Chapter 24

179 5 0
                                    

Mabilis ako napabangon sa pagkakahiga saka dali-daling tumakbo papunta sa banyo ng kwarto namin.

Punyeta, nasusuka ka pero walang nalabas, anak huwag mo naman paglaruan si mommy.

Dalawang araw na ang lumipas simula nang huli kong makita si kia, maski si maverick at hindi ko pa rin nakikita. Tumawag nga ay hindi niya magawa basta nag-text lang siya sa akin last time na huwag muna raw ako magbubukas ng social media or television.

Tinanong ko kung bakit hindi sumagot, kahit gusto ko magbukas ng social media pinutol iyong wifi sa buong mansion, tinago iyong mga tv. Naeewan na ako gagi.

Hindi ko alam pero pakiramdam ko may tinatago sila sa akin kaya hindi nila ako pinapayagan. Naiinis na ako dahil sobrang boring na ng buhay ko rito.

Hindi naman ako makahingi nang tulong kay kia dahil nahihiya ako sa kan'ya, kahit hindi alam ni kia na alam ko na ang lahat ngayon nahihiya ako sa kan'ya.

Hinayaan niyang masaktan ang sarili niya para sa akin na bestfriend niya.

Hay buhay.

Pero no choice na talaga ako, na-cu-curious na ako sa nangyayari sa labas.

Pagkatapos ko sumuka ay naghilamos ako bago naglakad sa kapa saka kinuha ang cellphone ko at Idinial ang number ni kia.

Wala pang ilang minuto sumagot na agad siya.

"Hello, kia."

"Hi! Musta ka buntis?!" Ganado niyang tanong. Tuwang-tuwa palibahasa buntis na ako. Awit 'to ah.

"Okay lang, asan ka?" Tanong ko, kapag nasa apartment siya pupuntahan ko siya, siguro papasama ako bumisita sa dati namin bahay ni maverick. May mga gamit pa rin kasi ako roon kasi hindi sa advance naisip ko lang na once na mag-away kami at ayoko siya makita roon muna ako titira.

Atleast hindi ko talaga siya makikita. 'Di ba galing ko. Ako lang 'to.

"Kakatapos ko lang mag-ayos ng stock sa shop natin, si nina muna ang tumao roon tska si jun-jun, bakit? Nasa mall ako, may ipapabili ka ba?" Tanong niya.

"Wala, may update ka ba sa labas? Pinutulan ako ng wifi teh, tapos iyong load ko pang tawag lang." Pagsasabi ko ng totoo.

"Gago?! Naghirap kana?!""

"Tanga!"

Tumawa naman siya.
"Wala naman pero, ewan ko rin hindi naman ako chismosa pero, baka nasabi na sa'yo ng asawa mo." Sabi niya, kumunot naman ang noo ko.

Nasabi? Ang alin?

"Alin?" Taka kong tanong, anong sasabihin? Eh hindi nga ako tawagan ng magaling kong asawa.

"Hala gagi? Walang sinasabi sa'yo ang asawa mo?" Gulat niyang tanong, ampota.

Jusmiyo. "Wala, ano ba iyon?"

Sunod-sunod siyang nagmura kaya kumunot ang noo ko, nabingi na nga ako sa dami niyang mura.

"Gaga! Huwag mong sabihin may kabit si mave—"

"Ano?!" Gulat kong sigawz anong kabit?! Si maverick may kabit? Ano bang pinagsasabi nito.

Pakiramdam ko kakapusin ako nang hininga dahil sa sinabi niya, si maverick may kabit? Parang ang sakit naman atang isipin may kabit ang asawa ko.

Taena naman kasi.

"Oy gaga! Ano bang sinabi sa'yo ni maverick?! Jusko ka buntis!" Sigaw niya, hindi naman agad ako nakaimik. Ilang minuto pa ang lumipas saka lang ako umimik.

"Sabi niya... Huwag na huwag ako magbubukas ng social media at television..." Kabado kong sabi, ang bilis ng tibok ng puso ko.

Pakiramdam ko hihimatay ako dahil sa nararamdaman ko.

I can't imagine na si maverick... May kabit.

"Omygad ka! Gaga asan ka?! Taena buntis huwag ka na muna mag-overthink kinakabahan ako sa'yo! Gago susunduin kita sa inyo wait! Huwag kang matataranta!" Sigaw niya, iimik pa lang sana ako pero pinatay niya ang tawag.

Huwag ako matataranta? Ba't siya iyong matataranta sa amin dalawa.

Tumayo ako sa pagkakaupo sa kama saka naglakad-lakad sa loob ng kwarto habang dinadial ko ang number ni maverik pero nakailang ring na ako wala pa rin sumasagot.

"Tae—" hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil may kumatok sa pinto, bumukas iyon at sumalubong sa akin si manang.

"Iha, may nagpadala nito." Sabi niya sabay lakad palapit sa akin at abot ng brown envelope.

"Saan daw po galing?" Kunot noo kong tanong, wala naman akong alam na may magpapadala ng ganto ngayon ah, tska ang hinihintay ko iyong mga parcel ko hindi envelope.

Nyeta, stress na nga ako kay maverick dahil sa sinabi ni kia na hindi ko alam kung may katotoohanan ba tapos pag-iisipin pa ako kung kanino galing.

"Walang nakalagay, iha. Ang pulta mo, iha. Matulog ka na muna." Sabi ni manang bago lumabas sa kwarto.

Nang sumara na ang kwarto ay inilapag ko mula ang envelope sa kama saka muling sinubukan tawagan si maverick.

Nakailang tawag na ako wala pa rin sa inis ko ay si kia nalang ang tinawagan ko.

"Hoy gaga! Huwag kang iinom!" Sigaw niya narinig ko pang may kausap siya na pinabibilis nito ang maneho, grabe na 'to, akala niya ba sa akin baliw?

Buntis ako syempre hindi talaga ako mag-iinom saltik nito, tska nung sa unang pagbubuntis ako dami kong problema noon at stress na stress ako, hindi ko rin alam that time na buntis ako.

Tapos ngayon alam kong buntis ako mag-iinom ako dahil sa narinig ko na hindi naman sigurado, ayoko mag-overthink at isipin na baka tama ang sabi ni kia, tska hindi ko pa alam ang situation at kung ano ba talaga ang nangyayari.

Mas gugustohin ko pa hintayin explanation ni maverick kaysa magkanda baliw-baliw ako rito.

Atleast magiging safe pa baby namin kung hindi ko nalang iisipin ang bagay na iyon.

"Tanga, hindi ako iinom." Natatawa kong sabi, naglakad na ako pabalik sa kama saka tinitigan iyong envelope.

Kanino naman kaya galing 'to? Weird naman na may nagpapadala sa akin dito eh parang wala naman akong naalala na may dadating na ganto tska, first time ko makatanggap ng papel na ganto, madalas na papel ay bills ang dumadating.

"Nag-aalala lang naman ako, huwag muna patayin ang tawag malapit na ako." Sabi niya.

"Sige." Sagot ko, inilappag ko nalang ang cellphone sa kama at inis-speaker iyon. Kinuha ko ang envelope saka dahan-dahan binuksan iyon.

Certificate of marriage...

Mabilis kumunot ko sa una agad nabasa sa papel.

Tuluyan ko na nilabas ang papel sa envelope, halos lukot na lukot na ang noo ko dahil sa pagtataka.

Maverick Nathaniel C. Francia.

Avona T. Tumayo...

Witness my hand and steal of this court this.

The 17th of June, 2017...

Mabilis kumabog ang dibdib ko, pakiramdam ko kinakapos ako ng hininga dahil sa nabasa. May signature iyon ni maverick tska nung babae pati nung judge na nagpakasal sa kanila, at kung hindi ako nagkakamali sa usa ito... Sa usa sila kinasal...

2017... Sila kinasal at taong 2019 kami kinasal ni maverick...

Ibig sabihin sa amin dalawa, ako pa iyong kabit?

Gaguhan ba 'to?

The Billionaire's Wife (Completed)Where stories live. Discover now