24

16 1 0
                                    

Pafall.

KATELYN POV

Halos kapusin na ako ng hininga kagabi sa mga text ni Jake pero ngayon parang nahihiya na ako, habang papunta kami sa school nakangiti lang ang hinayupak. Wala sa sariling hinampas ang braso niya pero nakangisi lang itong tumingin sakin.

"Aray ko naman! Aga-aga nananakita ka, sinasakyan mo na ako tueng" saka siya tumawa.

"Ha? Anong tueng?" Kaagad kong tanong sakanya pero ngumiti lang ito at pinagpatuloy ng pagmaneho.

Ngumuso nalang ako at sumandal sa kinauupuan ko, ilinabas ko ang cellphone ko at pumunta s Google, si Google kaya nakakasolve ng overthink ko.

Tueng means?

Eyepeticks-

tua-eng means babe (Its famous i Thailand right now for calling your boy/girlfriend )
But in fact tua-eng means myself.

Ynhsp07-

tua eng ตัวเอง

1. oneself.
2. the pronoun use for call girlfriend or boyfriend.

many people use ta eng (ตะเอง) instead of tua eng (ตัวเอง) when they call them girlfriend or girlfriend. 😁

Iyan lang nakita ko dahil ang iba hindi ko maintindihan sinasabi, napatingin ako sakanya na nakangiti at tumingin naman siya pabalik sakin bago sa cellphone ko.

"Sinerch pa nga" natatawa niyang saad.

Sumeryoso ang mukha ko at umayos ng upo para harapin ko siya, tumingin ito saakin at pinagtaasan ako ng kilay bago bumalik sa pagda-drive.

"Sino si babe? Kabit mo?" Kaagad kong tanong at hinampas hampas siya sa braso. "May kabit ka! Lintik ka!"

"Araaaayy wala akong kabit! Katelyn! Madidisgrasyo tayo dito—araaaaaaayyyyyy!!!!" Malakas niyang sigaw ng kinagat ko ang braso niyang nakahawak sa gear.

Naririnig ko padin siyang sumisigaw pero unti-unting humina hanggang sa wala na akong marinig hanggang sa makarating kami ng Campus. Nakapagpark siya ng maayos at tahimik lang na nanghihintay na matapos ako sa braso niya.

Tinigil ko ang pagkagat sa braso niya at inayos ang buhok ko, tumingin siya saakin na lutang ang mukha, napatingin din ako sa braso niyang kinagat ko at doon ko lang napansin na nakataas pala sleeve niya at may dugo na.

"Kasalanan mo 'yan, nangangabet ka" bulong ko napatingin na naman siya sakin.

Nagpout siya at may luha na mata niya. "Wala nga kasi akong kabit eh" pagmamaktol niya at umiyak na.

Napatakip nalang ako ng bibig ng napansin kong umiiyak na nga talaga at may luha na sa mata niya, hinawakan ko ang mukha niya pero ayaw niya pahawak.

"Hoy sorry! Hindi ko naman kasi alam na–wooyyy sorry na! Anong gusto mong gawin ko?" Pagkatanong ko palang nun bigla siya tumigil sa pagiyak.

"Kiss mo ko" saka siya ngumuso.

Sa pagaalala ng mukha ko unti-unti akong tumawa at nalamutqk ang mukha niya, nagreklamo pa ito dahil sa sinabi kong gagawin ko lahat pero ayaw ko ng kiss.

"Tss, kiss lang eh, damot" kanguso naman niyang sabi.

Hindi ko siya pinansin at kinuha ko ang bag ko sa likod ng upuan ko, naramdaman ko kamay niyang hinila ang skirt pababa ska ako bumalik sa pagkakaupo, binuksan ko ang pintuan ko bago tumingin ulit sakanya.

Nakita kong hindi siya gumagalaw at pinapanood niya lang ako sa ginagawa ko, napabuntong hininga nalang ako at mabilis akong lumapit sakanya at hinalikan ang labi niya, mabilis akong lumabas s kotse niya at habang papalayo na ako narinig ko siyang sumigaw.

Paglingon ko nakatakip na siya ng mukha niya.

Siraulo.

Mabilis akong naglakad dahil nadin sa kahiyaan ko, pagkapasok ko ng classroom maingay padin sila pero hindi ko nalang pinansin dahil ganito naman sila lagi. Napatingin ako kila Rye at Liam na naglalampungan sa gilid.

Dwow sana ol.

"Good morning" kangiting bungad sakin ni Anthony.

Napalaki ang mata ko ng makita ko siyang nakabihis ng maayos at maayos din ang mukha. "Aga mo ah! Himala! Sinong Santo ang ginising sayo ng ganitong kaaga?!" Mapagbiro ko siyang tinignan.

"Grabe ka naman! Santo agad! Hindi ba pwedeng kalukuwa ko mismo gumising sakin" pagtatama niya. "Pero hindi pala kalukuwa ko" tumingin siya kay Liam nakikinig lang ng nga sinasabi ni Rye. "Ito kasing bwesit na 'to!" Agad niyang binatukan si Liam.

"Aray ko naman! Umagang-umaga nambabatok agad!" Sigaw naman ni Liam.

"Oh eh bakit! Sarap sarap ng panaginip ko tapos nangigising ka!" Sermon sakanya ni Anthony.

"Teka ano ba 'yung panaginip?" Singit ko sakanila.

"Ano.... Magkikiss na sana kami ni ano eh kaso hinablusan ako ng unan nito" turo na naman niya kay Liam.

Wala ng ginawang dalawang 'to kundi magaway.

"Bading ka kasi Dre, nakanguso kana eh sino sa tingin mong hindi gigising sayo!"

"Paki mo ba! Dapat kasi natulog kana lang! Hindi ko tuloy nakita mukha nun"

"Baka naman si Hannah" singit din ni Rye.

"Hindi siya!" Saka pumamewang. "Hindi naman ganun boses ni Hannah, saka sweet 'yung babae hindi maangas kung manamit"

"Gusto mo ulit mapanaginipan 'yun Dre?" Pagaalok ni Liam.

"Sige pano?" Inrested namang tanong ni Anthony na lumapit pa dito.

"Pasapak ka kay Hannah tignan mo makatulog kapa o baka hindi kana gumisi—araaaaaayyyy!!!"

Napasapo nalang kami ni Rye ng noo ng bigla silang magaway, hinayaan natin namin sila dahil titigil naman ito. Pumasok narin si Hannah pero wala siyang sinasabi kundi makinig nalang sa sinasabi namin. Nang matapos ang subjects namin at recess na inalalayan ni Rye ang braso ni Hannah dahil mukha nahihilo na.

Late siya kanina ng 20 minutes pero pinagbigyan siya dahil sinabi naming namatayan siya, buti nalang at mabait si Ma'am Virer kaya pinagbigyan niya. Kasama na naman pala namin ang apat kaya napatingin naman ako kay Jake na sinisiksik ang katawan kay Ethan.

Pumasok narin pala si Cy kaya kompleto kami ngayon kaso si Danica pala wala dito, hindi ko alam dito kay Andrei kung bati na sila tahimik din kasi pero akala ko lang pala 'yun dahil pagdating namin sa tambayan namin nagsimula na naman siyang tumawa ng malakas.

"Hoy alam niyo si Jake! Parang inaasinan kanina nung nakarating sa classroom namin, ngumingiting magisa.... Paran timang!"

"Pak u" bulong niya at nagmiddle finger kay Andrei. Tinignan ko siya ng masama. "Sorry" bulong niya sakin.

"Ikaw Hannah? Ayus ka lang?" Lahat kami bumaling lay Hannah ng tanungin ni Anthony 'yun sakanya.

Nang mapansin siguro kami ni Hannah na nakatingin sakanya ngumiti naman ito. "Oo, okay lang ako" saka mabilis siyang ngumiti samin.

"Ayun naman pala eh, kantahan nalang!" Sigaw naman ni Liam.

Ilinabas ni Andrei ang gitara niya pero ang sabi ni Liam 'yung speaker nalang daw baka maihampas daw niya kay Anthony. Ayun speaker nga ang sinasabayan nilang kumanta. Nahinto lang ang kantahan nila ng sumulpot si Danica kasama si Stella.

"Hi boys!" Kangiting sabi niya.

"Hi Stella!" Sabay-sabay nilang bati kay Stella, except kay Lance dahil naguusap sila ni Hannah.

"Problema niyo sakin?!" Sigaw ni Danica sa mga lalaki.

"Malaki!" Sigaw na sagot ni Andrei.

:)

Still With You (Oneirataxia Series #3)Where stories live. Discover now