Chapter 29

227 6 0
                                    

Para na kaming siraulo ni Kenneth dito sa bahay namin noon ni Maverick. Pagkatapos namin umalis sa coffe shop ay agad kami nagpunta rito.

"Kasalanan mo..." Mariin kong bintang sa kan'ya habang tinititigan siya nang masama.

Potaena, tatlong oras pa lang ang nakalipas simula ng umalis kami sa coffe shop may mga article na agad na nagawa.

Former model Sheena Salvador was spotted dating her ex-boyfriend Kenneth Del Rio one of the young millionaires.

Sino hindi maiinis kung pagkabukas mo ay ganan makikita mo kahit saan. Tapos wala pang question mark, ibig sabihin pinagkakalat nilang nakikipag-date ako sa ex-boyfriend ko?!

Nakalagay pa sa mga article iyong picture namin dalawa na sobrang lapit eh, tinatago lang naman ako ni Kenneth sa mga camera.

Ano nalang sasabihin ng asawa ko kapag nakita niya iyon? Punyetang media 'to, panira ng buhay eh.

Lahat nalang kailangan I-report? Dati naman nakakalabas ako walang nakakakita sa akin at kahit may makakita wala silang pakialam.

Unless— Gagi! Ba't ko nalimutan iyong bruhang ex-girlfriend ni Maverick na hindi pa rin tumitigul until now!

Gaga talaga ang babaeng iyon, ano pa nga ba aasahan ko, 'di ba? Nagawa niya nga magpagawa mg fake marriage certificate, nagawa niya rin magbayad sa ibang tao para ipagkalat kuno something nila ni Maverick na puro galing naman sa past nila ang picture.

"Not all is my fault, Sheena." Umirap siya gano'n din ako.

"Umuwi ka na nga!" Pagtatabuy ko sa kan'ya.

"Ba't kasi nandito ka mag-isa? Balita ko may baliw na ex-girlfriend asawa mo ah." Tumawa pa siya, inis kong kinuha ang unan sa sofa saka binata sa kan'ya na agad niya rin naman naiwasan.

"You know what, people will think it's weird. I mean, nakikipagkita pa rin ako sa ex ko, gano'n din sa'yo." Sabi niya, tumungo ako bilang pagsang-ayon sa sinabi niya.

"Pero seriously, Sheena. I'm happy for you," sabi niya at ngumiti.

"I never see you this before, I mean I know naging masaya ka sa akin but, iyong sayang nakikita ko ngayon sa'yo lalo na tuwing kasama mo ang asawa mo, iba. Pakiramdam ko nahanap mo na iyong kasiyahan na walang katapusan." Dagdag niya pa.

Hindi ako nakaimik dahil hindi ko ini-expect na iimik si Kenneth ng mga gantong bagay. He looks so grateful, iyong tipong parang sinasabi niya na kung hindi niya ako iniwan noon hindi niya ako makikitang ganto kasaya ngayon.

Ngumiti ako. "Thank you."

***

Kakauwi lang ni Kenneth at inabot na rin siya ng gabi dahil nag-usap pa kami nang mas maayos.

Bumuntong hininga ako saka binaba ang ipad na hawak ko. Ang dami agad kumalot na issue about sa dating kuno namin. Meron na rin iba't ibang network ang nag-message and email sa mga account ko, they want to have a interview with me.

Na-interview na ako noon, nakilala rin kasi agad ang pangalan ko sa modelling kung hindi nga lang ako na aksidente ay baka sa ibang bansa pa umabot pagiging model ko, kilala rin ang Mommy ko sa modeling industry kasi isang sikat na model si Mom noon.

Gaya ng dati, showbiz talaga ang gusto ko pasukin kaso nga lang ayaw ni Mom pero sa pag-mo-model pinayagan niya ako.

Muli ko nilingon ang ipad bago tuluyan iyon pinatay at kinuha ang cellphone ko.

Alam kong nag-aalala na sa akin si Maverick at mas lalong gugulo dahil sa mga article na nag-si-labasan.

Ano kaya nasa utak niya ngayon? Iniisip niya ba na totoo ang mga iyon? Gago naman niya kung naniwala siya roon eh alam niyang siya na ang mahal ko.

Mabilis ko idinial ang number niya, wala pang limang segundo tumutunog ay agad niyang sinagot.

"Wifey..." Agad akong  napangiti dahil sa tuno ng boses niya.

"Miss me?" Pang-aasar ko. Syempre alam ko na ang sagot doon, baka maverick iyan.

"Of course, I miss you so much..."

"Miss you too, kamusta na mga inaayos mo?" Tanong ko at nanatiling nakangiti pa rin.

"Everything is going well, Love. Naayos ko na rin ang need bayaran sa network ko, and to process na ang lahat-lahat." Sagot niya, tumungo-tungo naman ako.

Baliw lang, kala mo naman makikita niya akong tumungo.

"Nakita mo na iyong mga article?" Tanong ko, ewan ko. Hindi ako nakakaramdam ng kaba na kung nakita naman niya iyon, hindi ako natatakot.

Siguro dahil alam kong ako pa rin ang paniniwalaan niya kahit ano pa ang nakita niya.

"Yeah, and I know it's not true, I trust you, Love that's why hindi ako nag-panic sa mga nabasa ko but, you know me—"

"Nagselos ka?" Ngumisi ako, alam na alam ko na iyon, hindi siya seloso sa lahat pero pagdating talaga kay Kenneth ay iba. Well naiintindihan ko naman siya, syempre ex-boyfriend ko iyon, slash ex-fiance kaya hindi normal sa ibang tao iyon.

Kaya hindi ko masisi si maverick kung magselos siya besides may karapatan siyang magselos.

"Uwi kana please, uwi kana sa akin..."

Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko, nagmamakaawa talaga siya... Ang cute niya siguro ngayon, laking-laking tao tapos ganto umakto sa akin parang bata na baby na hindi mo maintindihan.

"Oo na, sunduin mo ako ngayon gabi. Nandito ako sa dati natin bahay, I will wait you outside."

"Okay, I love you, wait for me." Sabi niya saka pinatay ang tawag, napailing-iling nalang ako, mukhang atat yata sunduin ako at pinatay na agad ang tawag.

Tumayo na agad ako sa pagkakaupo sa kama saka kinuha ang mga gamit ko, iniwan ko lang ang mga damit at ibang gamit dahil naisip ko lang na kapag trip ko ulit maglayas may gamit na ako rito.

Hindi pahirap sa buhay nyeta.

Pagkatapos ko magligpit ay agad akong bumaba at lumabas ng bahay.

Mabilis ako natigilan sa paglalakad papunta sa pinaka gate nang makita roon na nakatayo si Avon na masamang nakatingin sa akin.

Nyeta, anong kailangan ng babaitang 'to? Tska, paano niya nalaman kung nasaan ako?

"Problema mo?" Salubong ko agad sa kan'ya, ano na naman kaya sasabihin nito sa akin? Iinsultuhin na naman niya kaya ako, dudumihan ang isip ko?!

"You! Fucki—"

"Hep!" Awat ko sa kan'ya, ayoko ma-stress. Jusmiyo, buntis ako tapos ma-stress pa ako dahil sa impakta na 'to?

"Bakit hindi ka nakinig? Wala kang kwenta, ba't hindi ka pa rin nakikipaghiwalay sa asawa ko!" Sigaw niya. Nanlilisik ang mata niya sa galit at sa bawat sigaw niya randam na randam kong galot talaga siya, hindi ko alam sa sarili ko parang nakaramdam ako ng takot.

Hindi para sa sarili ko, para sa anak ko...

"I'm his wife! I'm the real wife! I'm the real billionaire's w—"

"You're not the real one, I am!" Putol ko sa kan'ya, wala akong balak patulan siya pero hindi ko masikmura na pinipilit niyang siya ang totoong asawa, puro peke naman ang pinapakita niya sa amin.

"I'm the real billionaire's wife... Not you, just me... Ako lang! You're just nothing but the desperate ex-girlfriend!" Inis kong sigaw at malakas siyang sinampal.

Kitang-kita ko kung paano siya nagulat dahil sa ginawa ko, hinawakan niya ang pisnging sinampal ko at masama akong tinititigan.

Napaatras ako.

Mukhang gaganti siya kaya mabilis akong umatras pero bago pa ako magpatuloy sa pag-atras ay nakita kong malakas na sinipa ni maverick si avon sa tagiliran dahilan kung bakit natumba si avon at sumalampak ito sa lupa.

Mabilis lumipat ang mata ko kay maverick na seryosong nakatingin sa ex-girlfriend niyang nakasalampak ngayon sa lupa dahil sa ginawa niyang pag-sipa rito.

"Don't you dare, Avon. Isang-isa nalang, buti nalang may awa pa ako sa babaeng katulad mo..." Mariin niyang sabi bago tuluyan nilipat sa akin ang paningin niya at nilapitan ako. Hindi naman ako nakaimik at natulala nalang kay Avon na mukhang hindi pa rin nakaka-move on sa ginawang pag-sipa sa kan'ya.

Gaga kasi.

The Billionaire's Wife (Completed)Where stories live. Discover now