Chapter Eleven

213 7 0
                                    

Elisz' POV

"Hi, ex." bati sakin ng hindi ko kilala. Baka ex ko to.

"Hi Pontio." sabi ko. Eh sa hindi ko kilala e,

"I'm not Pontio."

"Ohhh, so you're Pilato?"

"Of course not!" 

"Hudas?! Ikaw ba yan!? Omg! Ikaw nga!" sabi ko sakanya. 

"Im not HUDAS! Hello!" sabi na niya. Eh sino ba to?!

"Barabas?! Teklas?!" sabi ko.

"Don't you remember me?" sabi niya.

"Te tanga lang? Obvious naman diba! Manghuhula ba ko kung kilala kita?" sabi ko.

"Ikaw pa rin talaga ang Elisz na nakilala ko." sabi niya. 

Ano ba pinagsasabi nito? Kasalukuyan akong nasa cofee shop para mag kape syempre. At si driver ay umoorder ng order syempre. Duh! Tapos biglang susulpot si Demonyito Jr. At sasabihin na ako si Elisz na kilala niya? Pwe. Hindi ko siya kilala.

"Really?" sabi ko.

"Yes!" sabi niya.

"Really?! As in Really?!" sabi ko.

"Yes! Yes! and Yes!"

"Wow.." sabi ko, at nag pause saglit at pinalitan ko ng poker face yung kunwaring naamaze kong muka, "Napunta ata sa kili-kili mo yung pake ko. Taas mo nga." sabi ko at itinaas ang braso niya.

"Uy! Basa ah. Ano gamit mo?" tanong ko.

"Rexona!" sabi niya.

"Weh?!" tanong ko.

Love At First FightWhere stories live. Discover now