Chapter 3

557 15 1
                                    


Chapter 3


Minsan na bang pumasok sa isip niyo na baka may nagawa kayong masama noong first life niyo? Pakiramdam ko kasi ngayon ako nagbabayad ng lahat nang kasalanan ko.

Pagkatapos kong matanggap bilang intern para lang pala sa isang pasyente, which never crossed my mind. And now? They requested me to stay here in the Hospital for a month to keep a close eye on him.

Ayoko nga na mag-abroad dahil ayaw kong iwan si Lola at Nicolo, tapos super special pala nitong trabaho ko.

But, what can I do? Call of duty. I have nothing else to do.

“Sure na ba 'yan, Ate? Kelan ka makakauwi? Next month na talaga?”

“Ito naman parang pupunta ng malayo ang Ate mo. Isang sakay lang ng taxi, Nico. Gusto mo samahan pa kita?” Binatukan ni Lola si Nicolo na tinawanan ko lang.

Napakamot na lang si Nicolo sa ulo at nagpipigil na tumawa. Kalokohan talaga nitong batang 'to. Tsk.

“Oo nga, ito masyadong OA. Uuwi na lang siguro ako kapag weekends, kung wala akong gagawin. Saglit lang naman ang biyahe, huwag lang traffic,” ani ko habang nag-aayos ng mga gamit na dadalhin ko bukas.

It's Sunday, day off ko bago ako tuluyang makulong sa Hospital. Hindi naman mahirap ang trabaho ko, halos wala na nga akong ginagawa. Sadyang mahirap lang talaga alagaan si Kate.

Hanggang ngayon mailap pa rin siya sa akin. Hindi na siya madalas sumigaw, pero nandoon pa rin ang pagiging distant niya sa mga tao. Umaasa pa rin talaga ako na darating ang araw na magbabago ang ihip ng hangin para sa kan'ya. Magiging malakas din siya at lalaban para sa buhay niya.

“Bibisita na lang din kami paminsan-minsan doon. Marami naman akong time,” ani pa ni Lola habang tinutulungan naman ako sa pagtutupi.

“Iyan ang huwag mong gagawin, Lola.” Nag-angat ako ng tingin at kinuha ang hawak niyang damit. “Maraming may sakit doon. Matanda na po kayo, mahirap na baka magkasakit kayo. Doon na lang po kayo sa mahjong-an, maigi pa.”

“Aba't tinotolerate mo na ngayon si Lola? Binigyan ka rin ba ng allowance?” Nang-aasar niya akong nginitian. “Ikaw, Ate, ah.”

I glared at him. “Ako pa talaga? Sino sa atin ang pinapalayas ng maaga si Lola kasi may 2k? Hindi talaga kita pasasalubungan pagbalik ko. Hmp.” I rolled my eyes.

I heard him laugh. “Huwag na lang, besh! Baka hospital food na walang lasa pa ang iuwi mo. Yuck!”

My jaw dropped. “What? Anong tingin mo sa'kin, mababang uri ng tao? I can buy anything you want, pero dahil wala kang galang sa Ate mo, ihi ng pasyente ko ang ibibigay ko sa'yo. Balak pa naman sana kita bigyan ng bagong phone, iPhone 13, I guess?” Tumingala ako at nag-kunwaring nag-iisip habang ang mata ko ay naiwan kay Nicolo.

Napangiti ako nang mabilis na nagbago ang ekspresyon niya. Lumapit pa siya sa akin sabay pulupot ng kan'yang braso sa braso ko. He even lean his head on my shoulder.

“I love you, Ate. Mahal na mahal ka namin ni Lola. Mahal ka rin ng crush mo, 'di ba, Lola?”

Natatawa akong tumingin kay Lola. Natatawa na lang din siya sa ginagawang kabadingan ni Nicolo.

“Bading ka ba?” I teased him.

Kaagad siyang bumitaw sa pagkakayakap sa akin at matalim akong tiningnan. “Gusto mo magkapamangkin? Bukas agad. Basta, may iPhone 13 ako.”

Nagtawanan na lang kaming tatlo sa kabaliwan ni Nicolo. Never kong hiniling na mawalan kami agad ng mga magulang, pero ang makita si Lola at Nicolo na masaya kahit hindi kami kumpleto, parang wala namang nagbago. Hindi nga namin sila nakikita at nahahawakan, sigurado naman akong nandito lang sila. They're always here in my heart.

✔ || His Selfless Wish (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon