Chapter 9

354 15 1
                                    

"Magkakilala kayong dalawa?" Puno ng pagtatakang tanong ko.

Nagsalitan pa ako ng tingin sa kanila.

"Hindi ko naman talaga literal na kilala 'yan, pero may atraso sa akin ang hayop na lalaking iyan!" Halos maging toro na ang babae sa sobrang galit nito at naglalabas na ang ugat nito sa ulo.

"Hinding-hindi ko makakalimutan ang mukha ng tanginang 'yan!"

"Anong kasalanan ko sa 'yo? Ikaw kaya ang bumangga sa akin no'n!" Gigil din na palatak ni, Theo.

"Ano?!" Akmang susugod si Alea kaya agad akong tumalima para awatin ang dalawa.

"Pwede ba tumigil muna kayong dalawa?"

Naguguluhan na talaga ako, pati pa ay ang ingay nila. Nakakabulabog na rin sila sa mga ibang customer na nandito.

"Ikaw na babae ka, umupo ka rito." Itinuro ko ang upuang na sa tabi ko.

"Ayoko!" Pagmamatigas niya.

"Sit while I'm still being nice."

"Aryka naman, eh!" Binigyan ko ito ng isang matalim na titig.

"Isa."

"Hindi pa kasi umupo, pabebe pa." Bubulong-bulong ni Theo.

"Tumigil ka riyan, Theodore!"

Tumahimik naman ang lalaki, maya lang ay umupo na rin si Alea.

"So, can the both of you clearly explain what's happening here?"

Bakit ba galit sila sa isa't-isa?

Walang nagsalita kaya nagtanong ako ulit.

"Ano nga sabing problema niyong dalawa?"

"One month ago nakabangga ko 'yang lintik na iyan sa airport nung susunduin namin si Daddy. Tapos sinabihan ba naman akong kesyo nagpapansin ako sa kanya at ninanakawan ko raw, ang malala pa ipinahiya niya ako sa maraming tao!"

"Hindi ba totoo?" Talima naman ni Theo.

"Siyempre hindi! Bakit naman ako magpapapansin sa 'yo eh mukha kang engkanto, atyaka hindi ako tinuruan magnakaw ng magulang ko at dagdag pa diyan, mayaman at may pera kami para magnakaw ako!" Halos namumula na sa galit si Alea.

"Sinong mukhang engkanto?!"

"Ano ba, hindi ba kayo talagang dalawa titigil? Nakakabulahaw na kayo sa iba!"

"Sorry na, nauna siya." Mahinang tugon ni Alea.

"Why did you say and do that without asking, Theo?"

Kahit sino naman kasing sabihan no'n ay mag va violent reaction din.

"Ayon kasi ang pagkakaintindi ko, hindi naman siya nag explain instead nagwala at nang-away siya." 'Yun lang ang problema ni Alea, susugod kung kailan gusto.

"Explain? You didn't even give me a chance to explain." Malamig ang boses na sagot naman niya.

Theo just tsk.

"Isang buwan na hindi pa kayo magkakaayos ngayon na alam niyo na ang misunderstanding?"

Pinakiramdaman ko ang dalawa pero walang nagsasalita ni isa sa kanila.

"Why won't the two of you lower your pride?" Boom bagsak! Para tuloy kinakausap ko ang sarili ko.

Totoo naman kasi, pareho silang may mali at parang ang childish.

"Fine, as a man," Humarap si Theo kay Alea na nakasimangot pa rin.

"Sorry okay? I didn't mean to say and do that to you, I know it's rude of me, and sorry for not letting you explain your side, so please forgive me." Hinintay namin ang isasagot ni Alea.

Roses And Melody (Under Revision)Where stories live. Discover now