Chapter 1

787 24 7
                                    


  Aryka's POV:

Nagising ako sa liwanag ng araw na lumalagos mula sa labas ng bintana, nang tignan ko ang orasan na nasa bedside table ay alas nuwebe na ng umaga.

Late na pala akong nagising, well it's fine because today is Saturday at walang pasok, pero sa trabaho meron napa iling-iling na lang ako sa isiping iyon.

Napatulala ako sa kisame ng kwarto ng unti-unti ay naalala ko ang pangyayari kagabi, wala sa sariling naitaas ko ang aking kamay na ginamit ko sa pagbaril sa lalaki.

"You just killed again, it's been ages" mahinang kausap ko sa aking sarili.

Ipiniling kong muli ang aking ulo dahil naaalala ko nanaman ang nakaraan kong gusto ko ng ibaon sa limot pero patuloy pa rin itong nasa aking isipan.

Pero 'yung kagabi paano ko naman kaya agad makakalimutan eh 'yung nakaraan ko nga heto at dala-dala ko pa rin.

Sa bilis ng pangyayari ay nakapatay ako ng wala sa oras.

Sana mamaya o kaya bukas ay agad ng mabaon sa limot ko iyon.

Pero ang palaisipan sa akin sino ang lalaking iyon? Bakit niya gustong patayin ang lalaki?

Tumayo na ako at agad na nagtungo sa banyo para maligo, mamayang alas onse ang pasok ko sa cafe ngayon. Dahil weekend at walang pasok ay dapat maaga, sunday lang ang day off ko.

After thirty minutes ay lumabas na ako ng banyo, simpleng plain brown polo shirt na tinirnuhan ng wide-leg trouser, at sa talampakan naman ay white rubber shoes lang, sa trabaho na ako magpapalit ng uniform.

Humarap ako sa salamin para mag-ayos ng sarili. I look pretty. Wala sa sariling papuri ko.

At nang makontento na ako at ayos na ay lumabas na ako ng kwarto.

Ngunit pagkabukas ko palang ng pinto ay agad na kumunot ang noo ko at bahagyang nanlaki ang mga mata sa kung sino ang nasa sala ng condo ko.

Isang bulto ng lalaki ang presenteng nakaupo sa sofa at malalim ang titig sa gawi ko.

Pinasadahan ko ito ng tingin, he is wearing a tailored suit, a black coat and black pants at sa pang talampakan naman ay isang black Balmorals.

Just like the other night, when I first met him, his eyes were coldly looking at me without any expression on his face. To be honest, he is indeed handsome.

I can't explain how perfect his face is just simply attractive, gorgeous, fine, and stunning-

Tumikhim ito kaya parang tangang bumalik ako sa huwistyo.

"Who are you to just barge in on other people's houses?"

Nakatikwas ang kilay na tanong ko sa lalaking hindi ko naman kilala at ito kaharap ko sa loob ng condo ko.

"You do remember me, right?" Imbis na sagutin nito ang aking tanong ay nagtanong din siya. He has a low baritone voice.

"Ay syempre, malamang."

"I'm glad that you remember me. I thought you would not remember me after what happened."

Ano bang sinasabi ng punggok na ito syempre maaalala ko siya ang pogi nya eh- no! no! no! Erase! Erase! Erase!

Dahil pala may gusto siyang patayin at sa akin niya ipinagawa iyon dahil bida-bida ako at sumulpot sa harap nila.

Well, he gave me an option. Pero syempre natural piliin ko yung una? Edi hindi na ako humihinga ngayon.

Mukha pamandin siyang hindi mapagbiro.

"And who do you think is the stupid person who will just forget that? Of course, anyone who sees those scenes and does that will be traumatized."

Roses And Melody (Under Revision)Where stories live. Discover now