Wakas

1.1K 42 35
                                    


Wakas


If I hadn't just failed to give Kate the gift that he ever wanted, I'm pretty sure that he would be the happiest person tomorrow. Especially it's his birthday.

Magta-tatlong linggo na rin akong halos hindi makatulog sa pagbabantay kay Kate. Noong nakaraang linggo pa rin dapat ang huling araw ko sa pananatili dito sa Hospital, pero dahil sa pag-aalala ko sa kan'ya ay hindi ko siya magawang iwan mag-isa.

Lumalala na ang kalagayan ni Kate. Swerte pa na makakasama pa namin siya sa kaarawan niya.

He's really fighting like what he said.

Isa-isang pumapatak ang aking mga luha habang pinupunasan si Kate na mahimbing na natutulog. Madalas siyang matulog kapag may nararamdaman siyang masakit sa kan'yang katawan. Iniiwasan na niyang magalit dahil alam niyang mas lalo siyang manghihina kung idadaan niyang lahat sa galit ang nararamdaman niya.

He's saving his energy now for all of us.

Nasasaktan ako sa tuwing nakikita kong nahihirapan si Kate. Hindi ko inaasahan na ganito pala kahirap makakita ng taong alam mong hindi na magtatagal, lalo na kung importante ito sa'yo. Sooner or later magiging ganap na Doctor na talaga ako, and I'm going to witness this kind of situation every single day.

Natatakot ako.

“Ate...”

Dali-dali akong nagpahid ng aking mga luha bago ko nilingon si Nicolo. Kanina ko pa siya kasama dito, wala siyang pasok kaya nag-volunteer siyang samahan muna ako. Pinabili ko lang siya saglit ng lunch namin sa labas, siguro ay kababalik lang niya.

Si Lola naman ay nandoon muna pansamantala sa anak niya na nag-iisang kapatid ni Mama. Natatakot kasi ako na baka pati siya maapektuhan sa mga nangyayari sa akin.

“Kanina ka pa?” tanong ko, tinatago ang lungkot na nararamdaman ko.

Matalino si Nicolo, kahit magkunwari ako alam niya deep inside na unti-unti nang nadudurog ang puso ko. Pero at least, nakikita niyang lumalaban din ako.

“Hindi. Kadarating ko lang.” Umiling siya. “Nagugutom ka na ba?” dagdag tanong niya.

Tumango ako kahit hindi pa talaga ako nakakaramdam ng kahit konting gutom. Noong nakaraang linggo ko pa pinipilit ang sarili kong kumain. Kahit anong gawin ko nawawalan na ako ng gana sa lahat, maging sa pagtulog pinipilit ko na lang din.

“Tara, kain na tayo?” anyaya ni Nicolo at pinakita sa akin ang dala-dala niyang lunch namin.

“Tara.” I forced a smile.

Bago ako sumunod kay Nicolo, muli ko munang ibinalik ang aking tingin kay Kate. Mahimbing pa rin siyang natutulog.

Nilapitan ko siya at binaba ang face towel sa side table ng kama niya. I didn't take my eyes away from him before I gently kissed him on the forehead.

He's warm.

“Keep fighting, my love...” I whispered after I kissed him.

Pagkatapos no'n sinundan ko na si Nicolo para kumain. Pagkagising na lang ni Kate ko siya pakakainin.

I prepare a little birthday party celebration for Kate tomorrow. Gusto kong maramdaman niya ang kaarawan niya kahit nasa Hospital siya. Hindi naman masama 'yon, hindi ba?

“Kumusta na si Kate?” mahinang tanong ni Jake sa tabi ko.

Pareho kaming busy sa pag-aayos para sa party bukas, samantalang si Kate ay mahimbing pa rin ang tulog. Mabuti na lang nandito si Jake at Nicolo para tulungan ako. Mahirap din kasing abalahin si Jaime at Leanne dahil pareho silang may trabaho.

✔ || His Selfless Wish (Short Story)Where stories live. Discover now