02

97 2 0
                                    

Bonding again

JAKE POV

Jake Laurence Alvarado

Nice to first meet you

***

Habang naglalaro sila at kumakain naman ako habang nanonood napatingin ako kay Katelyn na nasa kama pero pagtingin ko nakatulog na pala ito, hinampas ko ang braso ni Liam ng sisigaw siya, ihampas niya din sana ang kamay niya sakin pero sinenyasan kong tumingin siya kay Katelyn kaya tumahimik naman sila lahat.

"Akin nga kasi! Daya niyo ayoko na!" Sigaw ni Lance at pinaghahampas namin ang braso niya.

"Ang ingay mo natutulog na si Katelyn parang sira naman 'to" Galit na bulong ni Andrei kaya tumahimik na kami.

Habang naglalaro sila lumapit ako kay Katelyn at kinumutan siya at ayusin ang buhok niya, napatingin ako sa mukha niya at maganda naman sila kaya wala lang maganda lang.

Bumalik ako sa pagkakaupo ko kaya nanonood nalang dahil hindi ko naman alam ang pinaglalaro nila, natulog narin kami pagkatapos namin kahit nakaupo kami at sa kama si Katelyn.

KINABUKASAN...

Pagkagising namin nakita ko si Lance at Liam na mukhang naguusap pero nang maliwanag na ang nakikita ko biglang sinapak ni Lance si Liam at nagsasapakan na naman sila.

"Eh diba sabi ko sabihin mo kay Ate na hindi ako sasama sa Japan ang kulit niyo!"

"Sinabi ko pero bakit ka na nanapak, kakagamot lang ng sapak mo kagabi!"

"Sensya na"

"Psh kung galit ka pwede namang sa pader ka nalang nanapak hindi sa panga ko! Ang sakit susumbong kita kay Lolo" saka siya tumakbo palabas ng kwarto.

Nakita kong napasapo nalang ng noo si Lance, kahit mga bata pa kami pero ang action ni Lance ay parang 15 years old na kahit 6 years old palang siya, manipis ang temper niya at hindi siya nakikinig sa mga sinasabi ng pinsan niya o sino man. Basta masunod lang ang pinagsasabi niya.

Nagsigusing nadin mga kasama namin pero si Katelyn ay tulog padin, mahinahon ko siyang ginising kaya nagising naman ito.

"Morning" kangiti niyang bati.

"Morning din, Tara na nasa baba na silang lahat" inalalayan ko muna siyang bumaba dahil maliit ang mga hita niya at hindi pa abot ang sahig mula sa kama.

Bumaba na kami ng hagdanan pero todo alalay ko lang sakanya dahil ang sabi niya nanghihina daw ang hita niya. Malapit na kami sa ending ng hagdanan doon nalang siya binuhat ng Daddy niya, pinakain muna nila kami at hinihintay pala kami ng iba naming mga kaibigan.

Pagkatapos naming kumain naglaro ulit kami ng mga ibang laruan ni Lance sa kwarto niya pero napapansin ko si Katelyn na laging nakatingin bumblebee na robots. Siniko ko si Lance at nginuso ko lang si Katelyn. Lumapit siya kay Katelyn at nagsalita.

"Gusto mo 'yan?" Suplado pading boses niya pero tumango naman si Katelyn.

Kinuha ni Lance ang bumblebee niya at binigay kay Katelyn, masaya naman niyang kinuha ito at naglaro na. Maraming laruan si Lance na halos lahat ng robot na napapanood sa Hollywood ay nasa lahayan niya.

Masaya kaming naglalaro hanggang sa mapansin ko si Liam ay wala na dito, tinanong ko si Andrei kubg nasaan si Liam or kung nakita ba niya pero ang sagot niya umalis na daw pagkatapos naming kumain dahil pupunta daw sila ng Maynila.

Sumapit ang hapon at umuwi narin kami, halos napanguso nalang ako ng nanonood ng Power ranger, gusto ko sanang makipag karo kay Katelyn ulit pero mukhang matagal na ulit kaming magkikita.

Still With You (Oneirataxia Series #3)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