Chapter 12

4.3K 155 11
                                    

12.

Kung lilingunin ni Shin ang pagtawag ni Jordan, alam niyang mabibigyan ng kumpirmasyon ang sinabi nito. Ang pangalang itinawag nito sa kanya. Mahigpit siyang napahawak sa handle ng box ng mga kape at nanghihina man, ay muli siyang humakbang palayo sa binata.

Mas mabuti na 'to. Hangga't maaari ay hindi niya dapat malaman. Dapat ay wala siyang alam. 

Dahil alam niyang sa sandaling magkaroon ulit sila ng koneksyon ng binata sa isa't-isa ay manganganib na ang buhay nito, at natatakot siyang sa puntong ito ay wala na siyang magawa para kay Jordan.

Isa pa, binigyan na niya ito ng dahilan para kamuhian siya at kalimutan. Masakit man para sa kanya ay gagawin niya ang lahat para lang huwag malagay sa peligro ang kaisa-isang lalaking nagparamdam sa kanya kung ano ang pagmamahal. Ang lalaking hanggang ngayon ay tinitibok pa rin ng puso niya, at kailan man ay hindi nakaligtaan ng kanyang isipan.

Minsan pang hiniling ni Shin na sana ay ganon lang kadali ang lahat. Na sana ay normal lang ang kanyang buhay katulad ng iba, katulad ni Jordan. Na sana ay mga ordinaryong tao na lamang ang pamilya Takano.

Hindi niya rin maiwasang maisip sila Paul, at ang kanyang Auntie Lenny. Miss na miss na niya ang mga ito ngunit malakas ang pakiramdam niya na nasa maayos naman silang kalagayan. At sapat na iyon para  mapalagay ang loob niya tungkol sa kaligtasan ng mga ito.

"Sandali! Sandali lang!" medyo malakas ang boses ni Jordan at agad siya nitong nahigit sa kanyang braso.

Mariing napapikit ang dalaga dahil sa kuryenteng dumaloy sa buong katawan niya. Tulad ng dati, mainit pa rin sa pakiramdam ang simpleng pagdampi ng balat ni Jordan sa kanya. At tulad ng dati, masarap pa rin ito sa kanyang pakiramdam.

Ayaw na niyang humarap sa binata. Ayaw na niyang makaramdam ng kung ano'ng panghihinayang, dahil hindi naman iyon nararapat. Karapatan nitong mabuhay, at ito ang ibibigay niya.

Hindi niya ito sinagot at muling sinubukang humakbang palayo, para makatakas na sana ngunit mas lalong humigpit ang hawak nito sa kanyang braso.

"Bakit ayaw mo akong harapin? Bakit ayaw mo akong tingnan? Dahil totoo ba ang hinala ko, na ikaw si... Si S-Shin?" hindi niya malaman kung bakit nagbago bigla ang tono ng pananalita nito. Kung kanina ay binigyang diin ni Jordan ang pagbigkas ng pangalan niya, ngayon ay tila nawalan ito ng lakas at tila takot na bigkasin ang pangalan niya. Natatakot ba ito sa katotohanang tama nga ang hinala nito? Na siya nga at wala ng iba pa?

Lumanghap siya ng hangin at sinipat ang mga bodyguards na tahimik na naghihintay sa kanya sa labas. Mabuti naman at nakaharap ang mga ito sa kalsada dahil kung nakikita man siya ng mga ito sa ganong sitwasyon ay hindi sila magdadalawang isip na saktan si Jordan.

Binawi niya ang kanyang braso mula sa pagkakahawak ni Jordan. At pumihit paharap sa binata. Gusto niya ulit lumanghap ng hangin para makahinga dahil kinakapos na naman siya, sa sandaling magtama ang kanilang mga mata.

Kayanin mo, Shin. Kayanin mo para sa kanya.

THE ONE That I Will Save (BOOK 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon