Chapter 7

500 15 7
                                    


Chapter 7


Hindi na ako nagtagal sa bahay namin. Bumalik na lang ako sa Hospital kaysa magkagulo pa kaming magkapatid. Malayong maintindihan pa niya ako sa ngayon, pero sana dumating ang araw na 'yon bago pa maging huli ang lahat.

Iniwan ko muna si Kate sa kwarto. Pupunta muna ako ng Hospital cafeteria para makipagkita kay Jake. Hindi na kasi ako mapakali na sabihin sa kan'ya ang desisyon kong kumbinsihin si Kate na magpa-chemotherapy, baka sakali na matulungan niya ako.

Umupo ako doon sa madali niyang makikita. On the way na rin naman daw siya kaya hihintayin ko na lang siya dito.

Bumili rin muna ako ng kape para sa aming dalawa. Nakakahiya kasi inabala ko pa siya sa pag-aaral tapos kahit kape hindi ko 'man lang siya mabigyan.

Pagkabalik ko sa upuan, sakto namang pasok niya ng cafeteria. Kaagad ko siyang tinawag at niyaya sa ni-reserve kong upuan namin.

“Jake,” nakangiting bati ko nang makalapit na siya sa akin.

“Goodmorning, Dra.”

“Goodmorning din,” bati ko pabalik. “Upo ka.” Sinenyasan ko siyang maupo na sa upuan sa tapat ko sabay abot ng kape.

“Thank you.” He smiled.

Umupo na rin ako at maingat munang sumimsim ng kape. Mainit pa.

After I sipped at my coffee I took it down and bit my bottom lip. I raised my head and caught him staring at me. I locked my gaze on him.

Si Jake ang unang umiwas ng tingin at hindi mapalagay. Pakiwari ko ay naasiwa siya sa pagtitig ko sa kan'ya. Siguro sa sobrang ganda ko nahiya siya bigla sa akin.

“Ahm, Jake.” Hindi ko inalis ang tingin ko sa kan'ya. I'm seriously waiting for this moment. Gusto ko nang makitang mabuhay ng mas matagal si Kate.

Bumalik naman ang atensyon sa akin ni Jake dahilan para muli akong magsalita at sabihin ang totoong pakay ko sa kan'ya. Kailangan ko rin kasing magmadali lalo na at dapat sa mga oras na ito ay nag-aaral siya.

“I need your help...” I paused and looked at him intently. I'm hoping that he would help me to see his cousin fighting for his life again. “About Kate," I continued.

His brows knitted. “What is it? May nangyari ba kay Kate?” aniya na bakas ang pag-aalala sa kan'yang boses.

Umiling-iling ako. “Wala. Kate's fine... for now.” Bigla akong nalungkot nang naalala na unti-unti ko  na ring napapansin ang pagbabago kay Kate.

He's doing great pagdating sa pakikitungo niya sa amin, pero ang katawan niya... ayokong mag-isip ng hindi maganda pero kapansin-pansin na ang panghihina niya.

“What do you mean, Dra? Is there something I can do to help?”

I immediately nodded. “Yes.”

He raised a brow. “Ano 'yon? Baka kaya ko.”

I pressed my lips together before I told him my real intention to him. “I need you to help me convince Kate to do the chemotherapy. I know it's too late, but I want to take this risk to help him. You also want him to live longer, right?” Tiningnan ko siya sa mga mata, nagbabaka-sakali na matulungan niya ako.

Pansin ko ang marahan niyang pag-iling. “That's not gonna happen,” bulong niya bago tumingin sa akin sa mga mata. “I already done that, Dra. Ilang beses, pero kahit anong pagmamakaawa ko ayaw niya na talaga.”

“Sa tingin mo kung ako ang gagawa papayag kaya siya?” Mas lalo akong nag-alala. Parang pinanghinaan ako ng loob, pero hindi ko puwedeng ipakita dahil gusto kong maging malakas para kay Kate.

✔ || His Selfless Wish (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon