Chapter 27

25.3K 878 1.5K
                                    

Kara's POV

"Hooh! Putangina mo!" Malakas na pagmumura ni Heather habang hawak-hawak ni Eli at pinipigilan ni Qionne.

I stiffle my laughs while eating my gummy worms at the corner. Prenteng pinapanood ko lamang sila na parang mga batang nag-aaway dahil mukhang inagawan ng mga laruan nila.

"Go, Heather Jane! Kaldagan mo 'yan---"

"Dooey!" Pagsaway ni Scoby sa kapatid n'ya.

I shook my head.

Kakatapos lang kasi ng pageant na sinalihan ni Scoby and I might say that it is a full blast.

Okay naman ang naging pageant na 'yon kahit na mukhang pinagsakluban ng langit at lupa iyong dalawang babaeng tanga buong duration ng laban.

Nevertheless, we all enjoyed it.

Ayon nga lang at puro naka-mask na kami pagbalik namin sa mga upuan dahil sa mga kasama namin. Kay Gazel na idea 'yon dahil binitbit na rin n'ya si Vito palabas ng dressing room kahit na natutulog iyong tao. Wala namang nagawa si Victorio kung hindi sumama kaya nagmask kaming lahat.

Gaya-gaya kasi kami.

Malay ko bang masyadong sikat ang mga babaeng kasama namin ngayon na bawat lakad nila ay may napapatingin. Magaganda naman kasi talaga sila pero ewan ko, kay Val talaga ako sobrang nagagandahan.

Maybe it's because of her eyes and appeal? Or maybe it's just because I love her.

Nevertheless, maganda naman talaga ang babaeng 'yon na ngayon ay pucha---bakit may baril na naman s'ya?!

"Valentine!" Pakikiepal ko matapos tumayo at pumagitna sakanila.

Bahagyang ibinaba ko ang kamay niyang may hawak na baril saka siya sinamaan ng tingin. She just arch her eyebrows and look at me with those stern eyes but the moment I arch my brow, she look away and simply nudge Heather.

"Tumigil kana, Heather." Pikong saad ni Eli pero nagmatigas lang ang isa at pinaulanan ng mura iyong punching machine dito sa arcade room ni Jianne.

Lasing na lasing si Heather.

Pati iyong walang kamalay-malay na machine ay trip n'yang suntukin dahil inaasar s'ya nina Vito na aagawin daw no'n si Eli.

Si Heather lang talaga ang nilasing nila dahil hindi naman umiinom si Doo at Vito. Kinukwento lang nila iyong isa tapos saka papainumin.

Nasa bahay kami ni Jia ngayon kasi dito kami dinala ni Gazel. Akala ko pa ay sa bahay n'ya kami iimbitahin pero sa pinsan n'ya pala na hindi man lang nagreklamo. Mukha ngang masaya pa s'ya na nagkatao 'tong bahay n'ya.

And oh, si Dooey at Heather nga pala ang nagluto kasi may gustong kainin si Eli na si Heather lang ang marunong gumawa.

Parang buntis si Haeliy sa mga gusto n'ya.

Pero ganoon din naman kasi si Val sa pagkain kaya naisip ko na baka ugali na 'yon ng magkapatid na 'to. Kung anong trip nilang kainin ay iyon talaga ang ir'request nila.

"Oh, ano? Bakit may baril kana namang hawak?" I crossed my arms across my chest and looked at Valentine full of seriousness.

She bit her lower lip.

"This is not my gun." She shrugged at basta na lamang itinapon iyong baril sa kung saan.

"Saan mo nga nakuha 'yon?"

"That's Jia's, Kayleigh. I don't have any gun with me." She stated and even lift her right hand as if she's swearing.

I rolled my eyes. "Edi wala."

Lights OffWhere stories live. Discover now