Chapter Thirty

185 5 0
                                    

Elisz' POV

Kitang kita ang galit sa mata ni Julie. Well hindi ko siya masisisi. Truth hurts. Yung akmang susugod na siya bigla ko siyang tinakbuhan kaya nasubsob siya at tumungo ako sa lalagyanan ng baseball bat at kumuha ng mabilis tsaka ito inihampas sakanya. Bumagsak siya sa sahig. Halata sa mukha niya na masakit iyon, oh well it's surely hurts. Tinitigan ko siya mata sa mata. Habang papalapit ako sakanya, bago pa siya makatayo tinadyakan ko na siya at iniangat ang buhok niya.

Unti unting nag iiba ang itsura niya para sakin, nagiging si Ainah siya. Si Ainah na mang aagaw. Si Anah na epal. sinampal ko siya, hindi lang isa. Hindi dalawa. At mas lalong hindi tatlo. Hindi ko na mabilang kung ilang sampal ang naibigay ko sakanya, basta ang alam ko, may dugo na siya sa labi at sobrang pula na ng pisngi. Binigyan ko siya ng isang suntok sa tiyan tsaka ko siya hinawakan sa pisingi.

Kinuha ko ang baseball bat at ihahamapas na sana sa ulo niya ng biglang may sumagi sa isip ko. Mahal ni Keil si Ainah. Ayaw niyang nasasaktan si Ainah. Kung nandito ba ngayon si Keil pipigilan niya ko sa ginagawa ko? Syempre oo. Mahal niya si Ainah. Mahal na mahal niya si Ainah.

Hindi ko namalayan na pumatak na pala ang luha ko. Nanghihina ang tuhod ko. Nakaramdam na lang ako ng kamay na humila ng buhok ko at kinaladkad ako. Julie. Dinala niya ako sa hagdan. At alam ko na ang balak niyang gawin. Kaya bago pa mangyari yun pumikit ako para iready ang sarili ko sa pagtulak ko kay Julie, kaso ang wrong move lang. Pag pikit ko nakita kong naglalakad si Keil at Ainah. Magkahawak kamay.

Next thing I knew, namamanhid na ang katawan ko dahil sa pagkakahulog sa hagdan. Kaya kong bumangon. Kaya ko siyang talunin kaso huli na, nakaramdam na ko ng mga humawak sa akin. At isang malakas na sampal para mamula ang magaganda kong pisngi. Tsk.

"Para yan sa pamamahiya mo sakin!" *slaps* "Para naman yan sa pagsira mo sa pagkatao ko!" *slaps* "Para yan sa lagi mong magkapanalo! At ito?! Ito ang ganti ko!" Julie.

Nakaramdam ako ng matulis na bagay na tumusok sa tiyan ko, naramdaman ko ang unti unting pag agos ng dugo. Naramdaman ko ang pagod. Naramdaman ko ang sakit. Sa katawan at sa puso. Naramdaman ko ang antok. Unti unting pumatak ang luha ko. Kasabay ng unti unting pag pikit ng mga mata ko.


Keil's POV

Papunta ako sa Hospital na sinabi ni Shayan kung nasaan ngayon si Eliszha. Lord wag si Eliszha, lahat po igigive up ko. Hinding hindi ko nap o kakausapin si Ainah. Magpapakasal ako kay Kai Davis, wag niyo lang siyang kunin sakin. Ngayon ko lang ipaparamdam sakanya kung gaano ko siya kamahal wag mo naman po siya kukunin sakin. Hindi ko po kaya. Hindi ko po kakayanin. Mahal ko po siya. Mahal na mahal. Pakiusap.


Pagkarating ko sa hospital, "Si Elisz?"


"Nasa O.R pa." sabi ni Shay na parang zombie na wala sa sarili, may pasa siya sa mukha.

"Yo, Shay. Kain muna. Kailangan mong mag pahinga." Sabi nung isang lalaki na hindi pinansin ni Shay. At may kasunod pang dalawang lalaki. Eto yung kasama ni Elisz sa gang nila diba? Bakit lahat sila may pasa?

"Chase, pare ako na lang kakain niyan." Sagot nung isang lalaki. Siya si Ryder. Nilapitan naman ako ng isang lalaki, Si Brayden. Ito yung may gusto kay Elisz eh. Tsk. Halata naming may gusto siya kay Eliszha.

"Si Julie. Ang Ju's. Sila ang dahilan kung bakit nangyari to." Pagsisimula niya nung medyo makalayo kami. "Sumugod sila ng hindi naming alam. Kahit hindi namin alam, alam ko at alam naming mga Esz na kaya namin silang patumbahin. Pero nyeta! Ang dami nila. 50 sila, at 30 lang kami nung mga sandaling yun. Pero alam kong kaya pa rin naming pumalag. Alam kong kayang talunin ni Eliszha si Julie. Pero, hindi ko alam kung paano o ano bang dahilan bakit nangyari yun. Ang alam ko lang may mali kay Eliszha. Kahit sampu pa ang kalaban nya kahit isa lang siya I know kaya niyang patumbahin yun but what the hell?! Anong nangyari? Bakit—ugh! Ewan ko!" Sabi niya at sinabunutan ang sarili.



Love At First FightWhere stories live. Discover now