Chapter 16

4.1K 146 14
                                    

16.

Naayos ni Shin ang sarili bago tawagin si Macy para kausapin.

"May iuutos po ba kayo, Ma'am?" tanong ng dalaga matapos niyang paupuin sa upuang nasa kanyang harapan.

"Yung kanina pang nangungulit na caller, tumawag din ba siya kahapon nung wala ako?"

Mabilis itong tumango. Hindi nga siya nagkamali. At hindi rin nagsisinungaling ang binata.

"Opo. Galit na galit nga po siya nung hindi kayo nakausap. Sabi po niya, p-pupunta daw po siya dito para ireklamo ako kapag hindi ka niya makausap the next time na tumawag siya."

Napabuntong-hininga siya, at idineretso ang likod sa pag-upo.

"Macy, makinig ka... Ang pangalan ng caller na yun ay Jordan Castillo. Kinausap ko na siya at sinabihang huwag ng tumawag ulit. Pero hindi ko alam kung makikinig talaga siya sa akin. Pwedeng tumigil na siya, o 'di naman kaya ay, magpatuloy siya sa pangungulit. At sa tuwing tatawag siya, ako ang hahanapin niya, Macy. May tiwala ako sa 'yo. Kaya gusto kong sabihin sa 'yo na, in case tumawag ulit siya, o mareceive mo ang tawag niya, idiretso mo agad sa akin, ha. Pero please, huwag mong ipapaalam sa kahit na sino dito sa office, o kaya kay Sir Kei mo, in case na may mangyaring hindi inaasahan, huwag na huwag mong sasabihin ang tungkol dito, o ang pangalan ng caller. Sa ngayon kasi, yun lang ang pwedeng gawin ko para sa safety niya. So please, sana sa atin lang 'to." pakiusap niya sa empleyado at napisil ang kamay nito na inabot niya.

Tumango naman si Macy pagkatapos ng mga sinabi niya. "Sige po, ma'am. Hindi ko man po naiintindihan, gagawin ko po para sa inyo, don't worry. Maaasahan po ninyong itatago ko ang tungkol dito." sabi niya.

Napangiti nang bahagya si Shin. "Maraming salamat, Macy. Pero sana talaga, hindi na siya tumawag. Hindi na niya ulit gawin yun."

Natitigan siya ni Macy. "Pero, totoo po bang magkakilala kayong dalawa kagaya nang sinabi niya?" tanong nito.

Ilang sandali siyang natigilan bago sagutin ang dalaga. "Oo. Magkakilala kami. At importante siya sa akin. Importanteng importante." sagot niya.

Nahalata niya sa paraan nang pagtitig ni Macy na hindi nito naintindihan ang sagot na binigay niya. Pero mabuti na lamang at hindi na ulit nagtanong ang mabait na empleyado. Pagkatapos ng kanilang pag-uusap ay agad na rin niya itong pinabalik sa trabaho dahil ayaw rin niyang makahalata ang iba sa naging usapan nila.

Ilang bote na rin ang nainom ni Jordan bago niya narinig ang sunod-sunod na katok. Nakasalampak siya sa sahig ng at hawak ang isang bote ng beer saka napataas ang mukha dahil sa ingay mula sa labas nito.

Napangiwi siya sa isiping, maaaring si Giselle ang nasa labas at mangungulit na naman saka muling tumungga ng alak.

Nawala na nang tuluyan ang kaunting pag-asa na nasilip niya simula noong muli silang nagkita ni Shin. Inaasahan niyang, magiging taliwas ang lahat ng itutugon ng dalaga sa mga sinabi niya, kabaliktaran nang gustong mangyari ng kanyang isip. Dahil kahit na ano yatang nangyari sa kanilang dalawa, kahit lumipas ang maraming taon, kahit gaano pa kasakit ang ginawa ni Shin, ito at ito pa rin ang gusto at mamahalin ng puso niya.

THE ONE That I Will Save (BOOK 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon