

"Sa tingin mo ba may silbi iyong pasigaw sigaw mo huh?" si Kuya Roel kay Xerox. Bumaling sa kanya si Xerox at pinukol siya ng matalim na tingin. Ngumisi lamang si Kuya Roel nang senyasan na ang mga tauhan na nasa tabi ko para dalhin na ako sa kanya.

"Lakad!" utos nila nang hilahin ako dahil hindi ako gumalaw. Nagmatigas ako, pakiramdam ko hindi ko magawang sumunod sa utos nila sa pang-gagalaiti ko. Nanginginig ang kamao ko sa galit pero alam ko naman na walang patutunguhan ngayon ang pagmamatigas ko. Kung ipapahamak ko ang sarili ko, mabuting ako lang sana pero alam kong madadamay ang lahat ng last section.

Kaya naman ay sa pangalawang hila nila ay napasunod na ako. Huminga ako ng napakalalim para pahabain ang pasensiya ko. There's an oversized bejeweled chair throne beside Kuya Roel and I have the hunch that he's going to make me sit on that damn chair.

I don't know if I will be fluttered that he exert an effort to make me sit in that elegant chair. Kasama rin ba ito sa pakulo niya?

"Huwag kang magpapahawak sa akin kapag nakawala ako rito." banta ni Kuwai habang pinagmamasdan akong hatakin ng mga lalaki papalapit kay Kuya Roel.

Nakatingin ako sa last section na nadadaanan ko. Napalapit sila sa diamond mesh wall at humigpit ang kapit roon habang tinitignan ako na naglalakad sa harap nilang lahat.

"Makakalabas rin kami rito Raiven." si Skio sa mariin na tinig.

"Ililigtas ka namin." si Light.

"Narito lang kami, Raiven. Magiging maayos ang lahat." si Xerox at umawang ang labi ko.

"I will get you," Kuwai said in his very cold voice.

My chest heaved on seeing him in a close distance but I couldn't even step more to get closer to him. Apat na metro na lang ang layo namin sa isa't-isa pero hindi ko pa siya maabot. He's looking at me intently and my heart is racing too fast.

"Please be safe." sambit ko sa katamtamang boses, sapat lang para marinig nila. Nanghihina ako ngayong pinagmamasdan sila sa loob ng kulungan habang papalayo ako.

Hindi ako natatakot sa kung anong gagawin sa akin ni Kuya Roel, mas natatakot ako sa kung ano ang mangyayari sa kanilang lahat sa loob ng kulungan na iyon.

Maraming pumapasok sa isip ko at pinilig ko ang ulo para walain iyon sa isip lahat. Ayokong mag-isip ng masama. Hindi nakakatulong.

"Maupo ka Raiven." salubong sa akin ni Kuya Roel nang ihinto ako ng mga lalaki sa harap niya. Malaya ang dalawang palad ko kaya naman hindi na ako nagdalawang isip pa na paliparin ang isa sa mukha niya para bigyan siya ng isang malakas na sampal.

I heard gasp and curses. Agad na kumilos ang mga tauhan sa ginawa ko. Nakarinig ako ng pagkasa at naramdaman ko agad ang pag-alarma nila.

My palm hurts after the slap. I feel like I hit a very thick wood. Walang naramdaman na kahit anong malambot ang palad ko, purong matigas iyon na namanhid agad iyon sa sakit. Hindi ko iyon ininda at nanatiling diretso ang tingin sa kanya kahit nakatutok na sa sentido ko ang apat na baril.

Nakatabingi ang mukha ni Kuya Roel pagkatapos ng sampal. Ilang beses siya sa ganoong ayos nang unti unting tumaas ang sulok ng labi niya at dumagundong ang malakas niyang halakhak sa lugar. I didn't blink as I watch him laugh even though four guns are pointing straight on my skull. Ilang beses na akong nakatanggap nang sampal mula sa kanya at marapat lamang na maghigante ako sa mga iyon.

Ruling The Last Section (Season 3- Final)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon