Chapter 21

4.6K 145 13
                                    

21.

Hindi pa rin humuhupa ang galit ni Kei na dala pa rin niya hanggang sa makarating sila sa The Medical City na pinakamalapit na ospital dito sa Ortigas. Hindi na rin kasi niya pinalayo ang dalaga dahil natatakot siyang baka maubusan ito ng dugo kung mapapalayo pa ito.

Jordan. Ito ang pangalang binanggit ni Abby kanina na hindi umano'y lalaking mahal ni Shin. Napakunot siya sa isiping iyon. Kahit kelan ay walang nababanggit na Jordan si Shin. Dahil siguro ay hindi naman siya nagtatanong dito tungkol sa nakaraan nito kaya wala siyang nalalaman. Pero wala naman talaga siyang pakialam sa nakaraan ni Shin, dahil ang importante sa kanya ay ang kasalukuyan at ang katotohanang, walang sino man ang makakaagaw sa dalaga mula sa kanya. Alam niyang walang makakapantay sa kung ano'ng pwede niyang magawa para lang ipagdamot ang babaeng gusto niya.

Nababalot man ng panibugho ang sarili niya sa pagkakarinig ng pangalang binanggit ni Abby ay pinilit na niyang iwaksi sa isipan ang posibilidad na balikan nito si Shin, at agawin sa kanya. Sigurado si Kei sa kanyang sarili na magkakamatayan muna bago may makaangkin ng tuluyan kay Shin.

Nasa 4th floor ang private room ni Shin at naabutan niya ang limang bodyguards na nagbabantay sa labas ng pintuan. Yumuko ang mga ito para batiin siya.

"Young Master..."

"Gising ba siya?"

"Hindi ko po sigurado. Pero kakapasok lang po ni Master Jiro." sagot ng medyo maliit na bodyguard ngunit matipuno ang katawan.

Tumango siya at pumasok na sa loob. Naabutan niya ang ama na nakatayo at nakahalukipkip ang mga kamay habang tinitingnan ang dalagang nakahiga sa kama. Kapwa siya nalingon ng mga ito nang marinig ang pagdating niya.

"Kei..." mahinang tawag ni Shin nang masilayan na siya.

Agad niya itong nilapitan at napisil ang isang kamay nito. "Kamusta? Okay na ba ang pakiramdam mo ngayon?" tanong niya dito.

Marahan itong tumango. "S-Si... Abby?"

Sandali siyang natigilan sa tanong nito. "Sinaksak ka niya, hindi ba? Tapos may gana ka pang tanungin siya?" 

Napalunok ang dalaga. Halatang nanghihina pa rin ito dahil sa sugat na natamo. "A-Alam ko namang... N-Nadala lang siya ng galit niya. Nasaktan ko siya, Kei."

"Wala akong pakialam. Isa pa, dapat lang yun sa kanya, Shin. Huwag mo na nga yung intindihin, kami na ang magtutuos nun pagdating ko sa bahay. Dahil hindi ko pwedeng palagpasin ang bagay na 'to nang hindi siya natuturuan ng leksyon."

"K-Kei..."

"Hindi mo kailangang gawin yun, Kei. Isa pa, malabong maabutan mo pa siya sa bahay dahil kanina ko pa siya pinalaya." sabat ng kanyang ama na agad niyang nilingon at kinunutan ng noo.

"What?! At bakit niyo naman po ginawa yun?" takang tanong niya na may halong pagkainis dahil sa pakikialam ng kanyang ama.

THE ONE That I Will Save (BOOK 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon