Chapter Twenty

229 10 1
                                    

Keil's POV

Kinabukasan, pag gising niya ayos na ang pakiramdam niya. Paano ko nalaman? 

"DRIVEEEEEEER! ASAN NA ALMUSAL KOOOOOOO?" 

O diba? -___-

"Handa na! Bumaba ka na!" sigaw ko mula sa kainan, umiinom ako ng kape ngayon.

Pag baba niya bigla niya kong binatukan, "Para saan yon?!" sigaw ko.

"Sinisigawan mo ko e!" sabi niya.

"Anong gusto mo bumulong ako e nasa taas ka!" sabi ko.

"Mag kalapit na tayo ngayon sinisigawan mo pa rin ako, pag sinapok na talaga kita!" sabi niya sa akin.

"Kumain ka na nga lang, may pupuntahan tayo!" sabi ko sabay tayo at punta sa cr ng kwarto ko at naligo na..

***

"Andito na tayo, baba na.." sabi ko at bumaba na.

"B-bakit tayo nandito?" nagtataka yung muka niya. Nasa loob pa rin siya ng sasakyan at pinto lang ang nakabukas. 

"Kasi mag sisimba tayo." sabi ko sakanya.

"Ayoko.. mag mall na lang tayo d-driver." sabi niya at isasara dapat ang pinto pero hinatak ko pabukas yon.

"Bakit ba ayaw mo?" sabi ko sakanya.

"Kasi yung huli kaming nag sama ni mommy dito kami nag punta, tapos kinabukasan umalis na siya. Si kuya naman nag simba din kami tapos kinabukasan, lumayas siya.. natatakot ako. Baka bukas.." tinignan niya ko sa mukha, "Iwan mo din ako." 

Hindi ko nakikita sakanya yung Eliszha na maldita ngayon, para siyang bata na takot na takot na maiwan. Yumuko ako sakanya at inilahad yung kamay ko, "Promise. Hindi kita iiwan." sabi ko sakanya. Bigla siyang ngumiti at kinuha ang kamay ko, pumasok na kami sa loob ng simbahan, nang magkahawak ang kamay.

"In the name of the Father, and of the Son, and of the Holy Spirit.." sabi ni father, tinignan ko si Eliszha, nag sign of the cross siya at pumikit.. Napangiti na lang ako.

Love At First FightWhere stories live. Discover now