Chapter 5

338 11 5
                                    

"Gutom kana ba, Ma'am?" Tanong sa  'kin ng personal assistant ni maverick umiling naman ako, pagabi na kasi at kakatapos lang ng live contract signing niya sa network kung saan siya magtratrabaho.

May pinag-uusapan lang siya nung manager kaya kanina pa kami ni ashley dito sa dressing room niya. "Matagal kana ba niyang P.A?" Tanong ko tumungo naman siya.

"Opo, simula nung maging model siya hanggang sa maging top model, and ngayon artista na siya." Sagot niya, tumungo-tungo naman ako. "Ilang taon kana nga?"

"25 years old po."

"27 years old lang ako, tigilan mo 'ko sa kaka-po sa'kin." Pagtataray ko tumawa naman siya, dahil nga kanina pa ako iniwan ng asawa kong magaling naging ka-close kona si Ashley madaldal din kasi.

"Bali 6 years 'no?" Tanong ko, tumungo naman siya.

"So kasama ka rin niya sa loob ng dalawang taon sa ibang bansa?" Tanong ko ulit, tumungo naman ulit siya. "Walang feelings?" Panloloko at pinaningkitan siya, tinawanan naman niya ako. "Oy ma'am wala! Kahit pogi si sir 'di ko type!" Parang nandidiri siya habang sinasabi 'yun, natawa naman ako.

Lukaret din babaitang 'to.

"Wala kang jowa 'di ba?" Malokong ngiti ang binigay ko sa kanya kaya sinamaan niya ako ng tingin.

"Wala nga."

"Reto kita sa pinsan ko." Pang-aasar ko at tumawa, syempre joke lang 'yun babaero pinsan ko.

Maya-maya lang ay dumating na si maverick, at ngayon kakapapasok pa lang ni maverick sa showbiz ay pumatok na agad sa mata ng tao, kanina pa kasi trending sa twitter si maverick. Malay ko ba, hindi naman ako madalas mag-twitter.

Nauna kami ni ashley sumakay sa white na van bago sumunod si maverick, para hindi kami makita ng tao mahirap na.

Hay buhay showbiz, buti nalang hindi natuloy ang pagiging modelo ko sure ako magiging magulo kahit modelling lang ang pinasok ko. Because ang media ay wala ng respeto, kahit masira na nila privacy ng tao makagawa lang ng report. Kailangan nila malaman how to respect the privacy of artist, hindi lang naman kasi sa television umiikot ang buhay nila.

Lalo na kapag nagka-fandom 'yung tapos, toxic fan pa sobrang gulo.

"Wifey, anong gusto mo kainin?" Tanong sa'kin ni maverick, bukas ay aalis ulit siya dahil may live interview siya sa umaga, may meeting siya sa mga director and producers para sa first project na gagawin niya.

Oh 'di ba, umuwi lang talaga ang asawa ko para sa mga meetings hindi para sa'kin.

"Kahit ano." Sagot ko, naeewan ako. Parang nakakatampo na wala na agad oras ang asawa ko para sa'kin, but anong magagawa ko? Need ko maging understanding dahil work niya 'yun, I need to respect his decision.

I'm his wife but, hindi ko hawak ang decision niya.

"Okay..." Sagot nito bago hinubad ang suot na jacket at inilagay sa harap ko, hinayaan ko nalang.

"Ashley, umorder ka sa limang restaurant na malapit lang sa mansion." Utos niya, kumunot naman ang noo ko. Siraulo ang gago, limang restaurant? Para saan?!

"Hoy! Ba't lima?" Gulat kong tanong, sino ba papakainin niya? Buong barangay?! "Wifey, sabi mo kahit ano. Saan ako bibili ng kahit ano. So I decided nalang na orderin na lang ang foods sa five restaurant na malapit lang sa mansion natin, para bahala kana mamili sa mga food ng kahit ano mo."

Eh gago ba 'to, gusto ko siya sipain palabas ng van! Para naman tae! Gago limang restaurant! Tapos lahat ng food orderin niya. Ha! Nakakasira ng ulo ang asawa ko.

Tita pwede niyo na talaga makuha ang anak niyo sa'kin, badtrip eh.

"Oh siya badtrip ka, chinese food nalang." Inis kong sabi, malaki naman siyang ngumiti sa'kin nag-iwas naman ako ng tingin. "What kind of Chinese food, wifey?"

"Pati ba naman 'yun ako pa rin?" Kamot ang pisngi kong tanong. "Dumplings, Kung pao chicken, sweet and sour pork, Ma Po tofu, Wonton, tska... Yangzhou fried rice, kumain kaba ng Chow mein?" Tanong ko sa kan'ya, nakangiti naman siyang tumungo sa'kin.

"Isa din no'n tapos, peking duck, 'wag na pala 'yun baka 'di natin maubos. Tapos... Steamed Vermicelli Rolls, tapos... Hala baka sobrang dami na." Bigla ako nahiya, kanina nagrereklamo ako tapos ngayon dami ko naman gusto.

"Nah, go on ano pa, it's okay wifey, wala akong pakialam kahit sobrang dami ng want mo iorder." he smiled at me. I smiled too.

"Tapos siguro, sa drinks kahit ano nalang. Sa dessert. Fried milk."

"That's it?" Tanong niya, sunod-sunod naman akong tumungo, bigla ako nagutom sa mga pagkain na sinabi ko. Hindi ko alam pero, favorite ko ang chinese food lalo na kapag hotpot, kaso malungkot kasi mag-hotpot mag-isa sa bahay kaya hindi ko magawa, si kia kasi busy din sa buhay niya.

***

Marahan ko minulat ang mata ko nang may tumapik sa'kin, shit sumakit ulo ko kanina pagkatapos namin kumain.

"Wifey, masama paba lasa mo?" Ewan ko re-react ko, alam ko naman concern lang ang asawa ko sa'kin pero, nagpapahinga 'yung tao tapos gigisingin mo para tanungin kung masama pa ba lasa mo? Pasalamat talaga siya nagbabagong buhay ako.

Kapag antok.

"Oo, okay na." Sagot ko at bumalik sa pagkakahiga at pumikit, inaantok pa kasi talaga ako, naparami kain ko tapos hilo ako maghapon sa sobrang init, puro upo lang ang ginawa ko kaya sumama lasa ko. Nalilimutan ko pa uminom ng water.

Puro kasi ako may lasa ba inumin ayan tuloy.

Naramdaman ko naman nahiga siya sa tabi ko, hinayaan ko naman siya, akmang handa na matulog ang kaluluwa ko ng yumakap siya sa bewang ko. Kaya kahit hindi ko idilat ang mata ko alam ko sa sarili kong gising ako.

Mas nagulat pa ako ng maramdaman ko ang baba niya sa leeg ko, ano bang ginagawa niya?

Hindi pa rin ako dumidilat ang hinahayaan lang siya sa ginagawa niya, maya-maya ay mas naging malikot pa siya, inikot niya ako paharap sa kan'ya at agad ko naman naramdaman ang dibdib niya, sumilip ako ng kaunti para makita ang ginagawa niya, inaayos niya ang pagkakahiga habang nakahiga na ako sa dibdib niya.

Iniyakap niya ulit ang dalawang braso sa'kin bago tuluyan mahiga at inayos ang kumot. Sa sobrang lapit ko sa kanya ay amoy na amoy ko siya.

Pumikit na ako at hinayaan siya, tutal antok pa rin naman talaga ako. Pero para akong siraulo na nabuhayan ng maramdamanko ang hininga niya sa leeg ko at mas lalo pa ako naguluhan ng patakan niya ako ng isang halik doon.

Siraulo ang gago, parang tae natutulog na eh, parang may kuryente na ewan. "Good night..." Malambing na bulong nito sa'kin at mas humigpit ang yakap niya bago tuluyan umayos ng higa.

Kahit naguguluhan ay pinilit ko nalang ang sarili ko matulog tutal, antukin naman talaga akong tao.

The Billionaire's Wife (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon