01

228 4 0
                                    

KATELYN POV

Katelyn Nicole Ramirez

***

"Anak gising na may pupuntahan tayo" pagigusing sakin ni Mommy.

Kinusot ko ang mata ko at tumingin sakanya at nakita ko siyang nakangiti hawak 'yung manika ko.

"Mommy saan tayo pupunta?" Tanong ko.

"Sa kaibigan ko, kaya dali na mahal ko baka magalit sa 'tin Daddy mo" pananakot niya.

"Hindi naman magagalit si Daddy sa 'tin Mommy" tumawa siya at pinisil niya ang pisngi ko.

"Buti alam mo" singit ng kung sino.

Tumingin ako sa bandang pinto ko nakita ko si Daddy na naka-cross arm, bumaba ako ng kama at imbes na kay Mommy ako sasama ay tumakbo ako papunta kay Daddy at binuhat niya naman ako.

"Pasaway ka talaga, sabi ni Mommy mo magbihis ka" kunwaring galit na sabi niya kaya tumawa ako.

"Cute niyo diyan" Sabi ni Mommy na nasa bewang ang dalawang kamay niya.

Nagkulutan pa kami at napapayag nila ako na sumama sakanila, ayokong pumunta sa kung saan dahil natatakot ako sa mga batang iba lalo na matatanda baka ayaw nila sakin. Pagkalabas ko ng kotse namin napatingala ako at namangha sa nakita ko, isang malaking bahay na madaming ilaw, ganito din naman saamin pero parang mas malaki ito.

"Wahhh" Namamanghang sabi ko at nakanganga ako.

"Let's go baby their waiting us" Sabi ni Mommy.

Pagkapasok namin nauna sila dahil sabi ko na magpapahuli dahil ayokong makita nila ako nahihiya pero iyon ang pakiramdam ko ngayon. Nauna sila doon sa loob at titignan ko nalang daw sila dahil nasa sala lang naman daw sila. Habang nagmamasid pa ako sa ibang mga bulaklak na nakikita pero napatingin ako sa likod ko dahil parang may bata akong naririnig.

"Akin na nga sabi sasapakin kita!"

"Ayoko nga parang timang ka naman insan!"

"Don't call me insan ayoko kitang maging pinsan!"

"Tch whatever basta akin 'to!"

"Akin na nga sabi!"

Nagulat nalang ako bigla niyang sinapak ang 'yung kaagaw niya, bata pa sila pero parang magka-age lang kami, hindi ko namamalayang lumalapit na pala ako sakanila.

"Okay ka lang?" Tinabingi ko ang ulo ko para makita ang mukha niya.

Napalaki ang mata niya ng makita ako at bigla siyang napatayo at pinagpag ang damit niya.

"Hindi ako lampa ah, sinapak lang ako neto" panguna niya at itinuro pa ang bata niyang kasama na kaaway niya yata.

Tinignan ko muna siya at tumawa ng mahina, natahimik nalang ako ng biglang kumunot ang noo niya.

"Bakit?" Inosenteng tanong ko.

"Bakit ka tumatawa?" Galit na tanong niya.

"Kita kong sinapak ka kaya hindi ko sasabihing lampa ka" tumawa ako.

"Bahala ka nga diyan" Sabi niya at umalis na.

Sinundan ko siya ng tingin at tumawa na parang wala ng bukas.

"Baby nandito ka lang pala, ano tinatawa mo diyan?"

"Mommy wala po" sagot ko.

"Ikaw talaga, tagal mo kasi kaya sinundan na kita" pinisil nanaman ang pisngi ko.

Still With You (Oneirataxia Series #3)Where stories live. Discover now