Chapter Fourteen

242 8 2
                                    

Keil's POV


Weeks na ang nakalipas at pasukan na naman nila maldita, kaya eto ako aliga-gang aligaga sa paghanda ng pagkain niya, shit! Gigisingin ko pa pala yon. First day ng second sem nila ngayon!

Pinatay ko na agad ang kalan at umakyat na ko sa taas. "Eliszha, wake up!" sabi ko at tinapik ang muka niya, hinampas niya yung kamay ko at nakapikit siyang dumiretso sa cr. . . 

***

"Gagabihin ako ng uwi mamaya. Wag mo na kong hintayin." Sabi niya at bumaba na ng sasakyan. Hinabol ko naman siya.

"At saan ka pupunta?" sabi ko.

"Basta! Itetext na lang kita kung saan mo ko pupuntahan!" sabi niya at umalis na -_____- Fine. 

Nakita kong habang naglalakad siya nag aalisan ang mga tao. Takot talaga sakanya ang mga tao no? -.-

"Hi, Keil." pagtingin ko sa tumawag sakin. . . 

"Hi, Ainah." sabi ko sabay ngiti.

"Hm, may gagawin ka ba ngayon?" sabi niya sakin.

"Wala naman, why?" sabi ko.

"Samahan mo ko sa mall? Namiss na kasi kitang kasama eh." sabi niya. Diba dapat kinikilig ako? Bakit walang spark?

"Haha, okay. Come on." sabi ko.

Elisz' POV

Tic tac tic tac tic tac


Yan lang ang madidinig mo sa classroom dahil lahat sila busy sa pagsasagot ng quiz. At ako naman busy sa pagtuktok ng ballpen sa ulo ko. Haay! Nakakatamad! Dahil bored na bored na ko, ayun.. hinalungkat ko ang bag ko. . may nakita akong isang lunch box, kinuha ko na lang, malamang si driver nag lagay neto e, binuksan ko. Limang ham and cheese roll sandwich, mukang masarap kaya nilantakan ko na.

Nasa kalagitnaan ako ng pag kain ng. . "Uhm, Miss Franshae if you don't mind. . you can eat outside." sabi ng prof namin, tinigil ko ang pag nguya ko tinitigan ko lang siya sabay binagsak ko yung hawak kong sandwich sa baunan, sabay roll ng mata ko at binagsak na ang likod ko sa sandalan.

Love At First FightWhere stories live. Discover now