Gatton

253 18 3
                                    

Matagal na rin siyang nag-tuturo ng theology. Sa tagal niyang pagtuturo ay iba't ibang estudyante na rin ang nakasalamuha niya. May ibang naniniwala sa tinuturo niya at may ilang hindi taliwas sa kung ano ang sinasabi nito. Alam na man ni Gatton na sa bawat tao sa mundo ay may iba't ibang paniniwala. Marahil ang iba ay naniniwala sa Diyos, may ibang kinikilalang panginoon, o 'dikaya'y wala itong pinapaniwalaang diyos sa buhay. He respect all of that.

Tapos na siya sa pagtuturo sa araw na iyon at lumabas na siya ng klase habang hawak ang isang bible at ang makapal nitong libro ng bigla siyang tawagin ng isa nitong estudyante. Kilala niya ito dahil parating matataas ang nakukuhang quiz ng binata sa kanyang subject.

"Yes, Mister Gideo?" wika nito at mukhang nag-aalangan pa itong tanong siya dahil hindi ito makatingin sa mata niya. Kita sa ekspresyon ni Gideon na nahihiya itong mag-tanong at ganon din ang pagkakilala nito sa binatilyo dahil may pagkamahiyain ito.

"What do you mean about that cigarette?" tanong nito sa kanya at medyo nahiwagaan si Gatton sa sinabi nito. Ito ang unang beses na may nag-seryoso sa sinabi niya at hindi niya alam kung matutuwa ba siya o malabo lang siyang mag-discuss kaya hindi nila maintindihan.

Ngumiti si Gatton ay naglakad palabas ng room habang nasa gilid si Gideon na nakasunod pa rin sa kanya. Kita nito na gusto talaga nitong malaman ang sagot sa bumabagabag sa isip niya.

"Bakit mo tinanong tungkol sa sigarilyo?" Nahihiwagaang sabi nito at nakangiti si Gatton sa bawat estudyanteng bumabati sa kanya.

"Uhmm...it was not clear to me?" ani nito sa kanya. Sa isip-isip nito ay mukhang malabo talaga siya magpaliwanag kaya madalas walang nag-rereact sa klase niya.

Huminto ang dalawa sa may fountain at umupo sa bakanteng bench. Tahimik lang si Gideon na umupo habang hinihintay nito si Gatton na magsalita. Isang malalim na paghinga at pagbuga ang binitawan ni Gatton bago ito tumingin kay Gideon.

"Hindi ba klaro ang sinabi ko kanina sa klase?" tanong nito sa binata at isang maiksing tango ang tugon nito.

"Nakatikim ka na ba ng sigarilyo?" tanong nito at medyo hindi expect ni Gideon na tatanungin siya ng ganon.

"I've tried to take one but my body cannot handle the smoke and it taste bad," pagpapaliwanag nito. Tumango-tango si Gatton sa sinabi ni Gideon sa kanya.

"That's the point Gideon. If you're not a smoker you can perceive that as bad or not good for your body but for those who smoke...cigarette is like escaping from their traumas, anxiety, and stress because they consume it just to live and be better to their selves because this world makes their life miserable. They just only need a stick of cigarette to ease their pain," napatango si Gideon sa sinabi niya at mukhang naliwanagan na ito.

"So, you mean cigarette is like a medicine for their emotional damage?" wika nito at buti na lang madaling makaintindi ang lalake.

"That's right! Kaya minsan ang mga taong nagsisigarilyo... They don't consume just to die. They consume just to ease the pain inside," napatango-tango na lang si Gideon sa sinabi ni Gatton. Now, it make sense to him.

Biglang sumagi sa isip ni Gatton nung araw na sinubukan niyang manigarilyo. It was the day he was terminated from the seminary school because he was caught kissing one of his colleagues.

He vividly remember the day when got fall in love to a man.

"Tara na raw sa church sabi ni Father," tawag sa kanya ng kaibigan nito. Ang unang naging ka-close niya sa seminary school na pinasukan niya.

Bata pa lang si Gatton ay gusto na niyang maging-pari dahil bata pa lang ay active na siya sa simbahan bilang sakristan at president ng kanilang youth ministry. He fell in love on providing service and lecture to those people who seek God's presence. Kaya hanggang sa paglaki ay ang mag-likod sa Diyos ang kanyang hangarin.

"Sabay na tayo Dominick," ani nito. Tumango si Dominick at pinagmasdan lang si Gatton na nililinis ang higaan nito. Matapos makaayos ay tumingin siya sa kaibigan at may kakaibang pintig ang puso niya ng makita ang ngiti ni Dominick sa kanya.

Hindi maipaliwanag ni Gatton ang nararamdam dito sa kaibigan. Hindi naman siya nahuhumaling sa mga lalake pero kakaiba si Dominick para sa kanya. May kakaibang nararamdaman ito sa lalake.

Pinigilan naman ni Gatton ang tinatawag nilang makasalanan na pakiramdam. Hindi dapat siya nakakaramdam ng ganito dahil bawal sa kanila at sa relihiyon na meron siya. Magiging siyang pari at hindi normal ang magkagusto sa kapwa lalake.

"Gatton, bakit ka ba umiiwas?" harang ni Dominick sa kanya. Mukhang nakahalata na si Dominick na iniiwasan niya ito.

"May gagawin pa ako Dom," ani nito. Hindi man lang makatingin ng diretso sa kaibigan. Naglakad siya paalis pero natigilan ito ng hawakan siya ni Dom sa kanyang braso.

"Mag-usap tayo," seryosong sabi nito at hinila siya ng lalake papunta sa lumang bodega.

"May mali ba akong nagawa sa'yo?" tahasang tanong ni Dom sa kanya pero hindi siya makapagsalita. Hindi niya magawang sabihin kung bakit siya umiiwas. Marahil pandidirihan siya nito kung nagkataon na sinabi niyang gusto niya ang lalake. Mas mabuti na lang na siya ang nakakaalam sa nararamdaman niya.

"Wala," maiksi at sapat na 'yun na bilang sagot sa tanong niya. Malakas na buntong hininga ang pinakawalan ni Dom sa kanyang dibdib dahil sa bigat ng nararamdaman niya.

"Kung wala, bakit ka umiiwas sa akin? Ayaw mo ba ako?" biglang kumirot ang puso nito sa sinabi ni Dom sa kanya. Pagtingin nito ay kita ang namumulang mata ni Dom na siyang nagpakabahala sa kanya.

Hindi naman niya expect na magiging emosyonal ito.

"Bakit ka umiiyak?" kinabahang sabi nito dahil tuluyang pumatak ang luha ni Dom.

"Tama na," alo nito pero hindi ito umobra.

"Bakit ka umiiwas?" tanong ulit ni Dom sa kanya. Napakagat ito ng labi at hindi niya alam kung anong palusot ang sasabihin niya.

"Bakit ka umiiwas sa akin Gatton?" napapikit na lang siya ng mariin at hindi na kaya ang emosyon nito.

"Dahil nagkakagusto ako sayo!" sigaw niya at hindi magawang imulat ni Gatton ang mata dahil ayaw niyang makita ang reaksyon ng lalake. Siguro nandidiri na ito. Naghihintay siya ng sagot sa sinabi niya pero wala siyang narinig. Dahan-dahan nitong minulat ang mata at kita nito ang gulat na reaksyon ng lalake.

"Sorry. Hindi..." hindi na niya nagawang mag-salita pa ng bigla siyang halikan ni Dom sa labi. Sa una ay nagulat pa siya at hindi ginalaw ang labi nito pero naramdam niya ang kapusukan ng labi ni Dom kayat tumugon ito sa halik.

Hindi maipaliwanag ni Gatton ang nararamdam niya halo-halo na ito.

Natigil ang halik at tumingin si Dom sa kanyang mukha. Ngumiti ang lalake at nahawa itong ngumit rin.

"Gusto rin kita," pagbubunyag nito at maski siya ay nagulat. Akala niya ay mandidiri ito sa kanya pero nagkamali lang pala siya.

"Gusto kita Gatton," pag-uulit nito at sinunggaban ulit siya nito ng halik. Napapikit ito ng mata dahil sa sensasyon na dulot ng pinagsasaluhan nilang halik at pagbukas niya ng mata ay agad niyang natulak si Dom palayo sa kanya.

"Diyos ko!" kita nito si Father na gulat na gulat sa nangyare. Napa-sign of the cross pa ito. Halos maubusan siya ng dugo sa katawan dahil nahuli sila.

Nung araw din iyong pinatawag silang dalawa at pinaharap sa mga pare para litisin. Natanggal siya sa seminarya at hindi na niya nakita pa-ulit si Dom dahil nanatili ito at nagmakaawa sa mga pare na huwag siyang alisin. Para sa kanya mas mabuti na lang na umalis kaysa tignan siya ng mga tao dun na parang may nakakahawa siyang sakit. Sa isip ni Gatton pinagtaksilan niya ang Diyos dahil umibig lang ito.

Dahil wala na siya sa seminarya ay kumuha na lang si Gatton ng teaching unit para matuloy nito ang nasimulan at para makapagturo na rin.

"Sir?" napabalik siya sa kasalukuyan ng tinawag siya ni Gideon.

"Bakit?" ani nito mukhang natulala na lang siya.

"Salamat po. I need to go now for my next class," paalam nito sa kanya at napatango na lang ito at hinayaang umalis si Gideon.

Napabutong hininga na lang siya at napatingin sa langit.

"Nasaan kana kaya?" munting bulong nito sa hangin.

The Guy Who Fell In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon