06

42 2 0
                                    

KATELYN POV

Nagising ako ng biglang may gumalabong sa kwarto ko, pagkatingin ko kung sino sila Lance pala at sunod sunod silang umakyat mula sa bintana ko, dali dali akong tumayo para tulungan sila, napakunot ang noo ko dahil may naramdaman akong basa.

Siguro pawis lang niya.

Pero ng pag-on ko ng ilaw halos mailuwa na ang mata ko sa nakikita nito, puro sugat at puro dugo ang mga damit nila.

"Hoy bakit ganyan mga katawan niyo?!" Nagpapanic na sabi ko pero shinushush lang nila ako.

Tinulungan ko nalang silang umupo sa sofa ko, dahan dahan lang daw dahil masakit daw at napatayo lang ako ng makita ko si Anthony at Liam na kasama nila at puro pasa din mga mukha nila. Inalog ko ang ulo ko para ng matauhan na ako siguro ma mabuting huwag ko na muna sila sigurong pagalitan at tumakbo nalang ako papunta sa baba ng bahay at kumuha ng mga panggamot ng mga sugat nila.

Pagkapasok ko ng kwarto ko naghuhubad na sila ng mga damit at puro talaga dugo mga katawan nila, nasa baba na si Andrei habang nakatingalang nakasandal sa sofa ko, si Ethan naman kalalabas lang din ng Cr at tumakbo si Lance papasok sa Cr.

Nasapo ko nalang ang noo ko ng makita kong puro dugo ang sahig ng kwarto ko. Kumuha ako ng ice pack at ice sa ref ko at binigay kay Anthony at Liam dahil sila lang naman ang walang sugat at puro pasa lang sa katawan.

Tinulungan ko si Jake na umupo ng maayos at puro ungol lang lang ginagawa niya dahil siguro sa sakit. Hinintay ko muna silang makaayos at nagsikuha narin sila ng mga panggamot sa sarili nila, si Andrei kaunti lang ang sugat siya at may daplis sa kanan niyang braso, samantalang si Ethan naman ay sa hita.

Hindi ko alam kung sino uunahin kong galawin sakanila para matulungan pero nagpapanic na naman ako. Tinulungan ko si Jake na gamutin dahil hindi niya maigalaw ang kamay niya.

Tumingin sila saakin habang nagaayos na ako ng mga nagamit nila at tinitignan ko lang sila at nilagay sa trashbag ang mga bulak na puro dugo.

"Anong bang ginagawa niyo dito?" At doon lang ako nakapagsalita sa pagpapanic ko kanina.

"Sorry, you saw us na ganito ang katawan namin" pabulong na sabi ni Lance.

"Hindi naman ako magagalit sainyo. Pero sana sabihin niyo naman kung anong nangyayari at ginagawa niyo puro nalang kasi mga pasa at sugat mga katawan niyo, sa tingin niyo ba hindi kayo mamamatay diyan" mangiyak iyak kong bigkas.

"Lance sabihin mo na kasi" bulong ni Liam pero narinig ko padin.

"Maybe next time, k-kasi tangaina mawawalan na ako ng dugo!" Sigaw niya ng ika laki ng mata ko.

Agad sa pagtataran ko napalabas ako ng kwarto ko at tumakbo papunta sa kwarto nila Mommy at humingi ng tulong. Agad silang naging at ng sabihin kong sila Lance kaylangan nila ng tulong agad silang tumakbo sa kwarto ko.

"What the hell did you all do!" Sigaw ni Dad ng makita lahat ng mess sa kwarto ko.

Ngayon ko lang na napansin na puro dugo ang sofa ko lalo na sa pwesto ni Lance at Ethan. Tinulungan namin silang makababa kasama ng mga lalaki dito sa bahay at pinunta namin sila sa hospital, nagpangap nalang ako na 18 para papasukan ako.

Hinintay ko sila sa bench ng hospital harap ng OR kasama sila Mommy at Daddy, nakahawak lang ako sa noo ko habang umiiyak. Hindi ko na alam kung anong pinaggagawa nila dahil sa lahat ng araw na nakita ko sakanila puro pasa lang nakikita ko pero ngayon puro dugo na at pati pantulog ko may dugo narin.

"Shhh anak, magiging okay din lang sila kaya don't worry" tumango nalang ako at pinakalma ang sarili ko. "Hon, call Delilah to come here"

Agad namang tinawagan ni Dad sila Tita Mommy ni Lance. Tinawagan naman ni Mom ang Mommy ni Jake at iba pang parents nila. Pagkadating nila sakto namang kalalabas lang ng Doctor na gumamot kay Lance. May sinabi pa ito at sinabing katatapos lang daw ng iba kong mga kaibigan na linisan at nasa kama na silang nagpapahinga.

Pagkadating ko kay Jake nakatingin lang siya sakin at ngumiti, kusang gumalaw ang kamay ko at hinampas ko ang tyan niya ng iinda niya ang sugat niya doon. Inawat ako nila Mommy na huwag ng ulitin iyon pero wala akong reaksyon na tumingin sakanila.

