Chapter 20

329 15 15
                                    

Nagising ako sa hindi malamang dahilan.

Bumangon ako sa kama at sinipat ang orasang nakapatong sa bedside table, alas kwatro pa lang ng madaling araw.

Mahimbing ang pagkakatulog ni Kaiden kaya maingat akong bumaba sa kama at dumiretso sa banyo.

Pagkapasok ay umupo ako sa sahig sa may gilid at dumukdok doon.

Sinasabi ko na nga ba at mula pa kagabi ay hindi na maganda ang pakiramdam ko.

Bumabalik nanaman 'yung sakit at bigat.

Tumingala ako sa itaas para pigilan ang nagbabadyang luha sa aking mga mata.

Humawak ako sa puso ko kasi ang kirot-kirot nito.

Nanaginip ako kanina tungkol sa nakaraan ko at hindi ko alam kung anong gagawin ko ngayon. Sobrang bigat sa pakiramdam at ang bilis ng tibok ng puso ko.

Nakagat ko ang pang-ibabang labi ng maramdaman ang mainit na likidong tumulo sa mukha ko. I'm crying.

Bakit ganito? Natatakot ako kasi ang bigat.

Bakit nanaman ako umiiyak?

Damn! Bakit ngayong nandito pa ako sa condo ni Kaiden? I feel betrayed.

Bakit nanaman ako nasasaktan sa hindi maipaliwanag na dahilan?

Gusto ko lang naman matulog bakit kailangan magkaganito ang naradamdaman ko?

Impit lang ang pag-iyak ko dahil ayaw kong marinig ako ni Kaiden, ayokong makita niyang ganito ako, kasi natatakot ako.

Alam ko pagkatapos kong umiyak ay magiging ayos din ako kaya bahala na.

"Ari?" Napapitlag ako sa pagkakaupo ng makarinig ako ng boses mula sa labas.

Agad na tinuyo ko ang luha na nagbadya kanina at inayos ang sarili.

"Nandiyan ka ba?"

Nang makontento ay binuksan ko ang pinto habang nakatingin sa baba, hindi ko kayang salubungin ang mga mata niya.

"S-sorry, umihi lang ako, matutulog na ako ulit." Nakakadalawang hakbang pa lang ako ng may pumigil sa akin na kamay.

Mahigpit na yakap ang ginawad niya sa 'kin habang hinahagod ang likod ko gamit ang kamay niya.

"You can cry, Ari." An'ya sa mahinang boses.

"H-hindi a-ako umiyak, ayos lang ako." Ipiniling ko pa ang aking ulo.

"I know that you are not okay. Makikinig ako, yayakapin kita kaya kung gusto mong umiyak hindi kita pagbabawalan, hindi kita huhusgahan."

Sa sinabi niya ay walang ano-ano at tumulo nanaman ang luha sa aking mga mata.

Humigpit ang pagkakayakap niya kaya dumukdok ako sa matigas niyang dibdib.

"Ang bigat, bigat. Sobrang bigat na parang hindi ko na kinakaya." Sumbong ko sa pagitan ng pag-iyak.

Nabigla ako ng maramdaman kong lumutang ako sa ere at gumalaw.

Roses And Melody (Under Revision)Where stories live. Discover now