Chapter 22

175 7 0
                                    

Three weeks na simula ng lumabas iyong picture namin dalawa ni maverick thankful naman ako na naayos agad iyong issue, sa isang interview sinabi ni maverick na pinsan niya lang na babae iyon na nagpapaalam sa kan'ya mabuti nalang talaga naniwala ang mga tao kaya hindi na nagtagal ang focus sa issue na kumalat.

Kaso hindi maiiwasan na may mga basher na ayaw maniwala. Kaya nga may dummy account  dahil may basher na pala ako kalerki.

Anna Agustin: Panget naman iyan, tignan niyo ang liit. Kung hindi man totoong pinsan sya ni mav, panget naman siya.

Mabilis ako napairap sa nakita kong comment, iyong iba tumahimik na about sa issue pero meron pa rin nagpapakalat ng picture at doon nagsisillabasan iyong mga basher.

Agad akong nag-reply sa comment.

Sil Yi: Grabe ka naman, maybe pinsan naman talaga sila bakit ayaw mo paniwalaan iyong sinabi ni mav, pinsan sila nung girl and kung magpisan sila maganda iyan.

Humalakhak ako dahil sa comment ko. Self-support, self-protect. Gago, sheena.
"Sheena, paano kung hotdog ako, kakaibiganin mo pa rin ako?"

"Potaena ka, kia!" Inis kong sigaw, malakas naman siyang tumawa.

"Sowrey, masyado ka kasi seryoso." Tumatawa pa rin niyang sabi, inirapan ko lang siya.

Kapag naging hotdog siya syempre kakainin ko siya aba pagkain naman iyon hindi si kia.

"Marami akong iniisip ngayon." Sabi ko, kaya ko nga siya pinapunta ngayon dito parang mababaliw na ako kakaisip hindi ko naman makita si maverick ngayon dahil puro meeting siya at may pepermahan na contract sa mga product na magiging ambassador siya.

"Ano-ano naman aber? Iyong nakaraan na issue naayos na, 'di ba?" Tanong niya.

"Medyo oo, may mga basher pa rin na ma issue hindi naman maiiwasan iyon." Sagot ko. Kinuha ko naman iyong slice ng cheesecake na nasa harap namin saka sumubo.

Akmang susubo ulit ako nang makita ko ang mukha niya, lukog iyon habang tinititigan akong kumakain. "Bakit?" Taka kong tanong saka tinuloy ang pagsubo.

"Hindi ka kumakain ng cheesecake, sheena. Mahilig ka sa cheese pagdating sa pizza pero cheesecake hate na hate mo, sa atin dalawa akong mahilig sa cheesecake." Sabi niya, nagtaas naman ako ng kilay bago nilingon ang cheesecake na kinakain ko saka binalik ang tingin ko sa kan'ya.

"Ewan ko, kanina naghanap sikmura ko niyan kaya nagpabili ako." Pagsasabi ko ng totoo, mukhang nagulat naman siya sa sinabi ko kaya mas nagtaka lang ako dahil sa reaction ng mukha niya.

Parang laki ng problema niyang kumakain ako ng cheesecake ah.

"Lately ba nahihilo ka? Tinatamad tumayo? Gusto lagi nakahiga, or nagsusuka?" Tanong niya.

Hindi naman ako nahihilo masyado lately basta ang madalas ginawa ko sa loob ng tatlong linggo ay mahiga lang sa kama at kumain ng kung ano-anong pagkain basta ayoko tumayo, nagsusuka rin ako pero feeling ko kasi gawa iyon sa kung ano-anong kinakain ko.

"Oo, lately medyo nahihilo ako hindi naman gaano tapos tinatamad ako, nagsusuka rin ako pero madalas walang lumalabas madalas naman iyong kinakain ko lang." Sabi ko bago sumubo ulit.

Umawang naman ang bibig niya saka dali-daling tumayo sa pagkakaupo sa harap ko bago dali-daling lumipat sa tabi ko.

Mabilis niya ako hinawakan sa magkabilang braso habang halata pa rin sa mukha ang gulat, ako naman litong-lito na sa kan'ya.

Pota, problema ng babaitang 'to? Lakas ng topak ah.

"Kailan ka huling uminom ng alak?" Tanong niya ulit, this time mas seryoso ang mukha niya.

Sumubo muna ako bago sumagot. "Matagal na, three weeks ago na. Bakit? Tska hindi ako malakas sa alak teh alam mo iyan kaya hindi ako marami uminom." Sabi ko.

Tumungo naman siya saka binitawan ang pagkakahawak sa magkabilang braso ko, sumubo ulit ako ng slice ng cheesecake.

"Active ba sex niyo ni ma—"

"Hoy!" Sita ko, grabe pati ba naman iyon aalamin niya.

Masama niya naman akong tiniknan saka pinitik sa noo. "Ouch ha!"

"Sagutin mo nalang kasi!" Sigaw niya.

"Alin ba?!" Balik kong sigaw kaya pinitik na naman niya ako.

"Ewan ko sa'yong gaga ka, tandang-tanda mo na slow ka pa!" Sigaw niya, sinamaan ko naman siya nang tingin.

"Grabe ka!"

"Sagutin mo nalang kasi!" Sigaw na namn niya, ampota, jusmiyo kankna pa sumigaw ng sagutin ko raw.

"Alin nga?!" Inis kong tanong saka muling sumubo, ewan ko rin ba sa bibig ko nakikipagbangayan na ako kain nang kain.

Gutom yarn?

Napakamot naman siya sa batok niya. "Iyong about sa sex! Jusko ka! Active ba sex niyo ni maverick?!" Sigaw niyang tanong, nanlaki naman ang mata ko.

Mabilis ko inilibot ang paningin ko sa mansion, marami rin kaming katulong dito at nandito kami sa sala ang lakas-lakas ng boses nito.

Inis ko siyang hinampas.

"Gagi ka!"

"Ikaw eh, slow!" Sigaw niya, inirapan ko nalang siya dahil hindi kami matatapos magtalo kung hindi ako magpapatalo sa kan'ya.

"Ano nga?" Tanong niya, ubos na ang pasensya sa akin. Ngumuso ako.

"O-Oo, ginagawa niya yatang exercise ang sex..." Pagsasabi ko ng totoo, ewan ko ba sanay na dapat ako sa kaibigan ko kaso nahihiya pa rin ako.

Pero totoo naman iyon, pagod si maverick madalas kapag umuuwi siya kasi kung hindi about sa showbiz sa business ang iniintindi niya, hindi ko nga alam paano niya napapagsabay iyon tapos minsan may photoshoot pa siya.

Pero hindi ko alam sa kan'ya kahit pagod siya gusto niya pa rin mag-ano kami eh syempre bilang dakilang maharot pumapayag ako no issue naman kasi sa amin iyon kasi mag-asawa kami at gusto namin din.

"Active kayo?"

"Oo nga, kulit. Mag-asa—"

"Oo, alam kong mag-asawa kayo, matanda na rin kayo pero, hindi niyo ba naisip kapag nag-ano..."

"Ano?"

"Kailan iyong huli?" Tanong niya, napaisip naman ako habang sumusubo.

"Nung nakaraan linggo ata, bakit? Hoy grabe ka! Twice a week lang naman!" Baka kasi I-judge niya agad ko, unahan ko nalang siya.

"Gaga, huwag kana iinom ng alak ha." Utos niya, kumunot naman agad ang noo ko.

"Luh?"

"Bawal na sa iyo ang alak." Paalala niya ulit.

"Bakit?" Taka kong tanong, tinapik naman niya ang balikat ko.

"Magbihis ka na rin ngayon." Utos niya, mas nalito lang ako.

"Bakit?!"

"Aalis tayo, pupunta tayong ob-gyne." Seryoso niyang sabi, umawang naman agad ang bibig ko.

The Billionaire's Wife (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon