Chapter 28

216 5 0
                                    

"Ano bang pag-uusapan natin tungkol sa inyo?" Tanong ko habang humihigok sa Caramel Milkshake, nandito kami sa isang coffe shop malapit lang sa mansion namin dito kami magpasya magkita dahil ayoko pa lumayo at makita ako ng kamag-anak ko or ang kamag-anak ni maverick.

"Bago ang sa amin, I just wanna know if you already forgive yourself, sheena?" Tanong niya, natigilan ako sa pag-inom at umiwas nang tingin sa kan'ya.

"Forgive yourself, sheena.Please..." Pagmamakaawa niya.

Kumunot ang noo ko.
"Akala ko ba iyong tungkol sa inyo ni kia ang pag-uusapan natin?" Tanong ko, ayoko kasing binabalikan namin iyong nakaraan, ayaw ko na balikan ang mga iyon.

Masaya na ako ngayon. Oo noon, hindi ko nagawang alagaan ang sarili ko kadahilanan napabayaan ko rin ang batang nasa tiyan ko... Dahilan kung bakit... Bakit nawala ang anak namin ni kenneth.

Pero, iba na kasi iyong sa amin ngayon, hindi kami magkaibigan ni kenneth, magkakilala nalang. Buntis na ako ngayon at sa minamahal kong asawa na si maverick.

Kaya ayokong balikan ang nakaraan.

"You heard everything, right?" Tanong niya, humigop muna ako sa iniinom ko bago tumungo bilang sagot.

"It's okay to you... Kung liligawan ko si kia?" Kabado niyang tanong, wala akong pag-alinlangan na tumungo, kaibigan ko si kia, at sa totoo lang siya naman kasi dapat ang girlfriend ni kenneth kung hindi ko lang sinabi kay kia noon na may gusto ako kay kenneth, dahil sa sobrang bait ni kia sa akin pinaubaya niya sa akin ang lalaking mahal niya.

So selfless, kaya ano naman kung maging sila ngayon? Walang issue sa akin iyon, as long hindi naman jinowa ni kia si kenneth nung kami pa. Magagalit siguro ako kung gano'n ang nangyari kaso hindi naman.

Siguro sa iba hindi normal iyon but, sa situation kasi namin hindi naman kasi talaga ako ang nauna, may nagpaubaya lang talaga.

"Okay na okay sa akin." Ngumiti ako nang maliit, titig na titig siya sa akin hindi ako sanay, awkward.

"Narinig ko lahat, marami na binigay sa akin ni kia kahit sarili niyang kasiyahan kaya hindi ako kontra sa gusto mong gawin pero..." Pinutol ko ang sasabihin ko at tinignan siya nang deretsyo sa mata.

"Why?"

"Walang problema sa akin, kay kia meron." Pagpapatuloy ko, malaki talaga problema kay kia. Kahit siguro may feelings pa si kia kay kenneth ngayon, hindi siya gagawa ng way para maging sila ni kenneth or kahit manligaw pa si kenneth kay kia.

Kasi isa sa mga rules ni kia, hinding-hindi niya jojowain ang mga naging ex ko, kahit masaktan na raw siya kung sakaling magkagusto siya sa mga naging ex ko, hinding-hindi niya papatulan.

Sa nakikita ko may feelings si kia kay kenneth gano'n din si kenneth, pero paano naman magiging sila kung gano'n si kia ayaw sumubok.

Walang issue sa akin pero si kia meron.

"Ayaw ni kia sa— I mean, nyeta. Ayaw niyang pumatol sa ex ko, it's your choice nalang kung paano mo masusuyo ang isang iyon." Pagsasabi ko ng totoo.

Hindi ko na kasi problema iyon.

"Walang problema sa akin kung paano ko mapapa-ibig si kia, my problem is, where is she?"

Mabilis kumunot ang noo ko dahil sa tanong niya, inilapag ko ang inumin ko sa table saka umayos nang upo.

