Chapter 22

4.6K 162 9
                                    

22.

Alas-onse na ng gabi nakauwi si Kei galing sa ospital at papunta na siya ng kanyang kwarto nang tumunog ang kanyang cellphone.

"Hello?" at naipasok niya ang isang kamay sa kanyang bulsa.

"Young Master, mukhang may kalaban tayo."

Agad siyang napakunot ng noo nang marinig ang sinabi ng isa sa mga bodyguards ng dalaga.

"Ano'ng ibig mong sabihin? Sino naman?"

"Hindi naman nahuli, eh. Pero may lalaking pumunta dito kanina at tiningnan yung kwarto ni Ms. Shin. Hindi ko alam kung bakit, pero parang nagmamasid siya kay Ma'am."

Agad siyang napatiim-bagang sa balitang inihatid sa kanya.

Lalaki? Sino kaya ito? Wala siyang ibang maisip kung hindi ang Jordan na binanggit ni Abby sa kanya kanina. Magkakalintikan talaga kapag tumama ang hula niya.

"Bakit hindi niyo naman nahuli? Ano, parang kabayo ba kung tumakbo sa bilis at hindi niyo nagawang hulihin?!"

"Young Master---"

"Letche! Tumigil ka na! Papunta na ako dyan. I-check niyo si Shin sa loob at huwag niyong iwanan."

"Sige po, Young Master." saka niya pinutol ang tawag.

Iilan silang nagbabantay doon tapos hindi nila nahuli? Mga inutil! 

Muli siyang bumaba ng hagdan at agad na sumakay ng kotse para bumalik sa ospital. Hindi niya ito pwedeng palagpasin. Hindi pwedeng, hayaan na lang niyang unti-unting makagawa ng hakbang ang kalaban para sa kung ano mang plano ng mga ito kay Shin.

Naalimpungatan siya sa ingay ng pintuan na binuksan. Nakita niya ang dalawang bodyguards na pumasok at may kung ano'ng sinisipat sa kanyang kwarto.

"Lintek! Mga bobo naman kasi kayo! Paano naman yun nakawala sa paningin niyo? Mga tanga!" mahina lang ang pagsasalita ng isa sa kanila ngunit may diin at halatang galit na galit sa kanyang kausap.

Ano'ng problema? Sino'ng nakawala? 

Mabilis na ipinikit ni Shin ang kanyang mga mata para magkunwaring tulog at para mapakinggan ang pag-uusap ng mga bodyguards nang hindi siya nahahalata.

"Eh ang bilis tumakbo, boss. Tsaka, bigla talaga siyang nawala." katwiran ng kapwa niya bodyguard.

"Ang bilis tumakbo? Bakit, mga lumpo ba kayo para hindi niyo rin bilisan? Malilintikan tayo kay Young Master nito, eh." sabi pa nito.

Hindi na sumagot ang kausap nito at may narinig pa siyang mga yabag na pumasok sa pintuan ng kanyang kwarto.

THE ONE That I Will Save (BOOK 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon