Chapter 8

529 15 6
                                    


Chapter 8


Ihahatid ko palabas ng Hospital si Jake. Bilang naabala ko naman siya tama lang siguro na mag-abala rin ako na ihatid siya. Nakakahiya na rin kasi sa kan'ya, nagkaroon pa ng misunderstanding sa kanilang dalawa ni Kate.

“Okay lang naman kung hindi mo na ako ihatid, baka kailangan ka ni Kate sa loob.”

Nagpaalam naman ako ng maayos kay Kate. Siguro naman may tiwala siya sa akin at sa pinsan niya. Magpapahinga rin daw naman siya kaya okay lang kung umalis ako saglit. Babalik din naman ako agad nahatid ko na si Jake.

“No, kahit ito lang magawa ko para mag-thank you. At saka may ipapakilala pala ako sa'yo.” Mabuti na lang naalala ko si Leanne at Jaime.

Nawala na rin kasi sa isip ko na ipakilala sila kay Jake hanggang sa umalis na lang siya kaya hindi ko na nagawa. Nandito na lang din naman siya, tutuparin ko na ang binitawan kong pangako sa dalawa.

“Sino?” usisang tanong ni Jake.

“Mga Nurse ni Kate sa umaga,” tipid ko na lang na sagot bago naunang nagtungo sa Nurse's station.

Malapad akong napangiti nang naabutan ko sila Leanne at Jaime sa station nila. Right timing.

“Hi!” masiglang bati ko sa kanila.

Sabay-sabay silang napatingin sa akin, na kahit ang ibang Nurse ay nakuha ko rin ang atensyon. Napalakas siguro ang boses ko. Sorry naman, na-carried away lang ako.

“Hi, Dra,” halos sabay na pagkakasabi ni Leanne at Jaime.

Nginitian ko sila bago nilingon si Jake. Nagulat ako nang makita na nasa tabi ko na pala siya. Hindi ko 'man lang naramdaman na nakasunod na rin pala siya sa akin.

“Hello,” nakangiting bati ni Jake kay na Jaime at Leanne, binalewala ako sa tabi niya.

Ganoon siya kasigurado na sila ang ipapakilala ko sa kan'ya?

Bumalik ang tingin ko sa dalawa nang makarinig ako ng mahinang pagtili. Natawa pa ako pagkatapos kong makita si Leanne na namumula na sa kilig. Bahagya pa siyang tumatago sa likod ni Jaime.

Nahihiya pa siya niyan?

“Nag-hello lang sa'yo, Leanne. Kilig na kilig ka naman,” ani Jaime na nagpipigil ng tawa sa kaibigan.

I turned to Jake when I heard him chuckled. Napangiti na lang din ako nang naabutang nag-e-enjoy siyang panoorin si Leanne na halos maging kamatis na sa sobrang pula.

Siniko ko si Jake dahilan para mapalingon siya sa akin. Hindi ko rin talaga masisisi si Leanne. Jake has his own appeal, same as Kate, my boyfriend.

Buti na lang pala hindi ako umabot sa punto na maging ganoon ako kay Leanne makita lang si Jake. Lalo na ngayon na medyo close na kaming dalawa. Hindi lang siguro ako magiging kulay kamatis, baka maging kulay talong na sa sobrang hiya.

Jake brow rise. “Yes?” Hindi pa rin nawawala ang ngiti sa mga labi niya.

“Iwan na lang kita dito? Babalikan ko pa kasi si Kate. Ikaw na pala bahala na magpakilala, mukhang 'yon naman ang mas gusto ni Leanne,” may halong panunuya kong sabi.

“Oy, hindi! Dra, naman. Walang laglagan dito.”

Natatawa kong nilingon si Leanne. Hindi na siya nagtatago sa likod ni Jaime, medyo humuhupa na rin ang pula sa kan'yang mukha.

“Sorry.” I giggled. “Sige na, dito na muna kayo. Babalik na ako sa room ni Kate. Enjoy, Leanne!” I smirked at her and turned to Jake. “Goodluck, Jake. Make your family proud.” I chuckled and tap his shoulder.

✔ || His Selfless Wish (Short Story)Where stories live. Discover now