Chapter 23

178 6 0
                                    

Kabado ako habang nasa living room ng apartment ni kia, mag-iisang linggo na pala akong buntis. Ito na iyong sign na hinihingi ko sa nakakataas.

Nung isang araw kasi kausap ko iyong sarili ko, sabi ko kung sa tingin ng ikinatataas handa na akong maging ina muli bigyan na ako ng sanggol at ito na nga iyon...

Makaka-baby na kami kaso kinakabahan ako, kakatawag lang ni maverick sa akin hindi raw siya makakauwi may problema raw sa company kailangan siya roon halata ko sa boses niya na pagod siya at maraming iniisip kaya hindi ko muna sinabi ang about sa baby.

Tanging kami lang ni kia ang may alam na buntis na ako, sinabi ko rin sa kan'ya na 'wag niyang ipagsabi. Madali naman siyang kausap.

Hindi ko alam kung kailan ko masasabi kay maverick ang about sa baby namin pero huwag muna siguro sa ngayon, marami siyang inaasikaso ayoko ng dumagdag pa sa isipin niya, hindi pa naman matagal si baby sa tiyan ko kaya hindi naman niya siguro mahahalata na buntis ako.

"Sheena, para kang natatae." Inis kong nilingon si kia, tumawa naman siya.

"Kalma kasi, huwag ka mag-isip masyado bawal ka raw ma-stress tapos dapat puro healthy food ang kinakain mo at hindi iyan." Sabi niya at binawi sa kamay ko ang isang garapon ng ice cream, mas sumama ang mukha ko.

"Kinakabahan lang kasi ako, kia, paano kung mapabaya—"

"Shh... Ikaw na rin ang nagsabi sa akin kanina, sa tingin mo handa kana maging mommy ulit," ngumiti siya sa akin. "Do your best para sa baby niyo, huwag mong isipin nang isipin ang bagay na iyon, iyong nangyari sa nakaraan walang may gusto noon, sheena. Ang isipin mo iyong gano'n, at alam ko iyong little angel mo happy iyon kasi may kapatid na siya."

Ngumiti ako sa kan'ya, kahit loka-loka kaming magkaibigan dumadating din naman sa punto na kailangan seryoso talaga kaming mag-usap.

"Kailan mo balak sabihin sa asawa mo?" Tanong niya, bumuntong hininga naman ako saka napahawak sa tiyan ko at hinaplos-haplos iyon.

"Hindi ko pa alam, halata a sa asawa kong stress na siya at maraming iniisip, marami siyang kailangan ayusin," sabi ko bago nilingon ang tiyan kong hinahaplos ko pa rin saka muling nag-angat nang tingin sa kan'ya.

"Siguro kapag okay na ang lahat, kapag wala na siyang masyadong problema." Dagdag ko, tumungo naman siya.

"Nagpaalam ka ba na rito ka matutulog?" Tanong niya, tumungo naman ako.

"Oo naman, no choice rin naman iyon kundi payagan ako wala naman kasi akong kasama sa mansion kundi mga katulong at guard kaya papayagan talaga ako."

"Buti nalang talaga hindi mahigpit iyang asawa mo, swerte mo na d'yan." Sabi niya, natawa naman ako.

Sobrang swerte ko talaga.

***

Kanina pa ako nakahiga pero hindi pa talaga ako tulog, nang maramdaman kong umalis sa kama si kia ay mas lalo lang akong nagising, lumabas kasi siya. Hindi ko alam kung bakit na-cu-curious tuloy ako.

Bumuntong hininga ako tska inis na tumayo, no choice ako dahil dakilang chismosa ako ay sumunod ako palabas.

Tahimik lang ako naglalakad palabas ng kwarto, nang makalabas ako ay agad kong nakita si kia na dala ang bag niya at lumabas na sa pinto.

Dali-dali naman akong sumunod, sinilip ko muna kung nasaan siya, agad ko naman siyang nakitang naglalakad sa sidewalk.

Marahan akong lumabas at sinarado ang pinto ng bahay ni kia. Buti nalang talaga laging nasa bulsa ko ang cellphone ko, eh iyong cellphone ko laging may pera sa likod kung maligaw man ako ayos lang may pamasahe ako pauwi.

The Billionaire's Wife (Completed)Where stories live. Discover now