Chapter 7

18.9K 714 823
                                    

Kara's POV

Masayang kumakain ako ng spicy flavored fries habang naglalakad papunta sa bahay namin.

Hindi ko na pinapansin ang mga chismosa na nakasunod sa'kin dahil sanay na ako sa mga 'yan. Kung makatingin akala mo talaga may ambag sa buhay ko.

Umalis na rin kasi agad ako sa company ni Val noong nagpunta s'ya sa meeting n'ya kasi ano namang gagawin ko do'n 'diba? Nagtext nalang ako sakan'ya na mauuna na ako pero nang lalabas na sana ako ay agad akong hinarang noong secretary n'ya tapos iniabot 'tong paper bag na puro pagkain.

Hindi ko talaga alam kung matutuwa ba ako kay Qionne o hindi dahil napakamasunurin n'ya rin. Ang sabi ko kanina gusto ko ng spicy food pero hindi ko sinabing sili!

Walang hiyang 'yong may lamang isang plastic na sili iyong paper bag tapos lahat ng pagkain maanghang. Kahit nga itong hawak kong juice ay maanghang.

Buti nalang may awa pa 'yon kahit papaano dahil may isang bottled water na kasama.

Mabait si Tyong pero 'yong pagiging mabait n'ya nakakamatay.

Hindi mo kasi minsan alam kung genuine pa s'ya o sarcastic sa mga pinaggagagawa n'ya sa buhay.

Ewan ko do'n sa babaeng 'yon. Ang mahalaga busog ako.

"Ate!"

"Oh?" Simpleng tugon ko sa aking kapatid na sumalubong sa akin pagkapasok ko sa bahay.

I gave her my remaining foods at marahang ngumiti. "Wala kang pasok?"

She slightly nod her head and cutely smile.

"Meron po pero hindi na muna ako pumasok."

My eyes squinted.

"Why? Ubos na ba ang baon mo? Dapat pumasok ka nalang tapos ako na ang magdadala sa school ng allowance mo para may pang-gastos ka." Sunod-sunod na ani ko pero umiling-iling lamang siya at hinigit ako paupo sa luma naming sofa.

"Hindi naman sa gano'n, Ate. Kailangan ko kasing bantayan si Mama. Nilalagnat s'ya, eh." I cleared my throat and take a glance at my mother's room na sarado ang pinto.

"Uminom na ba s'ya ng gamot?" Mahinang tanong ko na kan'yang tinanguan. "Bakit hindi ka tumawag sa'kin kagabi?"

Sayang-saya pa ako kasama si Val kagabi at hinaharot-harot s'ya tapos may sakit na pala ang nanay ko.

Ampotang buhay naman, oh. Siguro crush talaga ako ni Satanas kaya sunod-sunod ang nangyayari sa'kin. Papansin lang 'yon.

My sister gulp before sipping on my spicy citrus juice pero agad siyang napaubo ng malasahan ito.

Tumatawang inabutan ko siya ng tubig at saka muling sumandal sa sofa.

Nakasimangot na tinitigan n'ya ako pero mapang-asar na iginalaw ko lamang ang aking mga kilay.

"So ano? Bakit nga hindi mo ako tinawagan?" Tanong ko ulit.

"Eh kasi naman Ate sabi ni Mama 'wag daw kitang abalahin. Sabi pa n'ya papaluin n'ya raw ako kapag tinawagan kita." Parang musmos na batang pagsusumbong n'ya.

I chuckled.

"As if naman papaluin ka ni Mama, Laine." Nakangiting litanya ko pero sumimangot lamang siya at nagpatuloy sa pagkain.

Kahit hindi kami close ni Mama ay hindi n'ya ako pinalo. Sadyang tahimik at strict lang s'ya pero hindi n'ya kami napagbuhatan ni Laine ng kamay.

Mamamatay ka lang talaga sa talas ng bibig no'n. Mahihiya ang machine gun kapag nag-umpisa 'yong rumatrat.

Lights OffWhere stories live. Discover now