Chapter Twenty Five

204 9 1
                                    

Keil's POV

 

Sa sobrang naguguluhan ako, naisipan ko ng mag bigti. Kumuha ako ng lubid at upuan at dinala kwarto ko. Katapusan ko na 'to—WAIT. Baka iniisip niyo joke lang to ah? Pwes, para sa inyong kaalaman joke nga lang to. Sakit kasi e. Nagawa ko pang mag joke e no?

Umakyat na ko sa kwarto ko at nag shower dahil nabasa ako kanina, pag naaalala ko yung muka ni Elisz nasasaktan ako, Pag naaalala ko yung muka nung lalaki doon kanina, kumukulo ang dugo. Sino ba yung hinayupak na yun? Nakakainis talagaaaaaaa! Gusto kong sapokin siya kanina kaso nandun si Elisz kaya hindi ko magawa. Psh! Muka naming bading. Nakakainis talaga.

"Sobrang naguguluhan na ko." Sabi ko habang nakahiga na ko sa kama at nakatingin sa kisame.

"Don't be." Biglang sulpot ni Elisz at nginitian niya ko. Teka—pumikit ako at dumilat ulit. Imagination ko lang pala. Hayst. Naalala ko na naman yung nangyari kanina kung bakit ako hindi nakapunta.

Flashback:

 

Akalain mo nga naman, nakahighest pa si Maldita. Haha, galing ko talaga mag turo. Haha, sumakay ako sa sasakyan ko. Dumaan ako sa isang boutique na puro stuff toys. Blue magic ang pangalan ng store. Binilhan ko siya ng teddy bear, kulay brown. Galit sa pink kasi yun e. Kung may black lang na teddy bear edi sana binilhan ko siya. Hilig nun sa black e. Jejemon ata yun e. Mga jejemon laging nakaitim e. Haha! Mga gangstah. Ay teka! Gangster nga pala si Maldita. Pero hindi siya yung gangster na may malaking tshirt na short. HAHA. Teka ano bang pinagsasabi ko dito?

Lumabas na ako sa blue magic na store at nag punta ko sa flower shop. Gusto kaya nun ng flower? Ay wait. May naisip ako. HAHAHA! Bumili ako ng bulaklak at pinakagay sa vase. Siguro mga sampung vase yon. Tapos pinadeliver ko na sa bahay. Hay nako. Sabi ko 15 lang. 30 minutes na kong late.

Pagkadeliver sa bahay pinalagay ko sa kwarto ko, tapos dumiretso na ko sa school. Nakita ko siyang nakaupo doon. Nakakunot ang noo syempre. Kinuha ko na yung teddy bear at bigla namang nag ring ang phone ko. Sinagot ko agad ng makita kong si Ainah ang tumatawag. "Hello?"

"Si Mr. Sean po ba ito?" sagot ng babae. Kinabahan agad ako at napahigpit ang hawak ko sa plastic bag ng teddy bear.

"Y-yes. Why?"

"Sir, P.A. po ako ni Ms. Ainah! Please pumunta kayo agad dito sa office niya. Hinimatay po kasi siya, then tinatawag niya ang pangalan niyo—" binaba ko agad ang phone at sumakay. Tinignan ko muna si Elisz bago ko umalis. Im sorry.  Ainah needs me.

**

"Ainah! Ainah!" natataranta kong pasok sa company nila Ainah. Pag pasok ko sa office niya nakita ko siyang nakahandusay sa sahig at pinapaypayan ng secretary or P.A niya.  Kinarga ko siya at dinala agad sa hospital.

Love At First FightWhere stories live. Discover now