Chapter 24

17.4K 788 1.5K
                                    

Kara's POV

"Punyeta ka, Victorio!" Malakas na pagmumura ko ng biglang dumagan sa akin si Vito habang natutulog ako.

Bakit ba pumapasok 'to bigla sa kwarto ko?!!

"Wake up, little beauty. Your baby ghost is here." Mababa ang tono ngunit nang-eengganyong saad n'ya na aking ikinabalikwas.

"Ano?" Paninigurado ko at saka nagtungo sa cr para makapaghilamos at makapagtoothbrush na.

I was busy wiping my face when I went out of my personal bathroom and look at Vito na parang batang paslit na nakayakap sa unan ko.

"Si Qionne and'yan sa labas at kausap si Mama. Kanina pa kita ginigising kaso ayaw mong bumangon. Pinaghugas tuloy s'ya ng plato ni mader trash talker---"

"Anong pinaghugas ng plato---" I cut myself off at dali-daling nagtungo sa kusina at nakitang naghuhugas nga ng pinggan si Qionne habang nakaupo si Mama sa lamesa at umiinom ng milktea from Starbucks.

"Ma naman bakit mo pinaghugas 'to?!" May halong dabog na reklamo ko saka hinigit paalis si Val mula sa paghuhugas ng mga pinggan na alam kong pinagkainan ni Victorio at ni Mama dahil iyong plato ni Vito na marvel ay isa sa hinuhugasan n'ya.

"Agang-aga at nagdadabog kana agad, Kayleigh. Umupo ka muna at kumain dito." Masungit na utas n'ya na ikinairap ko. "Wag mo 'kong mairap-irapan, Kayleigh Raesh. Umupo ka rito."

"Go." Val whispered as I take a glance of her. May isang malambot na ngiti ang nakapaskil sakan'yang labi nang ituro n'ya ang maliit naming table. "You have to eat."

"Mamaya na."

"You have a class. Go and eat. I'll take you to the university later." She softly ruffle my hair and push my shoulder lightly kaya walang nagawa na umupo ako sa harap ni Mama.

I sighed and started eating.

"S'ya pala ang boss mo." My mother utter.

"Opo tapos pinaghugas n'yo lang ng plato." I sarcastically heaved a smile. "Ang bait mo po talaga 'no? Pakiss nga."

"Kayleigh," she warned na ikinanguso ko.

"Mauuna na 'ko. Aalis pa kami ni Vito."

"Saan po kayo pupunta?" Inosenteng tanong ko.

Tamad na binalingan n'ya ako ng tingin. "Kay Satanas."

"Mama!" I exclaimed in disbelief.

She let out a cool chuckles and look at Qionne's side na tahimik na nakangiti at nakasandal sa may sink.

"Ikaw na ang bahala sa anak ko." Masungit ngunit nakangiting asik ni Mama na ikinakunot ng aking noo dahil mas lalong lumawak ang ngiti ni Qionne.

Noong una kaming nagkita napakasungit n'ya, ah. Ayaw n'ya ngang ngumiti noon tapos ngayon kay Mama ay halos ilabas n'ya na ang pinakamagandang ngiti n'ya? Tangina, karibal ko ba si Mama?!

"Yes, Ma."

"Ha?!" Exaggerated na asik ko pero hindi na ako pinansin ni Mama at dumiretso na lamang sa aking kwarto para sunduin si Victorio na ginagawa ring kwarto ang kwarto ko.

Feeling ko talaga inaagawan na ako ng mokong na 'yon sa sarili kong pamamahay. Ang ganda ganda ng condo n'ya tapos dito lagi sa bahay nakikisiksik. May times pa na dito s'ya nakikitulog at noong una ay sa sala pa humiga eh ang laki laki n'ya kaya binitbit ko sa kwarto ko.

Doon ko pinatulog sa lapag.

"How's your sleep?" Nakasimangot na pinukulan ko ng tingin si Val na inusog ang isang upuan sa harapan ko at umupo rito.

Lights OffTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon