Chapter 6

4.6K 144 10
                                    

6.

"So, mga college friends pala kayo ni Jordan?... Ang tagal ko nang hinihiling sa kanya na makilala ang friends niya pero, ang sabi niya, wala daw siyang kaibigan. Si Carlo lang ang nameet ko, who's from his work." maganang kwento ni Giselle habang sumipsip ng frappucino na inorder nito.

Kanina pa gustong umuwi ni Jordan pero, hindi niya inaasahang makukuha pang umorder ni Giselle at manatali pa ng ilang sandali doon para makipagkwentuhan sa magboyfriend. Tuloy-tuloy rin ang bibig ng dalaga at mukhang ayaw nitong paawat.

Pinagmamasdan niya ang reaksyon ni Paul at Jenny habang tinitingnan si Giselle. At mukhang wala namang problema kay Jenny dahil nakuha pa nitong purihin ang dalaga sa pagiging maganda nito. Si Paul naman ay hanggang sulyap lang ang kayang ibigay at hindi na sumali sa usapan ng dalawang babae. Hindi niya tuloy mawari kung nagustuhan ba ito ng kaibigan o hindi. Sa bagay, bakit ba niya kailangang isipin yon? Hindi ba, wala naman siyang balak na maging girlfriend si Giselle? Ngayon pa na muli na namang gumugulo sa utak niya ang maamong mukha ng kaisa-isang babaeng minahal niya ng totoo.

At dahil 'to kay Paul. Dahil inungkat pa nito ang tungkol sa pinsan nito na para sa kanya ay matagal ng patay. 

"Hindi na kami magtataka kung sasabihin niyang wala siyang kaibigan. Eh sapilitan pa nga kung makipagkita yan samin, eh." paismid na hirit ni Paul at humalukipkip ang mga kamay na para bang inis rin sa kanya.

Pero hindi iyon pinansin ni Jordan at sa halip ay patay malisya lang siya sa sinabi nito.

"Ganon ba talaga siya ka-misteryoso? To think na 1 year na kaming magkakilala, wala pa rin akong masyadong alam sa kanya. Even yung family niya, ayaw niyang ipakilala sakin." patuloy na pag-usisa ni Giselle.

"Kung makapagtanong ka sa kanila, parang wala ako sa tabi mo, ah. Ilang beses ko na ba kasing sinabing tumigil ka na? Wala ka naman kasing mapapala sakin, eh." walang habas niyang pagrereak na siyang ikinatahimik ni Giselle.

Muling nagtinginan ang magnobyo at napahigop na lang ng kape si Paul. Apologetic naman ang pagngiti ni Jenny kay Giselle para sa inasal niya.

Inismiran niya ang dalaga at tumingin sa labas. 

"Ah... Ano, hindi naman. Ganyan lang talaga yang si Jordan. Hindi kasi siya madaling magtiwala sa ibang tao. Pero malay mo, 'di ba? Who knows, mago-open up din siya sa 'yo tungkol sa mga bagay-bagay. Tsaka masanay ka na dyan, madaling uminit ulo nyan tsaka laging masungit. Ewan ko ba kung bakit nagustuhan yan ni Sh---" at doon natigilan si Jenny.

Agad niyang nalingon ang dalaga na napakagat-labi at tuluyan ng tumahimik.

"Nagustuhan nino?" tanong ni Giselle at tumingin sa kanya.

"Mauna na ako. Kailangan ko ng umuwi dahil pagod ako sa trabaho." sabay tayo pero hinigit siya sa kamay ni Giselle.

Hindi na siya makatagal sa lugar na yon. Dahil kung mananatili pa rin siya, hindi matatapos ang usapang yun ng hindi nababanggit ang pangalan ni Shin. At hindi na niya kailangan pang marinig ang pangalang yun.  Hindi na niya hinihiling na marinig pang muli ang kahit na ano tungkol sa kanya.

THE ONE That I Will Save (BOOK 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon