Chapter 11

339 13 5
                                    

"Oh, bakit parang pinagbagsakan ng langit at lupa 'yang mukha mo?"

Hindi ko napansin ang pagsulpot ni Alea sa harapan ko.

Nakatulala ako sa bintana habang nagiisip-isip

"Nothing."

"Sus kabisado ko na 'yang mukhang iyan pag may problema ka. So ano nga?"

"Wala nga."

"Kayhirap mo naman intindihin oo. Diyan kana nga."

"How about you?"

Lumingon ito sa akin pagkuwan. "Napaano naman ako?"

"Sinusungitan mo pa rin daw si Theo, hindi ba nagkaayos na kayo?"

Naalala kong itanong, nabanggit kasi ni Theo ito nung nakaraang dalawang linggo.

"Pano mo nalaman? Nagsumbong ba sa 'yo 'yon?"

"I guess."

"Ang lintek na iyon! Nagsumbong pa nga!!" Sigaw niya, nagtinginan tuloy ang mga kaklase namin.

"Totoo nga? Gosh, Alea you're being immature."

"Kahit naman kasi napatawad ko na siya ay hindi na iyon mawawala pa sa isip ko. At isa pa-"

Hinintay kong ituloy niya ang sasabihin pero nanahimik siya.

"Kahit na dapat iwasan mo na lang siya kapag coincidence na magkita pa kayo ulit. Lalaki lang niyan ang gulo sa pagitan niyo. Atyaka wala naman yata siyang ginagawa sa 'yo, right?" Ang liit ng problema ng dalawang ito pero pinapalaki nila.

Ipiniling ni Alea ang kanyang ulo. "W-wala."

"See? Wala naman pala siyang ginagawa. And if ever na siya ang nauuna tell me."

"Bakit ba parang kampi ka sa kaniya?" May pagtatampo sa boses niya at may lungkot na dumaan sa kaniyang mukha.

"Wala akong kinakampihan sa inyong dalawa dahil pareho kayong mali, what I'm pointing out is know him more."

"Theo is not that bad." Dagdag ko pa.

Napatunayan niya naman kasi iyon tuwing nagkikita kami ay mabuting tao siya kaya lang talagang babaero. Iyon ang sakit ng tukmol na iyon.

"Try to lower your pride, malapit naman na rin siyang bumalik ng Germany."

"Babalik na siya?" Animo'y bigla itong naging maamo.

"Yes, dapat nga isang linggo lang siya rito pero malay ko anong nagpabago sa isip niya."

"Bahala na tetext ko na lang siya."

"Okay." Teka, may number siya ng lalaki?

Nangalumbaba ako ulit pagkaalis niya, bakit nga ba nakasimangot ako?

Balik tanong ko naman sa aking sarili.

Lagi namang ganito ako kaso bakit ngayon feeling ko naiinis ako na ewan.

Parang gago naman itong nararamdaman ko.

Lumabas ako para makalanghap ng hangin, break time naman ngayon.

Gawa-gawa ko lang 'yung break time. Wala lang talaga ang professor.

Sa likod ng building ako dinala ng aking mga paa.

Halos iilan lang ang istudyanteng dumadaan dito na mabuting bagay naman.

Umupo ako sa bench at matamlay na nagmuni-muni.

I miss him. Pero bakit ko naman siya namimiss?

Nagsimula akong makaramdam ng ganito mula ng binasa ko 'yung sulat na 'yon. O hindi kaya dati pa talaga?

Roses And Melody (Under Revision)Where stories live. Discover now