Chapter 5

541 16 2
                                    


Chapter 5


Naiinis ako sa sarili ko. Pakiramdam ko kasalanan ko kung bakit nangyari itong lahat kay Nicolo. Siguro na-pressure siya sa akin sa tuwing pinagsasabihan ko siya.

Hindi naman problema sa akin kung hindi siya maka-graduate on time, basta healthy siya at alam kong masaya siya sa ginagawa niya.

I'm still proud of him.

I immediately texted Nicolo when I realized that I didn't said anything about his failed subject. Habang magkayakap kasi kami kanina, nakalimutan niyang may klase pa pala siya kaya nagmadali na rin siyang umalis. Baka isipin niyang masama ang loob ko sa kan'ya kung hindi ko i-o-open up 'yon.

To: Architect
Gawa mo? Text me back kung hindi ka busy :)

We used to annoy each other, kahit hanggang text o tawag hindi pumapalya. Ngayon lang siguro ako magiging seryoso. Change is constant, so it's not bad if I will treat him nicely for the first time.

“Boyfriend mo?”

Nag-angat ako ng tingin sa tanong ni Kate. Hindi na kasi mawala ang mga mata ko sa screen ng aking cellphone matapos kong mag-text kay Nicolo thirty minutes ago. Akala siguro niya may boyfriend ako kakahintay ko sa reply ng magaling kong kapatid.

“Hmmm?” I just hummed to asked him back and show him my cellphone.

“Hindi. The one you're talking to at the hallway.” Tumingin siya saglit sa may pinto bago binalik ang tingin sa akin. “I saw you yesterday with a kid,” dagdag pa niya.

Napa-ow ako bago binaba ang cellphone ko sa aking kama. “You saw me yesterday but you just open up today? May sakit --- ops. I didn't mean to offend you. Nasanay lang kasi ako na inaasar mo ako palagi. Sorry.”

Shocks! Ang sama talaga ng bibig mo minsan, Nicole. Sana naging pusa na lang ako, para ‘meow’ lang ang kaya kong sabihin. Kainis!

Hindi ko naman masampal ang bibig ko sa harap niya kaya tinikom ko na lang iyon maigi at nag peace sign. Naiisip ko tuloy minsan kung tatanggapin pa ba ako sa langit sa sama ng bibig ko. Baka ayaw nila doon ng nagmumura. Paano na ako?

Tinawanan lang ako ni Kate na parang may nakakatawa sa sinabi ko. “You didn't mean it, but you're just being realistic. I'm quite aware that I'm sick and eventually dying. Kaya wala nang epekto sa'kin ang mga salitang 'yan.” Habang pinapakinggan siya hindi ko alam kung si Kate pa ba talaga itong kausap ko. He's not a ghost, right?

Kinikilabutan tuloy ako sa sarili kong kalokohan. Napayakap ako sa sarili ko at nanlalamig na nilibot ang aking paningin. I'm not dreaming either.

“Back to my question. Boyfriend mo ba 'yon?”

Bumalik din ang aking atensyon sa kan'ya pagkatapos niyang ulitin ang kan'yang tanong kanina. Bakit ba sobrang siyang interesado kay Nicolo? Sinabi na niyang kid tapos tatanungin niya pa ako kung boyfriend ko ba, hindi ba puwedeng kapatid muna? Tula magkamukha naman kami.

At sa anong tingin niya sa akin pumapatol sa bata? Well, actually, fives years lang naman ang age gap namin. Not bad. Charing!

“Hmm...” I hemmed. Tumingin ako sa malayo at nag-isip ng magandang isasagot. I won't give him a specific answer. Palagi niya akong iniinis, e.

Napangiti agad ako nang may naisip akong sagot. “Sabihin na lang natin na importante siya sa akin. He's more than just a boyfriend,” I answered him as I lay down my eyes on him.

I almost had a heart attack when I caught him looking at me again. Do I have dirt in my face? Kung makatingin kasi siya sa akin parang may ka-interes-interes sa pagmumukha ko. Hindi ko rin naman siya masisisi, sa ganda ko ba namang 'to.

✔ || His Selfless Wish (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon