Chapter 9

622 16 8
                                    


Chapter 9


Nakaupo lang ako sa sofa habang nakikinig kay Kate na nakaupo lang sa kama niya. He had a break down yesterday because of what happened. Ayoko pa sanang pag-usapan ulit ito dahil baka makasama pa sa kan'ya, pero nag-insist siya.

Gusto niya raw ayusin ang sa amin kaya kahit halata pa ang panghihina sa katawan niya ay pinipilit pa rin niyang magkwento. Hinayaan ko na lang din kung iyon naman ang magpapalakas sa kan'ya.

“We're celebrating our first-year anniversary, three years ago, when she announced that we're having a baby. We're both happy, as usual, but it's the same day I found out that I'm sick. Stage two pa lang 'yon, pero dahil mahina at duwag nga ako, napabayaan ko ang sarili ko. Tinaboy ko ang lahat palayo sa'kin, especially her and our baby. I didn't want them suffer with me, that's why I chose to walk away and leave them behind. Masasaktan ko lang din naman sila kapag nawala ako, mas pinaaga ko lang ang nangyari.”

Wala akong maisip na maganda sa lahat ng paliwanag niya. Parang lahat ng 'yon nag-benifit lang para sa sarili niya. Mas lalo niyang pinalala at pinahirapan ang sitwasyon.

“The same goes when I chose for not doing chemotherapy. You have a reason to stay mad at me, go ahead. But I have something that I wanted to let you know. I'm walking away, yes, but not from my responsibilities. Tinutulungan ni Dad ang anak ko, without me showing up because why not? Mawawala rin naman ako... masasaktan ko lang siya.”

Mariin akong napapikit at patagong kinurot ang kamay ko. I promised to myself that I'm not going to cry. I'm still mad at him, ayokong isipin niya na dahil lang sa kwento niya mapapatawad ko na siya.

Nanatili akong nakayuko at iniiwasan na magkasalubong ang mga mata namin. Nicole, you're brave right? Don't give him any piece of sh*t.

I heard him sigh. “I'm sorry. I'm sorry for not telling you earlier about him. I didn't want to keep it from you either, it's just that, I'm afraid that you're going to freak out just like what happened.”

“I'm still gonna freak out...” I mumbled.

Hindi siguro siya aware na kahit ako marunong din magalit at masaktan. Pero ano pa nga ba ang magagawa ko, nag-e-exist na siya sa buhay niya bago ako dumating, kailangan ko na lang siguro tanggapin.

“I'm sorry.”

I let out a deep sigh and bit my lower lip, holding my tears up. I need to be stronger, na sa lahat ng narinig at maririnig ko pa lang kailangan kong maging handa.

Hindi ako sigurado kung ito na ba ang huli, pero at least alam ko sa sarili kong malakas na ako para harapin lahat ng iyon. Ayoko rin naman siyang sisihan kung bakit naging ganito ang sitwasyon, may sakit siya, hindi lang basta sakit na kapag uminom siya ng sandamakmak na gamot ay gagaling pa siya.

He's going to leave us... soon.

I looked up and meet his eyes, seemed to be waiting for me.

Humugot muna ako nang lakas ng loob na makapagsalita para hindi niya mahalatang nagbago ang isip ko. Kahit na kailan hindi magiging tama ang ginawa niya, pero dahil sa sitwasyon niya ay pagbibigyan ko siya. I forgive him, but I will not let it slide that easily.

“What's his name?” tanong ko na hindi nagpapatinag sa mga titig niya. Hindi muna ako bibigay ng ganoon lang, kailangan niyang matutunan na hindi lahat ng gusto niya ay madali niyang makukuha.

He needs to learn his lesson.

“W-what?” he asked, confused.

“Your son.”

Pansin ko ang gulat sa ekspresyon niya, na agad rin niyang binura sa pag-aakalang hindi ko iyon nakita. Don't me, Kate. Tsk.

“Hmm...” panimula niya na parang nagda-dalawang isip pa sa pagsasabi lang ng pangalan ng anak niya. Nasa anak pa lang ako nagbubuhol na agad ang dila niya, lalo na siguro kung 'yong ex pa niya ang tinanong ko.

✔ || His Selfless Wish (Short Story)Where stories live. Discover now