Chapter 7

410 14 4
                                    

Aryka's POV:

Narito akong muli sa balcony ng condo at tulad ng ginagawa ko ay nakatunghay ako sa kapaligiran habang nagmumuni-muni.

Nakauwi na kaya si Kaiden? Marahil ay hindi pa dahil kasama niya iyong kaibigan niya.

Pero somehow pogi talaga iyong friend niya. Blue ang buhok 'tapos may piercing sa tainga, bihira ka lang makakakita ng gano'n kapogi. Kadalasan kasi ay mukhang adik ang may ganoong style.

Pero hindi ko naman sinasabing lahat.

I'm sure kapag na meet ni Alea ang friend ni Kaiden ay magwawala siya, mahilig kasi sa may hitsura ang babaeng 'yon.

Kaya ang dami-daming crush wala namang boyfriend.

Somehow they look good on each other, bagay sila.

Ang kaso lang chixboy ang lalaking iyon, naamoy ko na kaya kanina.

But they say that you shouldn't judge the book by its cover. Ika nga.

Pero sa tingin ko naman mas bagay pa rin ang AshLea ko, my main ship.

Naipiling ko ang aking ulo, bakit ba iniisip ko pa ang mga bagay na iyon e sa sarili ko ngang love life waley, patay tayo diyan.

Lumalalim na ang gabi kaya napagpasyahan ko ng pumasok at magpahinga.

Ilang minuto pa lamang ng nakuha ko ang aking tulog ay narinig kong mag ring ang aking cellphone.

Hindi ko na sana sasagutin ang kaso si Kaiden ang tumatawag kaya baka importante.

"Hello?"

"Are you sleeping already?"

"Siyempre anong oras na kaya, ikaw demonyo ka talaga!"

"Hmm."

Dinig ko lang na sabi niya.

"Ano ba kasing kailangan mo? Natutulog na ako, eh."

"I just want to hear your voice."

"Hoy kultong sinademonyo kung ano-ano nanamang nonsense ang pinagsasasabi mo riyan! Can't you respect other people's time?"

"Can you read me a story?"

Sabi niya na hindi binigyang pansin ang mga sinabi ko.

"Ano bang pinagsasasabi mo kasi riyan?" Nakauwi ka na ba? Dagdag kong tanong sa isipan.

"20 thousand pesos, just tell me some stories."

"Noong unang panahon..."

Mabilis pa sa kidlat na tugon ko.

"Ba't ganiyan? Hindi naman na ako bata."

"Ano ba kasing gusto mong kwento aber?"

"Anything, I just want to hear your voice nga."

Naneto ayaw ng ikwekwento ko pero kahit ano raw.

"Kaninang umaga nag stay lang ako dito sa condo dahil tinatamad pa akong pumasok, nagdahilan na lang ako na nilalagnat."

"You are a great liar, woman."

"Oo na, 'wag ka ng maingay diyan, tapos nung tanghali na siyempre kumain ako pagkatapos ay lumabas ako para makalanghap ng sariwang hangin, tumawag din sa akin si Alea kasi madalas mag chika iyon ng mga walang kwentang bagay. Siyempre pinakikinggan ko na lang tutal hindi naman ako busy at bored lang."

Roses And Melody (Under Revision)Where stories live. Discover now