Chapter 4

23.5K 854 1K
                                    

Kara's POV

"Ma'am, pasok po kayo."

Nakangiting nagpasalamat ako sa lalakeng nagbukas ng pintuan ng sasakyan para sa akin.

S'ya 'yong naghatid sa'kin kahapon sa may kanto ng bahay namin pagkatapos akong iwan ni Qionne mag-isa.

Ewan ko ba do'n. Kinilig ata ng sobra noong sinabi kong 'You can always be my Valentine.' kasi matamang tinitigan n'ya lang ako saka naglakad paalis.

Diba? Napakawalang modo no'n.

Ayaw sa rude pero rude din naman s'ya.

Walang hustisya!

Ritwalan ko s'ya, eh.

Charot.

Alam kong walang connect pero ang mahalaga ay marunong kang magbasa.

"Good morning, Kuya!" Masayang bati ko sakan'ya nang simulan niyang paandarin ang kotse.

Kitang-kita ko nga ang mga tsismosang kapitbahay namin na mga walang magawa sa buhay kung hindi ang pag-usapan ang buhay ko. Mga nakaabang sila sa usual tambayan nila na tindahan ni Aling Tambunting habang nakasunod ang tingin dito sa sasakyan na sumundo sa akin.

Sa mga mukha palang ng mga 'yan alam ko na ang pag-uusapan nila.

Mga hayop na 'yon sinabihan akong pokpok eh hindi nga ako marunong humalik.

Pukpukin ko pa ang mga ulo nila ng baseball bat. Mga walang magawa sa buhay ang sasarap sampalin. Pasalamat nalang talaga sila na hindi lumalabas si Mama sa bahay kaya hindi n'ya 'yon alam dahil kung oo? Baka matagal na silang nakahimlay.

Hindi kami gano'n kaclose ni Mama pero nagkakasundo kami sa panglalait sa iba. Kung foul ang bunganga ko, technical foul ang kay Mama.

Magmumura palang 'yon depress kana agad.

"Good morning po, Ma'am Kara." Bati pabalik ni Kuya na ikinangiti ko rin.

Buti pa 'tong driver ni Qionne marunong ngumiti eh s'ya ngingiti nalang para pang isinumpa ang mundo. Alam n'yo 'yong ngiti n'ya kahapon? Para s'yang nang-iinsulto na labag sa loob.

Mas mahirap pa s'yang intindihin sa minor subject ko na mga feeling major.

Kaya single ang isang prof namin do'n, eh. Napakataray tapos ang hirap pakiusapan. Sasabihin no'n na ang due ay Friday pero Wednesday palang kukunin na ang mga activities namin tapos kapag walang maipasa automatic na zero.

Diba? Parang tanga lang. Dati ba s'yang adik?

"Anong name mo Kuya?"

"Edward po."

"Kapangalan mo po 'yong hot vampire sa Twilight. May pangil ka rin ba?" He chuckled and shook his head.

"Nako Maam wala po ako n'yan. Baka si Ma'am Qionne pa po ang magputol ng pangil ko kung mayroon man." Natatawang aniya na ikinangiwi ko.

"Kuya sadya po bang mataray 'yong amo mo? Parang galit sa mundo, eh." I said, trying to open a topic which is Qionne of course.

Alam kong magkakasama kami in the future para sa offer n'ya, eh. Kailangan may alam din ako sa babaeng 'yon.

Nakakahiya naman kung wala akong kaalam-alam sa magiging boss ko.

Nang muli kong balingan ng tingin si Kuya Edward ay may hindi maintindihang ngiwi na nakaukit sa labi ko.

He even glance at me through the rearview mirror bago muling magpatulot sa pagd'drive.

"Mabait po si Ma'am Qionne. Tahimik lang po talaga s'ya at medyo mataray pero sobrang bait po ng taong 'yon." His lips form a proud smile habang nakatutok sa pagmamaneho.

Lights OffDonde viven las historias. Descúbrelo ahora