19

13 1 0
                                    

Cebu Traumance

KATELYN POV

"Hi Cebu!" Malakas na sigaw ni Danica ng makababa kami ng eroplano.

"Ingay mo!" Saway sakanya ni Andrei.

"Paki mo!"

Kanina pa sila nagaaway sa loob ng airplane, kung hindi lang talaga sila sinaway kanina nila Tita, Ikaw ba namang makitang nagsaskalan na ang dalawa.

"Wait nalang natin 'yung van na susundo satin" panguna ni Kuya Hayden.

"Wow Kuya Hayden! Yayamanin talaga kayo!" Sigaw ni Liam.

"In not you Kuya" inirapan pa niya si Liam at lumapit ito sa Cap.

Napatingin ako kay Anthony at Jake ng sa sobrang lakas ng tawa nila, tumingin nman ng masama si Liam sa dalawa at nagsimula na sa takbuhan. Tumigil lang sila ng sumigaw mga nanay nila.

Pagkadating ng van na sasakyan namin nagkakanya-kanya na kaming sumakay, si Danica dapat ang kasama namin pero hinila siya ni Andrei kanina kaya wala siyang nagawa. Pagkadating namin sa bahay nila Hannah sobrang laki pala.

Pagkalabas ko ng van kinuha ko na mga gamit namin para ibaba dahil nagsasarili na sila pero tinulungan naman ako ni Jake ng makababa at naghila nalang ako ng maleta ko.

Nakita ko pa si Hannah na pinapayagan si Celeste. "Jusko Hannah kadating lang namin nagpapaiyak kana ng bata!" Pagbibiro ko.

"Hindi ko naman pinapaiyak" dinig kong sabi niya prot nagtuloy lang ako sa paglakad hanggang sa tulungan ako ng maid nila.

Pagkadating namin sa loob bumati ako Tita at Tito tapos pinakilala ako ni Tita Arlyn sa Mommy ni Cy, maganda naman siya at mukhang kamukha talaga ni Cy kahit sa anong parti ng mukha pero liban sa labi dahil magkaiba sila.

Sa daddy niya yata naman 'yun.

Nagpaalam narin ako sakanila dahil nauna na dun si Jake, tumango lang sila kaya umalis narin ako. Habang palabas ako nakita ko kapatid ni Cy na galit papasok sa bahay.

"Oh anyari dun?" Tanong ko ng makalapit sakanila.

Sinagot naman ang tanong ko kaya nakinig nalang ako sa sinasabi nila hanggang sa magtanong ang kaibigan ko, bigla naman silang nagreklamo.

Seyempre pati ako.

"Ang wild ha!" Singit ko.

Naguusap-usap muna kami dito hanggang sa pumasok na kami, Ilang oras ang nakalipas at gabi na doon lang kami nagkasiyahan dahil si-celebrate daw birthday ni Hannah, akala ko ngayong January nung November lang pala at ngayon lang na happy birthday kasi tulog daw sa hospital.

Pagkatapos namin siyang kantahan umalis siya at mukhang may hinahanap pa, pinabayaan nalang anmin dahil bahay naman nila 'to at alam niya mga pasikot-sikot dito. Seyempre bahay nga nila diba. Pagkatapos kumain hinanap na namin si Hannah.

Nakita naming kausap niya su Danica at buti hindi sila nagsampalan. Pagkalapit namin nagusap muna sila at siraulong Jake 'to bigla biglang yumayakap sa likod ko tapos tatakpan bibig ko.

Nagkaayaan silang maginuman pero tumanggi ako dahil hindi pa ako pwede dahil kahit pinayagan ako parents kong uminom nagpromise ako sa sarili ko na dapat 18 ako iinom ng alak pero depende 'yun kung maalala ko.

Mala Wattpad yarn.

Pagkapasok ko ng kwartong binigay sakin ni Tita Arlyn, nangalkal nalang ako ng librong binitbit ko kanina habang papunta kami dito. Ilang oras ang nakalipas sa pagbabasa ko bigla namang may kumatok, agad naman akong tumakbo papunta doon.

Still With You (Oneirataxia Series #3)Where stories live. Discover now