Mirasol

269 17 3
                                    

Mirasol has a secret affair. Hindi ito alam ng asawa niya at wala siyang balak sabihin dito. Hindi niya mahal ang asawa. Iyang ang totoong nararamdaman niya rito. Nagpakasal lang sila dahil hindi nito sinasadyang mabuntis siya ng lalake nung araw na nagkainoman sila nung nasa college pa lang silang dalawa. Iisa lang kasi ang kanilang circle of friends. Dahil na rin sa utos ng magulang ni Mirasol at para hindi mapahiya ay napagkasunduan nila na ikasal na lang si Mirasol sa lalake. Mahal naman siya ng asawa nito at kita niya iyon nung araw na hiningi niya ang kamay nito sa mga magulang niya at hindi siya takot sa responsibilidad na maging ama sa anak nila. Pero hanggang sa anak na lang sila mag-kaugnay, wala nang iba pa. Kahit ang tagal na nilang mag-kasama sa iisang bahay ay hindi makuha ni Mirasol na ibigin ito.

She was having an affair to a married man. Pareho silang ng pinagdaan kaya siguro nagkasundo sila at pinakasalan din nito ang asawa niya dahil aksidenteng nabuntis niya ito nung nalasing siya. Nakilala niya ang lalake sa isang taxi dahil isa itong taxi driver. Nung una ayaw niya rito dahil madaldal at puro kuwento ng kung ano-ano na hindi na man siya interesado. Later on, she find herself falling to his stories. Parati niyang nasasakyan ang taxi nito na para bang sinasadya ng panahon na mag-kita sila. Hanggang sa sinamaan siya nito na uminom sa isang bar at sa gabi ding iyon ay may nangyare sa kanilang dalawa.

Wala siyang paghihinyang o pagsisi sa sarili man lang dahil may nangyare sa kanila ni Efren. Hindi niya mapaliwanag ang nararamdaman nito sa lalake. Pakiramdam niya ay gusto na nito si Efren at nagpasyahan nilang pumasok sa isang relasyon nang umamin ang lalake na gusto nito si Mirasol. Alam din ni Efren may pamilya si Mirasol, gaya rin kay Efren, nahumaling ito sa karikitan ni Mirasol at siya ang mga tipong babae ni Efren.

Alam ni Mirasol na wala ang asawa nito dahil nagtratrabaho sa ibang bansa bilang OFW kaya malaya silang gawin ang gusto nila ni Efren. Binibigyan din siya ng kalayaan ng asawa nito at hindi mahigpit ang asawa niya sa kanya. Hindi ito pala tanong kung aalis siya at kung bakit gabi na rin siya umuuwi. Hinahayaan lang siya nito sa gusto niya.

Naalimpungatan si Mirasol ng madaling araw ng marinig ang malakas na alarm ng sasakyan nila. Nagising ding ang asawa nito at dali-daling lumabas ng marinig na parang may nabasag sa sala.  Nakasunod lang siya rito habang yakap-yakap ang sarili buti wala rito ang anak niya.

"Tumawag ka ng pulis," ani ng asawa nito at dali-dali itong tumawag ng mga pulis.

Narining nito ang asawa ng sumigaw at nadulas pa ito sa pintuan. Pagsilip niya sa bintana, matapos tumawag ng pulis, ay nakita niya ang dalawang binatilyo. Nagbato ng itlog ang isa at eksatong tumama sa direksyon niya at nabasag ang binatana. May tumalsik na bubog sa kamay niya at nadaplisan ito na nagsanhi ng sugat. 

Bago pa sila tumakbo ay sumigaw ang isa at tinaas nito ang middle finger niya. Medyo namumukhaan nito ang isa parang nakita na niya ito ngunit hindi niya lang maalala kung saan.

Paglabas niya ng bahay ay muntik na rin siyang madulas at puro harina ang nasa front door nila. Paglapit niya sa sasakyan ay puro graffiti ang nandoon at halo lumuwa ang mata nito ng mabasa ang mga nakasulat doon.

"Kabit?" ani ng asawa niya at kita ang nagtatanong nitong mga mata ng mabasa nito ang nakasulat sa sasakyan. Marami pang hindi kaaya-ayang mga salita ang nakasulat doon. Mukhang may nakakakaalam sa relasyon nila ni Efren.

"Anong ibig sabihin ng mga ito?" hindi alam ang sasabihin ni Mirasol. Biglang bumuhos ang takot sa kanyang dibdib. Buti na lang dumating na ang mga pulis at hindi na siya kinausap ng asawa tungkol doon. 

Dali-dali siyang pumasok sa kuwarto nila at hindi siya makahinga dahil sa kaba. Hindi niya alam kung ano ang gagawin. Baka mabuko na ito na may kabit siya? Ano ang gagawin niya? 

Halos lumundag ito sa kama ng biglang bumukas ang pinto ng kuwarto nilang mag-asawa. Dali-daling pumunta ang asawa nito sa banyo para mag-palit ng damit dahil sa harinang tumapon sa kanya. Napakagat na lang siya sa kamay niya at hinihintay nito ang asawa na lumabas sa banyo. Kung ano-ano ang tumatakbo sa isip niya at  hinahanda na nito na kompruntahin siya ng asawa niyang si Edward dahil sa mga nakalagay doon sa sasakyan.

Nagulat ito ng bumukas ang banyo at nag-eexpect siyang mag-sasalita ang asawa sabay tatanungin siya tungkol doon pero wala siyang narinig rito bagkus tumingin lang sa kanya si Edward. Pumasok ulit ito sa banyo na walang sinabi. Paglabas niya ay dala na nito ang first aid kit.

"Mukhang may sugat ka," ani nito at napatingin si Mirasol sa kamay niya at hindi niya napansin na may dumdaloy na pala ang dugo sa sugat niya. May pumatak rin sa damit niya at sa kanilang kumot.

"S-sa bintana kasi kanina. Nabasag. Sorry," utal na sabi nito at napalunok ng wala sa oras. Tila may bumabara sa lalamunan niya at hindi siya makapagsalita ng maayos.

"Nasaktan ka ba?" malumanay sa sabi nito sa kanya at umiling lang ito. Umupo ang asawa nito sa kanilang kama at kinuha ang kamay niya para gamutin.

"Aray!" daing nito ng nilapatan ng alcohol ang sugat niya at binawi ang kamay nito ngunit kinuha ulit ng asawa niya ang kamay niya para ituloy ang paggamot.

"Sorry," wika ng asawa nito at hinipan ang kanyang sugat. Hindi maipaliwanag ni Mirasol sa gabing iyon kung bakit ang bilis ng tibok ng kanyang puso at bakit parang bumabalik siya sa highschool. Nga-flashback din ang mga ginawa ng asawa nito sa kanya . Ang pagluluto nito ng breakfast niya at tuwing nagkakasakit siya ay inaalagaan siya ni Edward. Mag-leleave pa ito sa trabaho para mabantayan siya. Natameme na lang ito habang pinagmamasda ang asawa na gamutin ang kanyang sugat.

"Ayan, malinis na," ani nito at niligpit ang mga ginamit nito. "Tulog ka na," wika nito sa asawa, Humiga si Mirasol at tinalukbo ang kumot sa kanyang katawan. Medyo nakahinga siya ng maluwag dahil hindi nagtanong ang asawa nito ng kung ano-ano pa.

...

Pagkatapos gamutin ang sugat ng asawa ay lumabas si Edward habang dala-dala ang isang kapiraso ng papel sa kanyang kamay. Napulot niya ito kanina ng lumapit siya sa sasakyan at nabasa ang nakapaloob dito.

'Sinira mo ang pamilya ko. Bakit ka pumatol sa tatay ko?'

Nilakumos nito ang papel at sinunog lang ito. Matagal na niyang alam na may kabit ang asawa niya. Nalaman niya ito nung araw na sinundan niya ang asawa dahil parating araw-araw umalis at gabi na kung umuwi. Pero ayaw niyang masira ang pamilya nila at ayaw niyang mawala si Mirasol dahil napamahal na siya rito. Handa siyang magtiis huwag lang siyang iwan nito dahil hindi niya makakaya kung mangyare man iyon. Handa siyang manlimos ng atensyon at pagmamahal kay Mirasol kahit masakit.

The Guy Who Fell In LoveWhere stories live. Discover now