Natatakot ako dahil baka kung ano talagang mangayari sakanila, lumabas nalang ako ng kwarto at naglakad lakad at may makita akong babae at lalaki na naguusap, umiiyak ang babae na mukhang namatayan or nakikipagbreak ang lalaki dito sa lalaki pero  lumayo nalang ako dahil ayoko ng mapunta pa sa gulo nilang lahat.

Nakarating ako sa labas ng hospital building at hinintay nalang sila Dad doon sa harap ng kotse nila. May mga jacket akong pinahiram muna sakanila pero lahat ng iyon may dugo. Napangulombaba nalang ako sa kalutangan ng isip ko.

Hindi ko alam kung saan sila humuhugot ng lakas para araw araw silang magkaroon ng mga pasa o sugat, maayos naman kami ni Jake kahapon nung nasa field kami ng village namin para panoorin manlang ang sunset pero ngayon hating gabi puro na sugat silang lahat.

"Haaayyy masisiraan na ako ng ulo" bulong ko sa sarili ko at sinuklay ko ang buhok ko papunta sa likod gamit ang daliri.

KINABUKASAN....

Magisa akong pumasok at magisa akong kumakain, hindi naman ako pwedeng pumunta sa hospital dahil baka hindi na umepective ang pagsisinungaling ko ngayon. Nagaral nalang ako ng ilang oras hanggang sa sunduin ako ng driver ko.

Sabi niya nakauwi naraw si Jake galing sa hospital at injured sa kamay at damplis lang ng bala sa bewang niya at hindi na iyon ang dahilan para magstay pa siya sa hospital, ganun din daw si Liam at Anthony. Puro pasa ang mga mukha nila at injured sa paa lang si Anthony.

Si Andrei nagpastay pa sa hospital para make sure daw na ligtas katawan niya dahil pinaghahampas daw siya ng kahoy sa katawan. Si Ethan naman may sugat sa kung saang katawan at si Lance ang mas lalong napuruhan sakanila. Iyon ang sabi ng driver ko.

Pero ang ipinagtataka ko, paano sila nakapasok ng kwarto ko gamit lang ang bintana saka second floor pa ang room kung puro sila nanghihina at may mga sugat sa katawan.

Pagkapasok ko ng kwarto ko maaliwalas naman na at walang dugo dahil sa guess room ako natulog kagabi. Pinalinusan muna nila ang sofa at rag ko para malinis na talaga, nagpalit muna ako sa pambahay ko na suot at nagpasama ulit sa driver ko na pumunta sa bahay nila Jake.

Pagkapasok ko ng kwarto niya obviously Wala parents niya at mga maids lang ang nasa labas, tinulungan ko siyang ilagay ang damit niya sa katawan. Nagulat pa ito ng una pero pinayagan naman naman akong tulunagn siya hanggang sa pagpapatuyo ng ulo.

"Thank you" maikling sabi niya at humarap ako sakanya.

"Jake, pwede mo naman sigurong sabihin na sakin diba? Natatakot na kasi ako sa mga nangyayari eh"

"Katelyn—"

"Huwag na pala, baka hindi mo sasabihin" pagpuputol ko sakanya at yumuko nalang.

"Tch, fine. Sasabihin ko na" doon lang ako tumingala sakanya at nakinig. "Pumasok kami sa isang gang, mahirap nung una kasi physical touch pa ang ginagawa namin pero nung huli na hindi naman na kaya nagiging okay kami at nakapasok naman kami. Nung lagi mo kami pinapagalitan kahapon nun may mga gulo kaming pinapasukan. Ayaw naming sabihin sayo dahil ayaw namin na mapahamak ka at ang alam lang ng kalaban namin hindi kami nakikipagkaibigan sa mga babae"

"E 'di sana sinabi niyo sakin" pangungulit ko.

"Hindi pwede, mas maayos ng wala kang alam sa mga ginagawa namin para avoid sa pagkikidnap sayo"

"Ngayon? Kahapon anong nangyari sainyo? Mas malala pa ang nangyari sa mga nakikita ko sainyo dati pero nung madaling araw puro kayo dugo"

"Sorry, nagkaroon kasi ng gang war kaya ayun, saka pumunta kami sa bahay niyo dahil doon kami safe. Nagisip pa paki nun bago pumunta sa bahay niyo pero wala na talaga kaming makitaan na pwede naming pasukin na bahay para maayos kami lahat, saka nanghihina narin si Lance nun"

Bigla kong siyang niyakap at naramdaman kong yumakap siya sakin at doon naman ako umiyak. Hindi ko alam kung magiging thankful pa ako sa ginagawa nila pero naiinis ako dahil mas lalo nilang linagay ang buhay nila sa panganib.

"You always safe with me, kahit anong mangyari walang pwedeng gumalaw sayo hanggat buhay pa ako"

:)

Still With You (Oneirataxia Series #3)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora