Kabanata 255

8.1K 304 195
                                    

Kabanata 255:
Call

Nixson's POV

"Your practice for graduation will start next week and yet some of your students are not attending classes. It's been weeks, Nixson." I took a deep breath when the principal turned to me. Napabaling rin tuloy ang kapwa mga teacher sa akin dahil sa nabanggit niya.

We had an early meeting for the upcoming graduation of senior high school students. Kakatapos lang noon at ngayon ay hinarap niya ako para kausapin tungkol sa last section dahil iyon ang pinaka pangunahing problema ngayon ng faculty. They want to make the graduation ceremony successful since a lot of sponsors are invited in the event.

Ang nakakalungkot lang, sumakto pa talaga na kung kailan nalalapit na ang graduation at mukhang mga wala ng gana ang mga last section na pumasok sa skwelahan dahil sa pagkawala ni Raiven. It's like they throw their future when they lost Raiven.

Hindi ko rin naman masisisi si Raiven. Hindi ko man alam ang tunay na rason kung bakit siya umalis, alam kong kailangan at dapat niyang gawin iyon. Hearing her past story, I know she needs to settle something regarding it. It's her choice and she needs it, so I understand her.

It's been three weeks since she left, and since then it was a complete disaster for all of us. Hindi ko makausap ng matino si Levin dahil sa sobrang problemado niya sa kapatid na hindi siya pinapakinggan. Ilang araw nang walang humpay na naghahanap sila Kuwai kay Raiven.

Wala silang kapagurahan, walang minuto siyang sinayang. Halos hindi na siya umuwi sa mansiyon ng mga Velarde. It was a three weeks of chaos.

Kahit saang lupalop kung saan posibleng naroon si Raiven ay tinutunton nila. Kahit sa kasaluksulukan at katiting na posibilidad, pinapatos nila. Just to see Raiven again. But they were unlucky, they failed to see even Raiven's shadow.

Halos baliktarin na nila Kuwai ang mundo sa paghahanap. Ilang beses na silang nabigo at alam kong malaki na talaga ang tsansa na hindi na nila mahahanap pa si Raiven, pero hindi pa rin sila tumitigil. Hindi sila sumusuko. Mamatay na lang siguro sila sa kakahanap.

They're all hard-headed and they won't listen to any one of us.

Tatlong linggo na ring hindi pumapasok sa klase ko ang karamihan. Ang natitirang matino na lang ay si Helix, Light, Zillah at Pierce. I should be relieved right? Because somehow I still have student who's sane enough.

Kaso pumapasok nga sila, wala naman sa klase ang wisyo at isip nila. It's useless too.

Now I believe that Raiven is the heart of the last section, without her they're all being crazy.

"I'm sorry, Sir. I'll try to talk to them again. May pinagdadaanan lang sila." mapagkumbaba kung sinabi at marahang tumango para manghingi ng despensa.

I don't have a control to Raiven's decision but I should take responsibility to the last section's action since I am their adviser now. Hindi lang kaibigan ang turing ko sa kanila, kundi estudyante rin. Kaya namromroblema ako ngayon kung paano ko reresolbahin ang problema. Masyadong mabigat iyon lalo na at mukhang hindi ganoon kadali na kumbinsihin silang pumasok muli.

Paniguradong mas pipiliin nila na maghanap kay Raiven kaysa sa graduation.

"Pinagdadaanan? Dahil ba umalis si Miss Esquivel kaya ayaw na rin nilang grumaduate?" medyo sarkastiko ang pagkakasabi noon ng principal. I raised my gaze a bit on him. I gritted my teeth a bit but I immediately composed my self.

I should be professional. Hindi ako puwedeng magalit. Hindi na maganda ang tingin nila sa mga estudyante ko kaya kailangang ayusin ko ang pakikitungo ko. I know Levin can pull some strings for the last section to graduate even they're not attending classes but I can't just rely on it. I just can't rely on the Velarde's influence and power. I must resolve this alone as their adviser.

Ruling The Last Section (Season 3- Final)Where stories live. Discover now