Chapter 30

24.8K 906 2K
                                    

Kara's POV

"What the heck are you doing here?" Hindi makapaniwalang tanong ko sa lalaking katabi ni Lai.

"For my daughter. . ." He utter gently, "I'm here for my daughter."

Sarkastikong ngumiti ako at tinanggal ang hawak ko sa kamay ni Qionne na tila naguguluhan kung anong nangyayari.

"Oh, alam mo pala na may anak ka? Akala nga namin patay kana."

"Kayleigh." Saway ni mama pero hindi ko tinanggal ang aking tingin sa lalaking napatungo at tila napahiya sa sinabi ko. "Tatay 'yan ng kapatid mo--"

"Na inabandona at iniwan n'ya noong nalaman n'ya na buntis ka, Mama." Puna ko at akmang lalapitan sila nang maramdaman ko ang paghigit ni Val sa damit ko para manatili ako sa may tabi n'ya.

"And I'm sorry for that, Kara." Tito Omar mumbled, if I'm not mistaken that's his name, as he stand up and look at me with another set of apologizing look. "I never wanted to do that. Hindi ko lang talaga alam ang gagawin ko noon."

"Anong hindi mo alam? Hindi ka ba nakapag-aral ng simpleng sex education kaya hindi mo alam na noong may ginawa kayo ni mama ay pwedeng may mabuo?" I hastily clench my jaw and look at him with full of disgust and hatred. "Tanga ka ba o sadyang may kailangan ka lang ulit kaya andito ka?"

"Ate!" Laine came into the picture at gaya ng tatay n'ya ay tumayo rin ito at umiling sa akin. "Please," she mouthed kaya napabuga na lamang ako ng hangin at madiing ikinuyom ang aking mga kamao. "Gusto lang namang bumawi ni Papa."

"At tanggap mo na agad s'ya?" Nang hindi s'ya agad makasagot ay mapait akong napangiti nang may mapagtanto. "Sabihin mo nga, nagkikita na ba kayo ng hindi ko alam?"

Pare-parehas silang natahimik tatlo na ikinatulala ko ng mahigit limang segundo bago mahinang natawa.

Betrayal rushes and intrude my pride within the radius of disrespect. Hindi makapaniwalang tiningnan ko si mama na hindi makapagsalita.

"So oo?" Pagsagot ko sa sarili kong tanong na ikinaiwas nila ng tingin. "Ganda n'yo namang kasama. Pinagmukha n'yo 'kong tanga na parang hindi ako parte ng pamilya n'yo, ah."

I can feel Val's hand at my knuckles and trying to hold it pero pilit kong inilalayo ito dahil alam kong bibigay ako lalo na't nagsisimula ng mangatal ang boses ko.

Kaya pala kapag umuuwi ako ng biglaan pagkatapos ng klase at mga photoshoot ko ay madalas siyang wala at minsan ay dalawa pa sila ni mama. May iba naman palang inaatupag at wala akong kaalam-alam o ideya man lang.

Nice.

"He's still my father, ate."

Nanggigilid ang mga luhang itinuro ko ang sarili ko kay Lai, "at ako ang pumuno ng responsibilidad n'ya noong iniwan n'ya kayo ni mama. He was never there, Laine. Noong nabully ka sa school dahil wala kang tatay, sino ang andoon? Noong nagkasakit ka at halos mamatay ka sa hospital sa taas ng lagnat mo, andoon ba s'ya? When you had your first step, first word, or even your first day here, does he ever give a damn fvck to see you? Alam nating lahat na mayaman 'yang tatay mo and he's capable to see you pero hindi n'ya ginawa kahit isang beses kaya 'wag mong irason sa'kin na tatay mo pa rin s'ya dahil hindi s'ya nagpakatatay sa'yo!"

Mabilis na nagtaas-baba ang aking balikat at dibdib sa biglang pagtaas ng boses ko. Muntik pa akong mawalan ng balanse kung hindi lang agad nahawakan ni Qionne ang aking baiwang at hinila palapit sakan'ya.

"Pero kung tatay mo ang bumalik Ate Kara, hindi mo man lang ba s'ya tatanggapin? You know how much I'm longing to have a father since ever. . ." She added na ikinailing ko. I stick my tongue at my cheeks and tryna suppress my tears but when I see how my sister cried and got comforted by her father, it started to fell.

Lights OffWhere stories live. Discover now