Chapter 29

4.6K 158 34
                                    

29.

Naging maingat sila Paul at Jordan sa natitirang oras ng kanilang byahe bago makarating sa probinsya ng Masbate. Hangga't maaari ay ayaw mag-angat ng mukha ni Jordan sa kadahilanang, ayaw niyang mamukhaan siya ng sinuman lalo pa't isa na siyang suspek sa nangyari kay Giselle.

Ngunit hindi pa rin maalis sa isip niya ang naging panaginip noong nasa bus pa lang sila. Ang masamang panaginip tungkol kay Giselle, at sa pagwawalang bahala niya dito.

Hindi niya maiwasang tanungin ang sarili kung may ibig sabihin ba ito, at kung ano ang gustong iparating nito sa kanya. O sadya bang napanaginipan lang niya ang dalaga upang muling mabuhay sa kanyang konsensya ang malagim na sinapit nito.

Kunot-noo siya habang nakatanaw sa malawak na dagat nang lapitan siya ni Paul. "Mukhang malalim ang iniisip mo, ah." puna nito.

Agad niyang nalingon ang kaibigan. "Ikaw pala... Naalala ko lang kasi yung panaginip ko."

Tumanaw si Paul sa kawalan. "Huwag mo nang ulit-ulitin sa utak mo yan, Jordan. Dahil wala namang patutunguhan yan. Wala ka nang magagawa dahil patay na siya. Tatlong araw na lang bago ang kasal ni Shin. May tatlong araw na lang tayo bago maghanda. Tatlong araw para makapagsanay ka, kahit papaano." payo nito.

Wala naman talaga siyang idea kung ano ang pagsasanay na tinutukoy ni Paul, ngunit patuloy niyang inihahanda ang sarili sa gagawin nila dahil alam niyang kailangan niya ito upang iligtas si Shin.

Muli niya itong naalala at muling naisip ang posibleng sitwasyon nito ngayon.

"Hindi ba nag-update si Alvin? Wala man lang bang text o tawag?"

"Kanina tumawag. Naghahanda na rin daw sila. Mukhang marami ang kakampi ni Alvin, at maganda yun... Atleast, hindi tayo gaano'ng dehado... Kung itatanong mo  naman ang tungkol kay Shin, huwag ka nang mag-alala masyado dahil binabantayan naman daw siyang mabuti ng spy nila sa loob."

Kahit papaano ay nakahinga siya ng maluwag nang malamang, maayos ang lagay ng dalaga. Kahit papaano ay nabawasan ang pag-aalala niya para dito. Kahit papaano ay  ligtas pa rin ito hanggang ngayon.

"Eh sila Mama? Kamusta na sila Mama? Nakarating na daw ba sila doon?" pag-usisa niya.

Tumango si Paul. "Oo. Kinontak ako ni Mama kanina. Kakarating lang daw nila. Gusto daw umalis ng mga  magulang ni Jenny, pero kinakausap daw nila ang mga ito para pigilan." sabi pa nito.

Hindi niya masisisi ang mga ito kung gusto man nilang umalis. Wala naman talaga silang kinalaman sa nangyayari pero, napasabit ang mga ito sa labang, damay ang lahat.

Hindi niya pa nakakausap ang mga magulang at hindi rin alam ni Jordan ang reaksyon ng mga ito tungkol sa sinabi ni Lenny sa kanila. Iniisip niya rin ang kapakanan ng kanyang Mama at Papa, lalo na ng nag-iisa niyang kapatid na si Gio.

Matapos ang limang oras na byahe sa karagatan ay nakadaong na rin ang barko. Wala na silang sinayang na oras at agad silang bumaba para simulang tahakin ang daan patungong safe house.

THE ONE That I Will Save (BOOK 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon