Efren

217 10 7
                                    

TW: Violence and abuse

"Kanina ka pa nakatulala. May problem ba?" tanong nito kay Mirasol na nakaupo sa gilid ng kama. Walang saplot na kahit ano. Lumapit ito at yinakap siya sa likod habang pasimpleng nilalamuyos ang harapan niya.

Katatapos lang ang mapusok nilang pagtatalik sa isang motel pero parang gusto pa nitong makaisa. Tinanggal ni Mirasol ang kamay ni Efren sa kanyang dibdib at sinenyasan ito gamit ng kanyang ulo para sabihing ayaw na niya.

"Bakit?" takang tanong nito dahil ngayong lang umayaw ang babae sa kanya. Halos maka-limang round nga sila kapag sila ang magkasama sa kama.

"I think we should already stop. Nakahahalata na si Edward," ani nito at biglang kumunot ang noo nito sa sinabi niya. Tila ayaw nito sa narinig. 

"Mukhang wala naman pake sa'yo ang asawa mo 'di ba? Bakit natin ititigil ito?" may pagbabantang sabi nito. Ngayon pa ba sila aatras kung saan masaya ta masarap na ang pagsasama nila.

"Pero-" natigil si Mirasol sa sasabihin nito dahil agad na pumagitna si Efren.

"Bakit hindi mo na ba ako mahal?" tampong sabi nito pero natahimik lang si Mirasol. Tinangka ni Efren na halikan ang kasintahan pero binaleng lang nito ang ulo niya para umiwas.

"Tang ina naman Mirasol!" padabog na sabi nito dahil sa ginawa niya.

"Aalis na ako," ani niya at dali-daling pumasok sa banyo ang babae at naiwan si Efren sa kama habang may poot sa kanyang mga mata. 

Hindi niya alam kung bakit naging ganon na ang pakikisama ni Mirasol sa kanya. Tila nag-bago na ito dahil hindi na ba siya gusto? Mahal na ba nito ang asawa niya? Leche!

"Una na ako," paalam nito at hindi niya nilingon man lang ang nagmamadaling si Mirasol. Naiwan siya sa motel at napabuntong hininga lang ito ng malalim ng marinig ang pagbukas sara ng pinto hudyat na wala ang kasintahan nito.

Hindi na rin siya nagtagal sa motel at agad siyang umalis patungo sa malapit na inuman. Mukhang kailangan niya ng alak ngayon. Hindi pa rin napapawi ang galit at pagtatampo sa puso niya. Aaminin niya na gusto, hindi mahal na niya ang babae kaysa sa tunay nitong asawa. Hindi niya mahal ang asawa sa simula pa lang at hindi man lang ito nakaramdam ng pag-ibig pero si Mirasol ay kakaiba sa kanya. Mahal niya ito at handa siyang iwan ang pamilya niya para sa babae. Isang pagkakamali lang kung bakit niya pinakasalan ang asawa at ngayon pipiliin niya kung saan siya masaya.

Nakakailang bote na ito at halatang tamado na rin siya ng alak. Umiikot na rin ang paningin niya at mag-dridrive pa siya pauwi. Kaya bago siya tuluyang malasing ay umalis na siya at umuwi sa kanilang bahay. Kahit naman lasing siya ay kaya niya paring mag-maneho. Namamahanga nga siya minsan sa katawan niya dahil may time na sobrang lasing siya pero nakauwi pa rin ito ng ligtas.

Pagdating niya ng bahay ay naabutan nito ang anak niyang bakla sa may kusina. Hindi naman niya pinangarap na magkaroon ng isang salot na anak dahil lumaki siyang kinamumuhian niya ang mga bakla.

"Anong tinitingin mo dyan?" magaspang na sabi nito sabay duro sa kanyang anak. Tinuring na lang niya itong katulong para kahit papaano ay may silbi sa bahay.

Hindi siya pinansin bagkus naglakad ang anak nito paakyat pero bago pa siya umakyat ay hinablot ni Efren ang kamay nito at pwersahang pinaharap sa kanya. Walang kalaban-laban ang anak nito sa malaki niyang katawan.

"Huwag kang bastos na bakla ka! Kung kinakausap ka sumagot ka!" bulyaw nito at lalong hinigpitan ang paghawak sa braso ng kanyang anak na animo'y babaon na ang mga daliri nito sa kanyang balat.

"Masakit," daing nito pero bingi si Efren. Hindi niya narinig ang pagpigil na kanyang anak sa marahas nitong paghawak.

"At talagang sumasabat ka pa ha!" ani nito at malakasang sinampal sa mukha ang anak nito at napahandusay sa sahig. 

"Bakit anong pinagmamalaki mo. Ang nanay mung nasa abroad ha!" sigaw ulit niya at hinablot ang buhok ng kanyang anak. "Sumagot ka!" ginawaran ulit ni Efren ang anak ng isa pang sampal. Hindi man lang ito naawa at hindi man lang siya nakaramdam ng kahihiyan sa sarili nito.

"Tama na po!" pagmamakaawa ng anak sa kanya. Halos tawagin na nito lahat ng diyos dahil hindi pa nakuntento si Efren at sinuntok ang tagiliran niya. Halos mamilipit ito sa sakit na nararamdaman.

"Tang ina mung bakla ka!" galit na sigaw nito. Tila ang anak na nito ang pinagbalengan niya ng galit at tampo dahil sa nangyare kanina sa pagitan nila ni Mirasol.

"Ano!? Lumaban ka! Huwag kang lampa!" tadyak nito sa nakahigang anak habang namimilipit sa sakit. 

Kumulog at kumidlat sa labas saka bumuhos ang ulan pero hindi pa rin natigil sa pang-aabuso si Efren. Lalo lang itong naganahan na saktan ang anak.

"Lalake! Tandaan mo yan! Wala akong anak na bakla! Putang ina salot!" masasakit na wika nito habang dinuro-duro ang anak at sinampal ulit sa mukha. Halos sabog na ang labi nito at may kunting pasa at sugat na ang mukha ng kanyang anak.

"Sana pinatay mo na lang ako!" sigaw ng anak nito at buong pwersang tinulak ang ama at dali-daling tumakbo sa labas. 

"Tang ina mo! Anong sabi mo!? Bumalik ka ritong salot ka!" sigaw niya pero hindi na niya ito nahabol pa.

Napahiga na lang siya sa sofa at hinayaan na lang ang anak nito na mabasa ng ulan habang namimilipit sa sakit.

Nagising sa mga katok si Efren at pagdilat niya ay umaga na hindi na niya namalayan pa ang oras.

Pagbukas niya ng pinto ay nakita niya ang dalawang tanod at ang kapitbahay nilang matandang babae.

"Bakit?" garagal na sabi nito dahil sa sakit ng ulo.

"Balita namin. May ingay daw dito gabi at binugbog mo raw ang anak mo," pasimpleng tumingin ng matalim si Efren sa matandang babae. Marahil nagsumbong na naman ito. Pakielamerang matanda!

"Ah boss wala yun nagkakasiyahan lang kami ng anak ko. Huwag kasi kayong maniwala sa mga tsismosa dyan sa tabi-tabi," pag-dadahilan nito at mukhang naniwala naman ang dalawang tanod. "Mahal ko ang anak ko," pasisinungaling nito saka pekeng ngumiti.

"Ah ganon ba sige pasensya na brad," wika nila at tumingin ang dalawang tanod sa matanda.

"Nanay hindi naman pala totoo 'e. Kayo talaga."

"Pero-" natigilan ito ng tumingin siya kay Efren. Binantaan niya ang matanda gamit ang matalim nitong tingin kaya wala itong nagawa kundi umalis at itikom ang bibig.

"Punyeta talaga ang batang iyon!" daing nito pagsara ng pinto. Tumaas na lang siya para magpalit at para magmaneho na ng taxi. Hindi na niya naiisip ang anak nito kung okay ba ang kalagayan niya o hindi.

The Guy Who Fell In LoveWhere stories live. Discover now