Kabanata 208

7.6K 468 478
                                    

Kabanata 208:
Us

"Just continue driving Raiven, don't overthink about them. They won't be the last section if they're weak. Hindi sila mapapahamak." saad ni Pierce nang mapansin ang pagiging tahimik ko habang nagmamaneho. I am speeding up the car and he didn't react on it anymore. I am in a deep thought.

Bumuntong hininga si Pierce nang tipid lamang akong tumango roon.

"Kuwai put the directions here in the phone towards his father place. Doon tayo didiretso. Once we arrive there, you will be safe. Hindi iyon kayang tapakan ni Sir Agape. Alam niya ang impluwensiya ng mga Velarde." aniya sa akin.

"P-Papaano sila? Makakauwi rin ba sila?" baling ko ulit sa kanya. Hindi talaga ako mapakali.

Alam ko namang hindi sila mahihinang lahat. They all can defend their self but the damn fear because of my anxiety is trying to control my mind.

"Of course! Isa pa, Kuwai's brother is on his way too now to help us." I turned a bit on Pierce when he said that.

"Sila Levin?" I ask in surprise. He nodded.

"Oo, kaya huwag ka na masyadong mag-alala. Baka makasalubong pa natin sila. Sobrang rami nila roon. Kasama pa nila iyong sila Levi." pagpapakalma niya sa akin. My nervous subsided a bit on that.

Marami sila roon, kaya wala naman sigurong mapupuruhan sa kanila ng malala? Kuwai, Xerox and Helix promise me they will come home alive. So there's nothing to worry about, right?

Panghahawakan ko ang pangako nila.

Pierce keeps telling me that the last section won't lose and no one on them would die, because they're not weak and vulnerable. Pierce said they will immediately follow us.

"Susunod rin ang mga iyon sa atin. Huwag ka nang masyadong mag-isip pa. Xerox will be insulted if he will know you're thinking this way." ani Pierce.

Ang isang 'yon pa. Kakagaling lang at sumasabak na naman sa ganitong bagay. Dapat pala ay sumama na siya kila Helix para hindi ako masyadong mag-alala. Pero mukhang ayaw niyang mag paawat at gustong mag-paiwan para kaharapin si Sir Agape.

Hindi kami nagkausap ni Xerox bago kami umalis ni Pierce. Hindi ko alam kung mas minabuti niya ba na hindi na ako kausapin kanina at hayaan na lang umalis dahil baka hindi rin ako makausap ng matino sa galit niya. I didn't see him but I am certain his burning on anger.

Hindi ko alam kung gaano kagalit ngayon si Xerox. He's the first one to knew about Sir Agape being Tanner. Kanina pa lang alam kong hindi na masukat pa ang galit niya. I think his anger exceeds now.

Asam na asam na siguro siyang dumating ang oras na ito, ang malaman namin na sir Agape ay isa sa bumubuo kung sino si Tanner.

Sa malalim kong pag-iisip, hindi ko namalayan na talagang malayo na kami mula sa pinanggalingan na estasyon. Malayo na kami mula kila Kuwai.

"This is the last street towards Kuwai's father place." ani Pierce. At sakto na pagkatapos niyang sabihin iyon ay ang pagtunog ng phone para sa tawag ni Xerox.

I straightened my back when I saw Xerox's name on the phone. Kumalabog pa ang puso, anticipating what news I will hear from him.

Sinagot agad ni Pierce ang tawag na iyon. Halos malimutan ko na nag d-drive ako at ituon na lang ang tingin kay Pierce sa paghihintay ng sasabihin ni Xerox.

"Hello, Xerox?" Pierce said.

"Hello, Pierce." imbes na tinig ni Xerox ang marinig namin ay boses ni Sir Agape kaya naman bigla akong napaapak sa preno sa pagkabigla.

Ruling The Last Section (Season 3- Final)Where stories live. Discover now