The Playboy's Poison

292 17 8
                                    

Ashton was done for his class and his friend was asking him to go out with them to the newly open bar near the area. Hindi sana ito papayag pero naalala niya na hindi pa pala siya nakapag-bar this past week because of tons of activities. Natambakan sila ng gagawin kaya most of the time ay school at dorm lang siya. Eksakto na rin dahil maluwag na ang oras niya ngayon at may time na siyang pumunta ng bar, kahit naman addict siya sa pag-babar ay hindi niya nakakalimutan ang pag-aaral nito.

Aaminin niya na hindi man siya kasing talino ng kaibigan niyang si Gideon na parating top sa kanilang department ay grade conscious rin ito. Kahit muntik na siyang bumagsak sa isang math subject niya ay talagang ginapang ni Ashton para lang maka-graduate on time. Ika nga niya, "pasaway man pero gragraduate". Besides, hindi naman siya obligado ng magulang nito na dapat mataas parati ang nakukuha niya sa school ang mahalaga lang sa parents niya ay makapasa ito at hindi umulit.

"Sige! Anong oras ba?" tanong nito sa mga kasama niya. Kita na naman sa ngiti ni Ashton ang excitement. 

"Mga eight na lang. Kita-kita na lang tayo. Chat na lang namin sa gc ang address ng bar," wika nila at tumango na lang ito. Nagsialisan na sila matapos mapagusapan ang plano at naglakad palabas ng campus. Habang papunta sa main gate ay nakasalubong nito si Marley. Kilala na niya ang dalaga dahil parating kasama ito ni Gideon. Nung una nga silang nag-kita ay akala niya ay girlfriennd ng kaibigan ngunit hindi naman pala girl bestfriend lang nito. 

"Asan si Gideon, manang?" asar nito sa dalaga. Hindi na man talaga mukhang manang si Marley sa katunayan nga ay maganda ito. Inaasar niya lang na manang dahil para siyang nerd sa mga telebisyon na napapanood niya dahil matalino ang babae.

"Hanapan ba ako ng nawawala. Jerk!" pagbawi nito. Ashton smirked because of what Marley called him. Hindi naman lingid sa kaalaman ni Marley na babaero ang lalake. Marley hate a jerk like Ashton na parang gusto na nitong i-date lahat ng babae sa mundo. Parang mamatay kapag walang bababe sa buhay niya.

"What did you call me?" tanong nito at namewang.  Talasan siyang tinignan ng babae at hindi rin siya nagpatalo rito sa titigan. Unang kita pa lang nilang dalawa ay parang ayaw na nila sa isa't isa. Hindi magawa ni Marley na kaibiganin ang lalake dahil siya ang nagpaiyak sa isa nitong kaibigan.

"I said you're a jerk! Asshole!" ulit nito at napangiti lang si Ashton sa sinabi ni Marley.

"Or baka nagpapansin ka lang sa akin. Come on, I know already that kind of tactics. Sorry ha, hindi ako pumapatol sa manang 'e" kitang kita ni Ashton ang galit sa mukha ng babae dahil sa sinabi niya. Parang umuusok ang tenga at ilong nito at namula ang mukha niya. Napangiti na lang si Ashton dahil mukhang nagtagumpay na naman siyang inisin ito. Umalis na lang siya at hindi na hinintay na makapag-salita pa si Marley. Kuntento na siya sa naging reaksyon nito.

Habang nag-lalakad ay nagulat na lang siya ng biglang may humawak sa magkabilang braso niya sabay tadyak sa kanyang masilang parte. Halos makita ni Ashton lahat ng santo dahil sa ginawa ni Marley na pagsipa sa kanyang alaga. Namilipit ito sa sakit at napasigaw ng lubusan. Halos humiga na siya sa lapag dahil sa kirot.

"That's what you deserve asshole!" wika ni Marley sabay flip hair at iniwan si Ashton na hawak hawak ang kanyang alaga. Napasuntok na lang ito sa sahig habang nakaluhod ito.

"Tang ina ka! Gaganti ako sa'yo!" inis nitong sabi habang gigil na gigil na nakatingin sa babae na naglalakad paalis. Pagtingin niya sa paligid ay pinagtitinginan na pala sila ng mga tao. Bigla itong nahiya kaya agad siyang tumayo at inayos ang sarili. Parang nawala ang pagka-angas niya dahil kay Marley. Paika-ika itong lumakad na para bang bagong tuli lang siya at tiniis ang sakit.

"Oh! Napano ka?" tanong ni Gideon dito ng makasalubong niya sa dorm.

"Tang ina yang kaibigan mo. Tinadyakan ba naman si junjun," inis na sabi nito. Tinawanan lang siya ng kaibigan dahil sa sinapit niya.

The Guy Who Fell In LoveWhere stories live. Discover now