Chapter 31

3.9K 160 13
                                    

31.



"A-Abby?"


Nakita ni Shin kung paano'ng kumunot ang noo ni Jordan nang makilala ang babaeng sakay ng motorsiklong handang pumatay sa kanila ngayon.


Hindi nawala ang pagngisi ni Abby kung kaya't sinamantala niya ang pagkakataon para itulak si Jordan. Pero hindi naging ganon kabilis ang pag-iwas nilang dalawa dahil dumaplis pa rin ang balang pinakawalan ng dalaga sa kanyang kabilang braso.


"Shin!" sigaw ni Jordan at akma na siyang dadaluhan nang pumaibabaw sa binata ang isang yakuzang agad na nagpaulan ng suntok sa kanyang mukha.


Napangiwi si Shin nang tingnan ang bagong sugat na nilikha ni Abby sa kanyang kabilang braso. Sinubukan niyang tumayo pero agad din siyang napahiga nang pumaibabaw si Abby sa kanya matapos nitong tumalon mula sa motorsiklong bumangga sa mataas na pader.


"Ano bang akala mo, makakatakas ka pa, ha?! Pagkatapos mong agawin sa akin si Jordan, hinding-hindi na ako papayag na mapa sa 'yo pa si Kei!" sigaw nito at buong lakas siyang sinuntok sa mukha.


Ramdam agad ni Shin kung paano'ng umagos ang dugo mula sa kanyang ilong dahil sa sobrang lakas nito ngunit hindi niya ito ininda kahit pa, parang umikot ang kanyang buong paningin. Wala nang mas importante sa ngayon kundi ang mailigtas nila ang isa't-isa at makatakas mula sa mga kalaban lalo na't paparating na rin sila Kei dahil nalaman na nito ang nangyari.


Hindi siya tinatantanan ni Abby nang pagsuntok sa kanyang mukha kung kaya't hinampas na niya ng baril niyang hawak ang dalaga at malakas na itinulak upang makawala mula dito.


Napaupo si Abby sa 'di kalayuan ngunit agad din naman itong nakatayo na sinabayan na niya dahil hindi maaaring magtagal pa siya sa ganoong pwesto.


"Sigurado ka bang kaya mo pa sa lagay mong yan?" nanunuyang tanong ni Abby sa kanya saka nito itinutok ang baril na hawak.


Wala sa loob niya ang nangitian ito habang palihim na tinitingnan ang samurai sa hindi kalayuan. Agad nagpaputok si Abby kung kaya't gumulong paibaba si Shin para abutin ang samurai at agad niyang pinuntirya ang kaliwang braso ni Abby na gumawa nang mahabang sugat.


"Aaahhh!" agad na napahawak ang dalaga sa duguang braso nito.


"Kulang pa, Abby. Kulang pa." at mabilis siyang sumugod ngunit nagpaputok ulit ito para tamaan siya ngunit agad din itong nasalag ng armas na hawak niya. Sinugod niya si Abby gamit ang samurai samantalang tanging baril lang nito ang ginagawa nitong pansalag.


Hindi na niya pagtatakhan kung  ganito rin kagaling ang dalaga sa pakikipaglaban lalo na't may koneksyon ang pamilya nito sa mga Jiro.


"Hindi mo ako mapapatay nang ganon-ganon na lang! Hindi ako papayag na hindi ka mamatay, Shin! Hindi!" at muli siyang pinaputukan ngunit nailagan niya pa rin ito.


Akmang tatakbo na siya upang makalayo at mapunta sa likod ni Abby nang bigla siyang matigilan dahil sa pagkakatapak ng kanyang gown.

THE ONE That I Will Save (BOOK 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon