Chapter 22

16.6K 816 996
                                    

Kara's POV

"Zernandes!!!"

I rolled my eyes in awe at tamad na tumayo mula sa kama ko. Kanina pa kasi kinakalampag ni Doo ang pintuan ng kwartong tinutuluyan ko. Parang tanga ang gaga hindi ba nila alam na nag-eemote ako?!

I went to find my bag first to get my eyeglasses. Magkukunwari nalang akong nagbabasa kaysa malaman nila na iniiyakan ko ang Hillaris na 'yon.

I seriously opened the door and arch my brow. Malawak na nakangiti si Dooey na tila hindi man lang apektado sa tagal ng pinag-antay n'ya bago ko binuksan ang pinto.

"Binili kitang keychains." She then wiggles her eyebrows at diretsong pumasok sa kwarto. Tuloy-tuloy lang ito sa loob hanggang sa namalayan kong pumasok na rin iyong iba at nagtitimpla na ng Gin si Migo.

Taragis na 'yan 4 pm ng hapon trip na agad nilang mag-inom?! Ang usapan namin kanina sa byahe ay sa party pa kami ni Vito magwawalwal.

Hanggang bukas pa kami ng gabi dito dahil good for two days daw 'to. For this night ay puro kaibigan lang ni Vito sa showbiz at ilang models pero bukas ay kami kami lang daw.

"Heather Jane kuhanin mo nga 'yong speaker sa labas. Dadamayan namin kayo na mga minulto." Pautos na sambit ni Migo habang pinapaapoy iyong alak.

Pinakamaayos na magtimpla sa amin 'yan eh dahil tama lang ang epekto ng alak sa mood na gusto namin. Ang hindi namin mapagkatiwalaan sa pagtitimpla ay si Dooey dahil noong huling pinaggawa namin s'ya ay halos mamatay kaming lahat sa hangover. Hindi marunong 'yon pati ang kapatid n'ya. Kung si Doo malakas ang tama kay Scoby naman ay wala.

Kulang kulang at sobra ang pucha.

"Jane mo mukha mo. Zane nga kasi! Babaeng-babae ang Jane tapos ang tinitira ko babae rin." Ismid ni Heather pero sinunod din naman ang utos ni Migo.

Umiiling na lumapit ako sakanila na mga nakaupo sa sahig. Hindi pa kami nag-uumpisa ay kumakain na agad ng pulutan si Scoby.

"Bakit namumula ka?" My best friend asked when her eyes landed on me. "Umiyak ka na naman ba?"

Mabilis na umiling ako at ngumiti sakan'ya dahil gaya ng inaasahan ko ay s'ya nga ang unang makakapansin.

Halos mapapitlag ako nang marinig ang malakas na pagkanta matapos ang pagbukas-sara ng pintuan.

"Tangina n'yo lalo na ikaw putangina mo----"

"Hoy tarantado tumahimik ka! Kakasimba lang namin bago bumalik dito." Malakas na saway ni Migo kay Vito na kakapasok lang kasunod ni Heather. Hawak hawak nito ang isang gitara at tanging sando lang ang suot pang-itaas.

"Ay sorry sorry. Nadala lang sa taglay kong kagwapuhan." Vito chuckled as he put a blanket above my thighs dahil nakashort lamang ako. "Ang unti ng pulutan n'yo. Magparoom service na kayo libre naman."

"Reserved ba ang buong hotel sa birthday mo?"

Vito nodded. "Syempre. Special ako, eh."

"Special child." Halos sabay sabay na sambit namin na ikinasimangot ni kumag.

"Sama n'yo. Ang gwapo gwapo ko, eh."

I chuckled and told Dooey to order an ice cream dahil iyon ang kailangan ko ngayon. Hindi naman ako masyadong mabilis malasing sa Gin kaya alam kong tatagal pa ako hanggang mamaya. 'Wag lang talaga Cuervo at kahit na anong uri ng Tequila dahil ilang shot palang ay hihimlay agad ako.

"Gagi akala ko talaga matino ka." Scoby utter while leaning against her boyfriend. "Ang ayos mo kausap kapag may interviews ka."

"Plastik ako bakit ba?" Vito chuckled and start gunning our glasses. S'ya ata ang magg'gunner ngayon dahil walang nakilos sa amin. "Ang daming plastik sa showbiz. Ako nalang ata ang matino."

Lights OffWhere stories live. Discover now