34

42 1 0
                                    

KATELYN POV

"Putangina ka!" Sigaw ko kay Liam ng makarating kami ng hotel room niya.


May shooting pa daw siya kanina kaya kami pinapunta doon at ngayon napunta na kami sa hotel na pagtutulugan namin halos sakalin ko na siya dahil pinagod pa kaming pumunta doon, hinintay pa naming magsunset bago pumunta dito. Ilang oras din akong nahintay sakanya at nagawa pa niya talaga akong gawing assistant niya.


"Bakit kasi sinama mo pa si Jake! Ayan tuloy nagiging red flag na!" Sigaw niya.


"Aba'y sinisi mo pa ako eh kung sana pina-adjust mo schedule ng pagpapagawa ng bahay mo e'di walang problema!"


"Paano? Eh malapit ng umuwi si Rye at magpapakasal na kami kaya manahimik ka at gawin mo nalang bahay namin, saka isa pa.... Gagawa daw sila ng paraan para makauwi lang si Hannah dito"


"Ganun? Paano? Teka paano naman natin pagkikitain ang dalawa?"


"Papakasal! And speaking of pagpapakasal malapit nadaw magpakasal si Castillo, 'yung maagang nagkaroon ng anak"


"Ay oo nga 'no! Talino mo diyan!" Saka ko siya hinamapas sa braso niya. "Basta bridesmaid ako"


"Aray naman! Pinuri mo 'ko tapos hahampasin lang pala kapalit!" Sigaw niya. "Pero mabalik tayo, ako na kakausap kay Castillo para naman—ay huwag na pala hindi kami close nun"


"Sa tingin mo makakauwi na kaya si Hannah, na miss ko siya sobra"


"Ako din eh, kaso kapag nakikita ko naman siya parang nakalimutan na yata niya ako" dismayado niyang sabi.


"Nagkita kayo?" Tumango naman siya. "Kaylan?"


"Tagal na nun, pero parang nag-iba siya, narinig ko ngang nakikipagaway siya sa Manager niya, hindi ko na pinatapos 'yung away nila baka makita pa ako dun"


Nagpaalam narin siya nang dumating si Jake na may dalang pagkain, kumuha lang siya ng pagkain niya at umalis na. Kumain lang kami ni Jake at dinalhan na niya daw si Yuan ng pagkain para hindi na kami pagkita ngayong gabi. 'Yon sabi niya kaya pinagbigyan ko na.


"Next time kasi huwag ka ng magselos sakanya, magkaibigan lang kami at Ikaw lang mahal ko" hinawakan ko ang mukha niya at pinagpatuloy ang pagsisipilyo sa ngipin ko.


"Paano ko maiiwasan—eh naiinis ako, lahat nalang kasi nakalimutan ko tapos tagal niyong magkasama" pagrereklamo na naman niya.


"Ikaw 'yung lalaking unang lalaking nakilala ko bago mga kaibigan natin at ikaw kasama ko hanggang sa magtapos tayo sa pagaaral" pagpapaalala ko sakanya.


"Ahh basta, hanggat wala akong naaalala magseselos padin ako sakanya!" Sigaw niya bago pumunta sa shower area.


Natawa nalang ako at mabilis na nagmumog, lumabas ako ng banyo at kinuha ang skin care ko pero mukhang nakalimutan ko yata kaya kaagad akong pumunta ulit sa Cr.


"Love! Nakita mo ba 'yung skin care bag ko!"


"Asa maleta! Nakalimutan mo kaninang dalhin, ayun dinala ko na baka maghanap kapa!" Pabalik niyang sigaw.


"Thank you!" Sigaw ko bago kunin sa maleta niya.


Sakto namang nakita ko agad dahil wala na siyang damit dito, pumasok ako ng banyo at nakabihis na pala, nagpupunas nalang ng buhok. Wala siyang damit pangitaas pero pinabayaan ko na. Naglagay lang ako ng black mask na pampatanggal ng black heads at tumapat sa electric fan para mabilis matuyuan.


Still With You (Oneirataxia Series #3)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang