Chapter 22

332 13 20
                                    


Aryka's POV:

Nagising ako na parang binugbog ang buong katawan ko sa sobrang sakit.

Its sores all over my body. From head to toe, there is a gauze and my left arm is broken.

Grabe namang pagsubok ito, bakit hindi na lang kainin ng lupa.

Para akong mummy amputa.

Muling bumalik sa isip ko ang mga nangyari kahapon, nagulat at nag panic ako doon sa nangyari sa mall kaya nagmadali akong umuwi.

Akala ko pagdating sa condo ay magiging ayos na ang lagay ko pero hindi pala. Pakiramdam ko kasi may mga bumubulong sa akin at nakikita ko ang mukha ng mga magulang ko.

Para bang nagbalik ako dati nung makita kong sinaktan at pinagsalitaan 'yung bata. Bigla ko kasing nakita 'yung sarili ko sa kaniya na halos lumuhod na para lang bigyan ng atensyon at bigyan man lang ng kahit kanin kasi hindi pa ako nakakakain buong araw.

Bigla akong natakot, takot na takot. I don't know what to do at that moment.

Ang pinapangamba ko nito ay alam na ng mga kaibigan ko pati na rin si Kaiden, at mas lalo ng alam ni Mr. Diaz ang lahat, hindi ko alam kung paano ko sila kakaharapin niyan.

Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon nila at natatakot ako.

Ayaw kong pag-usapan nila ito pero mulat na akong kahit anong iwas at tago ko, dadating din ang araw na lalabas at lalabas ang totoo.

Nakakapagod ng magtago sa totoo lang.

Sinubukan kong tumayo dahil sa nakakaramdam akong naiihi na ako pero hindi ko talaga kaya, pati kasi ang talampakan ko ay may sugat na siguro nakuha ko ng magkalat ang mga basag na vase sa condo nung nagwala ako.

Nanatili na lang akong nakahiga, hindi rin naman ako makatayo, eh.

Iniisip ko lang asan kaya si Kaiden, ang huli niyang sinabi kagabi ay dito lang siya sa tabi ko dahil babantayan niya raw ako.

Pero nagising akong mag-isa dito, hindi ko rin alam kung anong oras na, pati sa labas ay hindi ko makita dahil sa natatakpan ito ng makakapal na kurtina.

Nakatulala lang ako sa kawalan ng marinig kong nagbukas ang pinto, nilingon ko ito at napagsino ang pumasok.

Bahagyang nabigla ang lalaki habang naka tingin sa akin."Gising kana pala, lumabas lang ako sandali para bumili ng umagahan."

Hindi ako nagsalita hanggang sa tuluyan na siyang pumasok, pinagmamasdan ko lang siya sa ginagawa niya.

He was wearing a black buttoned-down long-sleeve polo that neatly folded the sleeves until his elbow. Sabi naman kasing ito ang usual niyang suot.

Lumapit siya sa gawi ko habang dala ang pagkain na binili at inayos niya.

Sausage na may kasamang itlog at kanin, meron din sandwich at gatas naman 'yung inumin.

"Anong oras na?" Paos ang boses na tanong ko. It is maybe because of my screams yesterday.

Tinignan niya ang relong pambisig. "Eight in the morning."

Maaga pa pala akala ko tanghali na.

Kahit nahihirapan ay pinilit kong bumangon, inalalayan naman ako ni Kaiden.

Akmang hahawakan ko iyong kutsara ng maramdamang makirot ang kamay ko, napangiwi na lang ako ng mapagtantong may mga sugat din ito.

"I will help you." Tumingala ako kay Kaiden ng marinig siya. "Alam kong tututol ka pero may choice ka ba?" Napaisip naman ako may point nga siya.

Roses And Melody (Under Revision)Where stories live. Discover now