"Hindi mo rin alam kung nasaan siya?" Taka kong tanong, ilang linggo na hindi nagpapakita si kia, kaya nga rin ako nakipagkita kay kenneth kasi nagbabaka sakali akong alam niya kung nasaan ang kaibigan ko.

Pero, potaena. Maski siya hindi alam nasaan si kia, asan kaya ang babaitang iyon? Umaalis ng walang paalam, mapuntahan nga mamaya sa shop.

"I don't know where is she, the last time we saw eacg other nung naglasing ako sa bar." Sabi niya, kumunot lalo ang noo ko at mas kinain ng pagtataka.

Unang-una, hindi ugali kia na naalis nang walang paalam, pangalawa mas lalong hindi ugali noon hindi magparamdam sa akin lalo na ngayon alam niyang marami akong iniisip at buntis ako.

Kaya kataka-taka.

"Sheena, huwag lang lilingon ha." Sabi niya.

"Huh?"

'Wag akong lilingon? Bakit naman.

Hindi siya nagsalita, may kinuha lang siya sa bag na dala niya, mask iyon at cap.

Mabilis niya isinuot sa akin iyon na mas nagpakataka lang sa akin.

"Bakit?" Gulo kong tanong, akmang aalisin ko ang mask na isinuot niya sa mukha ko nang pigilan niya agad ako.

"May media, I know na may issue na kumakalat ang asawa mo, and I think alam ng media na may non-showbiz wife si Maverick, I saw some journalist or whatever kung ano man tawag sa kanila." Dagdag niyang sabi, marahan akong lumingon pero hindi pa ako tuluyan nakakalingon ay pinaharap niya ulit ako sa kan'ya.

Punyeta naman.

"Your husband is not just a actor, sheena. Your husband is a one of the young billionaire sa buong mundo at isa pa siya sa highest paid model."

Tama siya roon, sa sobrang yaman ng asawa ko mukhang hindi matatahimik ang buhay niya lalo na ang buhay ko kapag nalaman nilang may asawa ang iniidolo nila.

Siguro sa ibang bansa okay mag-asawa or boyfriend ang isang model kaso nasa pilipinas ako, maraming toxic filipino sa bansang 'to lalo na pagdating sa mga idol nila na artista.

"Hindi ako ni-reveal ni maverick." Sabi ko, hindi naman kasi talaga kaya imposible na ako ang pinunta ng mga pakalat-kalat na mga media rito.

"I know, but you think titigil ang media kakahanap sa mga information ni Maverick? Before may kumalat na picture niyong dalawa pero hindi nakita ang mukha mo roon." Titig na titig siya sa akin. Gano'n din ako, medyo malapit ang mukha namin kung titigan kami ng ibang tao mukha kaming mag-jowang naghaharutan.

Gago, kadiri.

"Aalis na naman si Maverick sa showbiz." Sabi ko, hindi ko alam pero medyo kinakabahan ako lalo namang makarinig akong may nag-click ng camera.

Tangina, kapag umuwi ako at may picture na kumalat sa social media lagot na pero, imposible. Walang may alam na asawa ako ni Maverick maliban sa malalapit na tao sa amin.

"Hindi iyon ang problema, sheena. Baka nakakalimutan mo isa ka rin model noon, it's either nakilala ka ng mga journalist or reporter whatever kaya sila kumukuha ng litrato noon para gumawa ng article tungkol sa'yo, bago maging tao kilala na ang pangalan mo sa social media and sa modeling industry, or may nagpakalat na ikaw ang asawa ni Maverick at gagawa sila ng article something about you..." Mahaba niyang sabi, mabilis nanlaki ang mata ko at lumayo sa kan'ya saka tuluyan tumayo.

Shit! Bakit ko nakalimutan na may baliw na ex-girlfriend ang asawa ko!

"Uwi na tayo." Sabi ko saka dali-daling naglakad papunta sa back exit.

The Billionaire's Wife (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon