Chapter Nine

219 8 0
                                    

Elisz' POV

"Cut?! Director ka ba?!" sigaw ko sakanya.

"Hindi. Diba sabi mo ako ang bida? At gusto ko ako ang kakissing scene ng girlfriend ko." sabi niya sabay kindat. Kinilig naman yung mga tao dito.

"Kabisado ko line ko direc." Sabi niya at tumakbo na stage. 

"Hindi naman ako nainform na hanggang dito kailangan natin mag pretend." sabi ko ng pabulong at nakangiti ng sweet sabay tapik sakanya pero malakas.

"Kahit naman masama ugali mo, hindi naman kita iiwan sa ere." sabi niya ng pabulong rin sabay ngiti din ng sobrang sweet na pilit na pilit. tapos bigla nya kong kiniss siya cheeks.

"Pangit ng muka mo." sabi ko pero pabulong lang..

"Pangit ng ugali mo." sabi netong Keil na to.

"Okay, let's start!" sabi ni Direc at nag start na nga kami.

***

"Oo mahal kita! Pero anong magagawa ko?! Kahit naman araw araw kong sinasabi yan sayo may nangyayari ba?! Wala naman diba?! Siya pa rin yung mahal mo! Oo Ken, masakit! Sobrang sakit! Kasi kahit nag mumukang tanga na ko kakahabol sayo hindi mo naman masuklian tong nararamdaman ko e! Hindi ako naniniwalang kaya mo akong mahalin. Pero alam mo kung ano yung pinaniniwalaan ko? Na kaya kong hindi ka na rin mahalin!" sabi ko habang umiiyak tapos tumalikod na ako. "Makakalimutan din kita. Tiwala lang." sabi ko at tuluyan ng naglakad palayo, I mean papuntang back stage. Sinilip ko si Keil habang umaacting.

Pag ka alis ko, lumuha siya. Magaling din pala to umarte! Nag lights off na at pag kalights on nandun si Keil, nakaupo at tulala. Ang background nun ay nasa park siya. Biglang may lumapit sakanya, si Monique. Ang pangalan niya sa Play ay Stephanie. Siya yung mahal ni Keil dito. 

"May problema ba babe?" steph.

"Epal." bulong ko. Napatingin dito si Monique or steph.

Bigla nyang kiniss si Keil sa pisngi. "Ay puta." I mouthed. 

"TEKA! WALA SA SCRIPT NA IKIKISS NIYA YUNG BOYFRIEND KO! IMPAKTA KA TALAGA MONIQUE! NANANADYA KA E NO!" Sigaw ko mula sa backstage at nagsimula na akong punasan ang muka ni Keil ng sunod sunod! Pero ang totoo sampal na yun! Grrr!

Love At First FightWhere stories live. Discover now